44 Days Of Hell
Chapter : 20
Finale:
Isang taon ang pinalipas nang mag asawa, nag-celebrate sila nang ika labing walong taon ni Quinzel, naghanda sila nang kaunting salo-salo.
"Mukhang si Brent na yun." Wika ni Ester kay Oscar.
Napawalang sala si Brent at nakalaya, samantalang sila Cedrick ay nanatiling nakakulong para pag dusahan ang kaso nito.
"Ikaw pala iho!" Bati ni Oscar.
Ngumiti si Brent at may dalang bulaklak, bumati din siya kay Ester at nagtungo sa altar kung saan naroroon ang litrato ni Quinzel... Nilapag niya ang bulaklak, at taimtim na nagdasal.
"Kung nabubuhay ang anak namin, mayroon na siyang nobyo ngayon." Nakangiting sabi ni Ester.
Lumingon si Brent at ngumiti.
"Huwag kayong mag alala, pagdurusahan nila Cedrick ang lahat. Naniniwala ako na makakamit pa din natin ang katarungan para kay Quinzel." Sagot niya
Hindi na siya muling umimik at muling tumingin s sa litrato ni Quinzel, ang napakganda nito mukha na nakangiti.
January 18, 1990 nang mga panahon na yun, at sa mga nagdaang panahon ay hindi pa din siya nawawaglit sa puso ko. Nag iisa lamang siya at patuloy ko na mamahalin kahit na hindi kami nagkaroon nang magandang alaala...
The End
In memories of Junko Furuta
Born: January 18, 1971
Died: January 4, 1989
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
44 days Of Hell ( Completed)
HororShe was totured, rape by 44 Days. Kahit na sino ay mas pipiliin nang mamatay para lamang matapos ang kanyang paghihirap. Sa kanyang madilim na mundo, tanging masasayang alaala lamang ang nakikita niya para mabuhay, ngunit sa tuwing magigising siya...