44 days of Hell
Chapter: 19
Matapos maisagawa ang kaso ay nahatulan nang pagka bilanggo sila Cedrick, Louie, Luigi at Fred nang tatlong taon na pagkaka bilango sa Jubilee.
At kapag nasa tamang gulang na sila ay ilililat na sila sa piitan. Ngunit labing pitong taon lamang ang naipasang kaukulan na parusa sa kanila.
Samantala si Bren at makukulong din dahil kasama din siya sa mga dumukot kay Quinzel, at naging tahimik at hindi nagsuplong sa mga pulisya.
Malungkot pa din ang mag asawa dahil hindi sapat ang ibinigay na parusa sa mga iyon, pero wala na silang magagawa.
Lumapit si Brent sa mag asawa at may inabot.
"Sabi niya ibigay ko sa inyo ito. Bago siya mawala."
Tinanggap ni Ester ang sulat at muling tumingin kay Brent.
"Alam ko na wala kang kasalanan, salamat." Tumalikod na ito
Napatango lamang si Brent at sumama na sa mga pulis.
~
Umiiyak si Ester habang nasa kwarto ni Quinzel, wala siyang panahon para makipag usap sa baba. Dahil lamay ni Quinzel.
Binuklat niya ang sulat na binigay ni Brent.
Dear, Mama at Papa.
Ma, Pa. Una sa lahat gusto kong patawarin ninyo ako sa ginawa kong pagsisinungaling. Wala akong nobyo at wala sa isipan ko ang makipag tanan. Ang buong pangarap ko ay makapag tapos at matulungan kayo, pero hindi ko na yata magagawa lahat nang ito. Dahil eto, nakakulong ako sa madilim na bahagi nang lugar na ito. Ang paghihirap ko ay hindi natatapos hangga't hindi dumarating ang 44 days, pagod na ako Mama, Papa. Gusto ko na umuwi, pero hindi ko alam kung handa ba ako na nabuhay nang maayos pagkatapos lahat nang sinapit ko. Hindi ko alam kung kaya ko ba harapin ang lahat, hindi ko alam kung kakayanin ko lumabas dahil sa hiya na sinapit ko.
Tumigil saglit si Ester at muling umiyak, kung naroroon lamang siya para damayan ang anak sana ay naramdaman niya din ang paghihirap nito. Nang mamatay si Quinzel parang namatay na din siya.
Huminga siya nang malalim bago muling basahin.
Hindi ko alam kung tatagal ako, pero gusto ko na mamatay. Hirap na hirap na ako, gusto ko na pumikit at hindi magising, ngunit nagigising pa din ako. Tila ayaw pa akong bawian ng buhay, tila hihintay pa ang taning kong apatnaput-apat na araw. Nakakatawa nga Mama, Papa ang tibay ko, ang tibay-tibay ko na buhay pa ako hanggang ngayon.
Patawarin ninyo ako, kung napaiyak ko kayo hindi ko sinasadya. Pero wala akong choice. Ma, Pa. Kung mababasa ninyo ang sulat na ito, isa lamang ang alam ko wala na ako sa mundong ito. Hinihintay ko lamang yun, at makawala sa impyernong ito. Tandaan ninyo. Mahal na mahal ko kayo, mahal na mahal. Gusto ko din sabihin na sa kabila lahat nang ito, may isang taong pa din na tinuring akong tao. At si Brent yun, si Brent na sa kabila nang lahat ay minahal ko. Salamat Mama, Papa sa buhay na binigay ninyo sa akin, hinding-hindi ko to makakalimutan. Paalam.
Nang matapos ay napahagulgol nang iyak si Ester, halos sumikip ang kanyang dibdib at niyakap ang unan. Sobra siyang nagsisisi kung bakit pinayagan pa ito at hindi sunduin, pero wala na, nawala na ang nag iisang ang anghel sa kanyang buhay.
~
Madaming tao ang nang araw na libing ni Quinzel, bitbit ni Ester ang litrato nito na kuha sa kanilang paaralan. Sa litrato ay masaya itong nakangiti habang nakasuot nang uniporme.
Lahat ay nakaitim at nagluluksa sa pagkawala nang isa sa magaling na estudyante nila. Halos lahat ay umiiyak at kumakanta nang isang awitin para kay Quinzel.
Habang hinahatid ito sa huling hantungan.
~
Tahimik si Brent na nakaupo sa isang sulok, nang may paru-paro na dumapo sa kanyang kamay nagulat siya at ngumiti alam niyang si Quinzel iyon.
Nabalitaan niya na ililibing ito ngayong araw sabi ni Inspector Sonny, kahit siya ay masaya na din dahil natapos na ang pahihirap nito. Naalala niya ang sulat na nakapangalan sa kanya, hindi niya pa kasi ito nababasa.
Kinuha yun at binuklat.
Dear. Brent.
Habang sinusulat ko eto ay mahigpit na ang kirot s aking dibdib at tiyan, hirap na ako at pagod na pagod na. Hindi ko alam kung maabutan mo pa akong buhay. Sayang ngayon pa tayo pinagtagpo, sa isang madilim na kung saan walang katapusan ang paghihirap ko. Sayang hindi ko lamang masabi sayo ang gusto kong sabihin, gusto ko sabihin na sa kabila ng kabutihan mo, sa lahat nang ginagawa mong paglilinis at pagdadamit sa akin ay tumibok ang pihikan kong puso. Gusto ko malaman mo na mahal kita, pero hindi ko magawang masabi nang harap harapan, ayoko kaawaan mo ako, ayokong umiyak ka. Sa tuwing nakikita kitang lumuluha. Pakiramdam ko ay nasasaktan kita ng husto. Brent, ipagpatuloy mo ang buhay, masaya ako na nakilala kita. Nakilala sa maling panahon. Siguro hindi pa ito ang tamang panahon para sa atin. Naniniwala ako na magkikita tayong muli. Salamat.
Tumulo muli ang luha ni Brent.
"Mahal na mahal kita Quinzel, mahal na mahal kita." Bulong niya at niyakap na lamang ang sulat.
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
44 days Of Hell ( Completed)
HorrorShe was totured, rape by 44 Days. Kahit na sino ay mas pipiliin nang mamatay para lamang matapos ang kanyang paghihirap. Sa kanyang madilim na mundo, tanging masasayang alaala lamang ang nakikita niya para mabuhay, ngunit sa tuwing magigising siya...