44 Days Of Hell
Chapter: 17
Nagmamadali si Brent na makabalik sa bahay kung nasaan si Quinzel, ngayon ang ika- 44 days nitong paghihirap. At sa wakas makakalabas na din ito nang impyerno.
Pagka bukas ng kwarto ay pansin niyang nakahiga ito, may nakatakip na damit sa katawan nito.
Napalapit siya at hinaplos ang buhok ni Quinzel.
"Quinzel."
"Uhmm." Ungol ko at dumilat nakita ko si Brent, nakita ko mukha niyang nag alala.
"Du-mating ka." Sabi ko at hinaplos ang mukha niya, pansin ko na madami siyang pasa.
Tumulo ang luha ni Brent lalu nang mapansin ang mga bagong sugat nito, pati na din ang bandang dibdib nito.
"Hayup sila, ha-yup." Umiiyak niyang sabi.
"Wag, kang - umiyak." Nahihirapan kong sabi, may kinuha ako sa ilalim at binigay kay Brent.
"Ibigay mo, sa magulang ko." Bilin ko.
"Quinzel, iuuwi na kita."
Umiling ako at pumikit.
Tumayo si Brent at mabilis na lumabas ng kwarto para kumuha nag tubig.
Halos hindi ko na madilat ang aking mga mata, malabo na ang nakikita ko sa paligid. Hindi na ako makagalaw nang maayos. Pakiramdam ko ito na ang matagal kong hinihintay. Ngumiti ako nang mapait, puno ako nang galit sa mga taong nasa likod nito, sa mga taong sumira nang dangal ko, sa mga taong naging bahagi nang pagdurusa ko. Ngunit sa kabila nang lahat, sa kabila nang katawan kong nanghihina, sa mga kalamnan kong hindi ko na maramdaman at sa puso kong naghihinagpis, naroroon ang kasiyahanang kasiyahan na malapit na ako makawala sa mundong madilim na aking napuntahan.
"Makakatakas na ako, sa- sa impyerno." Sa isipan ko lamang ang mga salitang yun, halos hindi ko maiayos ang pagdilat nang mamaga kong mata. At sa kabila nito ay ang unti-unti na din panlalabo nito.
Bago tuluyan na mawala ang aking buhay ay isang salita pa ang naibigkas ko
"Ma-hal kita. Brent"
Nabitawan ni Brent ang baso, at agad na lumapit kay Quinzel, kinapa niya ang pulso nito ngunit wala na. Tuluyan na siyang nawala.
Pumasok din sa kwarto sila Cedrick.
"Patay na pala siya!"
Galit na galit na lumingon si Brent ay sinugod ito para suntukin. Nagsuntukan silang dalawa ngunit agad din na inawat.
"Tumigil nga kayo! Anung gagawin natin sa bangkay niya?" Nagaalalang tanong ni Luigi.
"Edi itatapon!" Sabat ni Cedrick.
"Hayup ka!" Sigaw ni Brent.
"Patigilin niyo yan, itali niyo nga muna yan!" Utos niya,
Agad naman na sinunod nang mga ito ang utos ni Cedrick. Walang magawa si Brent mahina pa ang katawan niya, nilagyan siya nang takip sa bibig para hindi makasigaw at piring sa mata.
Lumapit si Cedrick sa bangkay ni Quinzel. Wala na nga itong buhay, talagang naipanalo nito ang kanyang kamatayan.
"Louie, maghanap ka nang drum!" Utos niya at tumayo
~
Alas-cuatro nang madaling araw nang makahanap sila nang drum, nagmamadali silang kinuha ang bangkay ni Quinzel at inilagay sa loob nang drum.
Nagbiyahe sila at nagpunta sa isang construction site, nakakita sila nang semento. Agad nilang binuhusan yun nang tubig para mabasa, at hinalo nang maigi. Nang maayos na ang semento ay ibinuhos nila ito sa drum kung nasaan si Quinzel.
Natatawa pa sila nang pinagmamasdan nilang napupuno na ang drum nang semento.
"Pabayaan niyo na yan!" Sigaw ni Cedrick at naunang umalis para tumungo sa Van. Napansin niya pa sa ibaba ang bike nito kaya agad na kinuha at inihagis na sa malapit sa site.
Tumalikod na ang tatlo, ang hindi nila napansin ay lumitaw bahagya ang ulo ni Quinzel kaya ang mga hibla nang kanyang buhok ay nakalawit.
~
Binalikan nila si Brent, tinanggal nila ang tali nito at pi ring pati busal. Pero tulala ito, nakatulala dahil sa nangyari sa babaeng minahal niya kabila nito.
"Patay na siya, huwag mo na siyang isipin." Wika ni Cedrick at tinapik ang balikat.
Hindi siya umiimik at tumulo lamang ang luha, napakasakit na nawala ito sa piling niya. At ang masaklap ay ang karumal dumal nitong pagkamatay.
~
Ala-una nang hapon, nagpapahinga ang mga mang gagawa. Napansin nila ang drum na may semento, basa-basa pa ito at pansin ang hibla nang mga buhok. Nang tingnan ito maigi ay agad siyang napasigaw dahil nakita na niya ang anit nang isag tao.
Nagmamaadaling tumawag nang pulis ang iba, at agarang imbestigasyon ang nangyari. May mga reporters at kung sino-sino pa ang mga dumating.
January 4, 1989
Natagpuan ang isang drum, sinasabi sa imbestigasyon na ito ay si Quinzel Esteban. Kumalat ang balita sa dyaryo at istasyon. Kaya tinawag ito.
"Concreate encased, Highschool Girl murder cased"
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
44 days Of Hell ( Completed)
HorrorShe was totured, rape by 44 Days. Kahit na sino ay mas pipiliin nang mamatay para lamang matapos ang kanyang paghihirap. Sa kanyang madilim na mundo, tanging masasayang alaala lamang ang nakikita niya para mabuhay, ngunit sa tuwing magigising siya...