Chapter: 11

542 9 0
                                    

44 Days Of Hell

Chapter: 11

"Wala kayong ebidensya, at lalung wala kayong witness!" Sigaw ni Cedrick nang matapos magbasa si Sonny.

Lumapit si Sonny sa gitna at may nilabas na vhs. Isinalang iyon ni Sonny ngunit hindi muna agad binuksan.

"Nais kong sabihin na ang mga naturang eksena ay brutal, hindi ka-nais nais. Kaya sa mga may matitibay na sikmura ko lamanh hinihiling na panuorin ang mga sumusunod." Tumingin siya sa mga magulang ni Quinzel na tila humihingi nang pag sang ayon.

Tumango si Mang Oscar at Aling Ester bilang pag payag.

Bago niya pindutin ang vhs ay huminga muna siya nang malalim.

Pumikit siya nang pindutin iyon.

"Aaaggghhhh!!!" 

Halos napatayo si Cedrick nang makitang naka record ang ginawa niya kay Quinzel.

Makikita sa video na natatawa siya habang ibinuka ang mga binti nito at pasuin nang sigarilyo bawat bahagi nang ibaba nang biktima.

Sunod-sunod na napalunok si Oscar at nagagalaiting tumingin kay Cedrick.

Napapikit si Ester habang nakikita ang paghihirap nang anak.

Hindi din makapaniwala ang ina ni Cedrick sa ginawa nang anak halos masuka siya sa mga napapanuod.

Sumenyas si Sonny na kumalma si Oscar kailangan mapanuod nang Judge ang karumal dumal na sinapit ni Quinzel.

~

"Ihi!" Utos ni Cedrick at nilagyan ito nang baso sa harapan.

"Umihi ka diyan!" Utos nito

Kahit nanghihina ang katawan ko ay pinilit kong sundin siya, dahil kapag hindi ko siya sinunod ay siguradong bugbog sarado na naman ako.

Pinilit ko umihi kahit na mahapdi, sobrang sakit nang harapan ko. Halos kakaunti lamang ang iniihi ko.

"Inumin mo yan!"

Muling nadinig ko na utos niya, wala si Brent nang mga oras na yun.

"Hindi mo iinumin!" Galit na sabi ni Cedrick.

Agad na hinawakan ako nila Louie at Luigi, pagkatapos ay pinisil ni Fred ang bibig ko para ibuka. Nakita kong hawak-hawak ni Cedrick ang baso na may laman kong ihi at ipinainom sakin, agad na tiniklop ni Fred ang bibig ko para masiguro nilang nalunok ko ang lahat.

Pagkabitaw ay tinadyakan ako nang dalawa sa likod, halos sumubsob ako sa sahig, muli akong hinawakan at itinihaya.

Hinawakan ni Fred ang mga binti ko, nakita ko Cedrick na may dalang plies. Nakapwesto siya sa paa ko at pilit na tinanggal ang mga kuko sa paa.

"Aaghhhh!!! Ta-ma na!!!" Sigaw ko dahil sobrang sakit ang ginawa nila, ngunit hindi sila nakikinig, walang nakikinig sa kanila kundi mas lalu pa silang natutuwa sa sigaw at pakiusap ko.

Naramdaman ko na pinagapatuloy ni Cedrick ang ginagawa, mas lalu nila akong hinawakan maigi para hindi makagalaw, sa sobrang sakit ay pakiramdam ko na muli akong naihi. Lumuluha ang mga mata ko, halos sobrang sakit at hirap na ang pinagdadaanan ko.

"O dagdag collection!" Sabay hagis ni Cedrick kay Fred nang mga kuko ni Quinzel.

"Yuck! Itapon mo na nga yan!" Sabay tawa ni Fred,

Binitawan na nila ako, at isa-isang nagsilabas. Maliban kay Cedrick, lumapit siya at itinapo ang mga kuko ko sa buong katawan ko. Nakita kong tumayo na siya at lumabas ng kwarto.

Nakatihaya ako at nakatulala sa kisame.

"Bakit? Bakit pinahihirapan mo pa ako?" Tanong ko sa taas, bakit nga ba siya pumapayag na nakikita pa akong nahihirapan, bakit hindi na lamang niya ako kunin. Gusto ko na makawala sa impyernong ito, mapait akong ngumiti. Naalala ko ang mukha nang aking ina na masayang sumasalubong sa tuwing uuwi ako galing Eskwela. Ang ama ko na masayang kasabay ako sa hapag kainan, simple lamang ang buhay namin. Tahimik at masaya.

"Pero eto, eto ang sinapit ko? Anung-anung nagawa ko." Muling tumulo ang luha ko, hirap na hirap na ako. 

Dumaan ang pasko na hindi ko lang man nakasama ang mga magulang ko, ni hindi ko lang man sila nayakap. Gustong-gusto ko silang yakapin, gustong-gusto ko iparamdam ang pagmamahal ko sa kanila.

"Gusto ko na mamatay, pakiusap ibigay mo na sakin ang kamatayan. Pagod na pagod na ako." Bulong ko at muling humagulgol nang iyak.

~

Kararating lamang ni Brent, pagkabukas nang kwarto ay agad niyang nakita ang itsura ni Quinzel, nagmamadali siyang lumapit at inalalayan ang ulo nito.

"Quinzel, Quinzel." 

Dumilat ako at nakita ko na bumungad ang mukha ni Brent, sa tuwing makikita ko siya pakikiramdam ko nabubuhayan ako nang loob. Pero sa tuwing naiisip ko na kahit andiyan siya sa tabi ko andidito pa din ako sa impyernong kinahihigaan ko.

"Umuwi lang ako saglit, kasi maghi-hiwalay na nang taon."  

"Hiwalay nang taon?" Sa nadinig ko, ay alam ko na ang petsa. December 31 na at halos 40 days na akong naririto, walang pagkain sariling ihi ko ang kalangan kong inumin. Sa mga nagdaan na araw, nang sariwa pa ang katawang ito ay halos iba't-ibang lalaki ang nakikita ko para lamang gahasain ako, hindi ko na halos mabilang. Hindi ko halos masikmura ang mga kababuyan na ginagawa sa akin, ang mga pananakit ni Cedrick at nang barkada niya maliban kay Brent. 

Ang pagpasok nang iba't-ibang intstrumento, ang pagpilit na ipalaro ang ari ko. Kumain nang buhay na ipis. Kung iisipin ko lahat, akalain mo nga na tumagal pa din ang buhay ko.

"Quinzel." 

Lumingon ako kay Brent at saglit na sumandal sa kanya. 

"Huwag mo muna akong iwan, pakiusap." Bulong ko gusto ko siya makasama sa buong maghapon. Alam ko na umalis sila Cedrick at siya ang nakatoka para bantayan ako.

Tumango si Brent, at inayos ito nang pwesto para mas lalung maging komportable.

Ngumiti ako kahit paano masaya na ako, hindi ako nag iisa kahit maghiwalay ang taon. Dahil naririto si Brent naririto ang taong hindi umabuso sa pagkababae ko, hindi ako sinaktan at ginalang sa kabila nang lahat.

#AuthorCombsmania

44 days Of Hell ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon