Chapter: 16

514 6 0
                                    

44 Days Of Hell

Chapter: 16

Dumating si Cedrick nang araw na yun, naabutan niyang naglalaro ang mga kabarkada.

"Uy, dumating ka na pala!" Sabay akbay ni Fred.

Kumuha ito nang bote at uminom, pumasok siya sa kwarto at naabutan si Quinzel na nakahiga.

"Hoy!" Sigaw niya at binuhusan ito nang alak sa mukha.

Napasinghap ko at dumilat, nakita ko na naman si santanas, at ang kanyang mga kalahi. Nakatitig ang mga ito sakin, at si Cedrick ay mas lalung lumapit, umupo ito.

"43 days na? Baka may gusto ka hilingin?" Sabay tawa.

"Gusto ko na mamatay, pakiusap." Sagot ko na walang gatol buo na ang loob ko na mamatay nang mga oras na yun.

"Cedrick, pabayaan na kaya natin siya?" Sabat ni Louie.

"Tumigil ka!" Tumayo ito at humarap,

"Bakit? Natatakot ka na ba?" 

Umiling si Louie.

Muling lumingon si Cedrick kay Quinzel.

"Sige, pagbibigyan ko ang hiling mo. Pero sa isang kundisyon." 

Napatitig ako sa kanya lalu nang sumenyas siya sa mga kasamahan.

Lumabas ang mga ito at muling bumalik na may dalang maliit na lamesita.

Nakita ko ang mga baraha na naroroon pati ang mahjong na lagi nilang nilalaro.

"Alam ko na matalino ka Quinzel, kaya dapat matalo mo kami sa larong ito!"

Hindi ako masyadong bihasa sa mga sugalan, kaya siguradong mahihirapan ako na matalo sila.

"Kapag ba, natalo ko kayo. Papatayin niyo na ako?" Tanong ko.

"Oo! Kapag natalo mo kami, ibibigay ko ang kamatayan mo!" Sagot ni Cedrick.

Ngumiti ako bahagya at pinilit ko bumangon, hinihingal ako nang mga oras na yun. Parang pagod ang katawan ko.

Ngumiti din si Cedrick at inayos ang lamesa, naupo sila sa mga pwesto, si Luigi at Fred lang ang sumali. Habang si Louie ay nasa isang sulok para manuod.

"Mukhang ready ka na talaga sa kamatayan mo!" Tumatawang sabi ni Cedrick.

"Kailangan manalo ka, dahil kapag hindi ka nanalo mas lalu kitang pahihirapan!" Banta nito.

Hindi ako umimik at pinagmasdan ang pag aayos nila nang mga baraha, pinipilit ko na linawan ang aking paningin dahil lumalabo na yun.

Kanya-kanyang kuhaan nang mga baraha, nakuha ko din ang para sakin.

Pero wala talaga akong ideya sa ganitong laro. Hanggang sa nauna nang nagtapon si Luigi.

"Ikaw na Quinzel!" Utos ni Cedrick.

Tinitigan ko maigi ang mga hawak ko, at binasa maigi kahit walang maintindihan ay naglabas na ako nang baraha. Napansin ko na napaisip si Cedrick. 

"Mukhang maalam ka maglaro Quinzel ah!" Tukso ni Fred.

Hindi ako umimik basta pinagmamasdan ko mga galaw nila, kailangan ko manalo kahit dito. Ito na ang pagkakataon ko para makawala sa impyernong ito.

~

Napasinghap si Sonny at ang mga nanunuod, halos wala na din patid ang luha ni Ester at Oscar.

"Ibig sabihin nakipaglaro siya para sa kamatayan niya?" Tanong ni Sonny, kay Cedrick 

Si Cedrick na ang nakaupo nang mga oras na yun para tanungin.

Napalunok si Cedrick, hindi na siya makakaiwas pa dito dahil mabigat ang ebidensya laban sa kanila.

"Matalino siya." Yun lamang naisagot niya.

Nakatitig naman si Brent kay Cedrick, wala siya nang mga panahon na nakipaglaro si Quinzel, pinaglaban nito ang kanyang kamatayan.

"Nanalo ba siya?" Tanong ni Sonny.

~

Nakakailan na kaming round, at lahat ay napanalo ko. Halos inabot na kami nang madaling araw. 

Napailing si Cedrick sadya pala talagang matalino si Quinzel, nakabisado agad nito ang mga laro at eto tila wala silang naipanalo sa akin.

Tuwang-tuwa ang damdamin ko, sobrang galak na naipanalo ko ang kamatayan ko.

Tumayo si Cedrick,

"Panalo ka na!" 

Ngumiti ako nang pilit, at tumango. Pero nakita ko siyang lumabas, nakatingin din ang iba niyang kasamahan nang lumabas siya. Nakita ko na tumayo si Louie at lumabas.

Napahiga ako, talagang pagod na ang katawan ko at talagang wala na parang nanghihina na ako. Gusto ko na talagang magpahinga. Pumikit ako, gusto ko muna ipikit ang pagod kong talukap, gusto ko muna magpahinga dahil alam ko na hindi na ako gigising sa mga susunod pa.

#AuthorCombsmania

44 days Of Hell ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon