44 Days Of Hell
Chapter: 10
Nakaramdam ako nang may pumupunas sa akin, nagmulat ako at nakita si Brent. Matyaga niyang pinupunasan ang mukha ko na may dumi nang mga barkada niyang walang sawa na paglaruan ako.
Nakikita ko sa mga mata niya ang awa, hindi ko napigilan ang sarili na hindi tumulo ang luha. Ni minsan sa buhay ko hindi ako naghangad na kaawaan ng ibang tao, at ni minsan hindi ko natutunan ang magmahal. At sa kabila lahat nang dinadanas ko ngayon ay eto, natuto pang umibig ang puso ko. Iginalaw ko ang kamay ko para pigilan siya.
"Wag na." Sabi ko na namamaos, hindi na umayos ng boses ko at pakiramdam ay mawawalan na ako nang boses.
Tumingin si Brent kay Quinzel, aaminin niya sa sarili niyang nagka gusto siya dito. Sino ba ang hindi magkaka gusto sa isang pinakamatalino at mabait na babae.
Si Quinzel lamang ang nakilala niyang babae na hindi mahilig sa barkada, iilan lamang ang kabigan nito, madalas itong mag part time para matulungan ang mga magulang.
Isa si Brent sa mga bully sa school kaya sumali sa Gang ni Cedrick, at ito ang kauna-unahan na kanyang naging pagsubok ang mang kidnap nang isang babae. At ang babaeng napili pa ay si Quinzel.
"Hayaan mo lang ako"
Umiling ako at ngumiti bahagya.
"Madumi na ako, hindi mo na kailangan pang linisan ako." Sagot ko at ngumiti. Nakita kong tumulo ang luha niya at sunod-sunod na lumunok.
"Ngayon lang kita, nakitang ngumiti" sabay haplos sa mukha nito, madaming pasa ang katawan nito na tila nagkukulay ube, hinayaan na naman ni Cedrick na hindi ito damitan.
"Pa-patawarin mo ako, kung-kung wala ako magawa."
Mariin akong pumikit at tumango, kapwa kami natatakot at biktima nang mga oras na yun. Kung sakali gagawa nang maling hakbang si Brent siguradong madadamay ang buong pamilya niya,nang araw na pilitin nila akong tumawag sa magulang ko para ipatigil ang paghahanap sa akin, ay pikit mata akong nagsabi na sumama ako sa nobyo kong si Cedrick, ang hayup na Cedrick na yun. Ang lalaking sumira nang pangarap ko. Ang taong nagpahirap sa akin ng husto.
Dumilat ako at pinilit bumango, pansin ko na tinakluban pa niya ako nang kumot.
"Salamat."
Ngumiti si Brent at inayos ang buhok ni Quinzel, tila ginawang katawa-tawa ang buhok nito na ginupit-gupit.
"Sa tingin mo, mabubuhay pa ba ako?" Tanong ko kay Brent habang nakasandal, nagbabaka sakali pa din ako na isang araw ay makawala sa impyernong ito.
"Siguro, kapag nagsawa na sila." Tumitig siya kay Quinzel, halos ng isang mata nito ay nakapikit.
"Sino, sino sumuntok sayo?"
"Hindi ko na matandaan, basta may sumuntok sa akin."
"Quinzel, hindi ko alam. Hindi ko talaga alam kung pa'ni magsisimula."
"Alam ko naman na hindi mo ginusto to, pero ito ang naging kapalaran ko." Sagot ko at tumingin sa malayo.
"Isa lang nasa isipan ko, ang mga magulang ko. Kung mamatay ako, paano na sila? Hindi ko na sila maalagaan, hindi ko na mabibigay ang matagal ko nang pangarap." Muling pumatak ang luha ko, naiisip ko sila Mama at Papa, masakit sa dibdib ang mga nasabi ko sa Telepono. Ang madinig na umiiyak si Mama para lang pauwiin ako, napapikit ako ang sakit-sakit. Hindi ko pinangarap kahit kailan na paiyakin ang aking ina, ngunit eto binigyan ko sila nang problema. Problemang kahit ako ay hindi ko alam kung makakawala pa.
Napakagat labi ako at umiyak, muli na naman ako naiyak.
Niyakap siya ni Brent, ngayon lang ito ginawa ni Brent. Wala siyang pakielam kung anu ang itsura ni Quinzel kung siya ba ay mabaho na. Ang mahalaga ay dinadamayan niya ito. Kahit na sa ganitong sitwasyon gusto niyang ipaalam na may kakampi ito.
Sa mga bisig ni Brent nakaramdam ako nang kaunting pag-asa, yumakap din ako sa kanya. Gusto ko na kahit sa ganito na lamang mayroon ako masasandalan, isang taong nakakaunawa sa aking sitwasyon, isang taong tumutulong sa likod nito. At isang taong lihim na tinatangi ng puso ko.
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
44 days Of Hell ( Completed)
HorrorShe was totured, rape by 44 Days. Kahit na sino ay mas pipiliin nang mamatay para lamang matapos ang kanyang paghihirap. Sa kanyang madilim na mundo, tanging masasayang alaala lamang ang nakikita niya para mabuhay, ngunit sa tuwing magigising siya...