44 Days Of Hell
Chapter: 12
Nagising ako sa kalagitnaan nang putukan, marahil ang iba ay nag-celebrate ng bagong taon. Lumingon ako at nakita ko si Brent na nasa Terrace, pansin ko din na may saplot ako ngayon, hindi niya ako pinababayaan na nakahubad lalu kapag naririto siy sa kwarto.
Nakita ko siyang lumingon at ngumiti, ang aliwalas nang mukha niya hindi kami nagkakalayo nang edad. Siya lang ang natatanging hindi demonyo sa paningin ko.
"Happy New Year. Quinzel!" Bati ni Brent at naupo may inilabas itong pagkain at binigay kay Quinzel.
Napalunok ako, tila kumalam na ang sikmura ko nang makakita nang pagkain. Pakiramdam ko naiyak ako lalu nang subuan ako ni Brent.
"Magpalakas ka, kaunting tiis lang aalis na ako sa Gang."
Nadinig kong sabi niya, pinilit ko na lamang lunukin ang pagkain dahil hindi ko mangunguya. Wala na akong mga ngipin kaya lunok lamang ang gagawin ko.
"Eto tubig, kaunti lang muna baka mabigla ka."
At sa hindi inaasahan bigla na nga akong naiyak, napahagulgol ako nang husto. Sobrang sikip ng dibdib ko, ang nararamdaman ko ay walang humpay na kirot ngayon.
"Quinzel. Please, wag ka na umiyak." Pakiusap ni Brent at niyakap siya
"Sa kabila lahat nang to, mahal kita. Mahal na mahal kita."
Hindi pa ako bingi nang madinig ang mga katagang binitawan ni Brent, nadinig kong mahal niya ako.
"Hindi ako ang nararapat sayo." Bulong ko at kumalas sa kanya, tinitigan ko siya at nakikita ang luha sa mga mata niya.
"Madaming babae na maari mong mahalin. Hindi ang isang katulad ko na umaasa at naghihintay ng kamatayan."
Umiling si Brent.
"Makinig ka, pupuntahan ko si Boss para hingin ang kalayaan at kalayaan mo."
Hinawakan ni Brent ang mga kamay ko at hinagkan.
"May video recorder ako na nilagay sa sulok nang kwartong ito, lahat sila makukulong at magbabayad sa ginawa sayo."
"Ikaw? Pa'no ikaw?" Nag alala din ako, maaaring makulong din si Brent at sigurado ako na madadawit siya dahil isa siya sa mga dumukot sa akin.
Ngumiti si Brent.
"Kahit makulong ako, maluwag kong tatanggapin yun. Ang mahalaga makawala ka dito. Pinakamahalaga yun."
Nakikita ko ang sincere niya sa kanyang imahe, sa kanyang mga mata. Hinaplos ko ang mukha niya at pinunasan ang luha, kung bibigyan pa nga ako nang panibagong buhay, may isang tao na akong maaarng mahalin. Ang taong ngayon na kasama ko sa impyernong ito, ang taong nag alala at kakampi ko sa pagdurusa.
"Brent, salamat."
"Huwag ka muna magpa-salamat. Gagawin ko na ang lahat para maalis ka na dito."
"Hindi ako nagpapa salamat sa gagawin mo, kundi sa pagmamahal mo sakin. Sa pagmamahal na binibigay mo sa kabila nang lahat nang ito." Muli akong ngumiti, bukal sa loob ko ang mga binitawan kong salita. Hindi ko man aminin sa kanya ang totoo pero isa lamang ang gusto ko iparamdam na siya ang nagiisang lalaking kakampi at tinatangi ng puso ko.
~
"Mukhang nag enjoy ka na kasama yan ah!" Wika ni Cedrick kararating lang nang mga ito.
Tumayo si Brent at humarap kay Cedrick.
"Tapos na ang halos isang buwan, bakit hindi mo pa siya pinapakawalan?"
"Bakit ba masyado kang atat, siguro nga may gusto ka na talaga sa babaeng yan?" Tila insulto pa ni Cedrick.
"Makinig ka sakin Cedrick, titiwalag na ako. Kakausapin ko na si Boss hindi ko na kakayanin to. Isasabay ko na si Quinzel maliwanag!"
Natawa si Cedrick pati ang tatlo.
"Akala mo madali ang lahat ng yun, pare yakuzza si Boss! Gusto mo yatang maputulan ka nang mga daliri!"
"Putulin nila ang lahat, aalis na ako dito. " lumapit si Brent,
"papatunayan ko sayo na kaya ko makaalis.
At isasama ko si Quinzel!"
"Fine! Sayo na yan, sawang-sawa na ako sa kanya. Ang baho na niya wala na siyang sarap!" Sabay tawa,
Ngunit sinuntok ito ni Brent at susuntukin sana ulit nang awatin naman sila ng mga kasamahan.
"Anu ba, nag aaway kayo nang dahil sa babaeng yan!" Sabat ni Luigi.
Pinunasan ni Cedrick ang labi na may dugo sabay ngisi.
"Totoo naman sinasabi ko, ubos na ang katas niya!"
"Hindi ako demonyo na tulad ninyo. Aalis ako ngayon dahil hihingin ko ang kalayaan niya at kalayaan ko, huwag kayo magalala hinding-hindi ako magsusumbong dahil kahit ako madadawit." Pumalag siya para mabitawan ng mga kasamahan at lumapit kay Cedrick.
"Huwag na huwag mo na siyang sasaktan, naiintindihan mo!"
"Fine, basura na yan kaya hindi na ako magkaka interes diyan!" Sagot ni Cedrick at lumingon kay Quinzel.
"May hero ka na, kaya magpasalamat ka na!" Sabay tawa nito at lumabas nang pintuan sumunod na din ang tatlo.
Agad na lumapit si Brent sa akin.
"Quinzel, aalis muna ako. Aayusin ko muna to para din to sayo. Nangako sakin si Cedrick na hindi ka na nila sasaktan."
Tumango ako at ngumiti,
"Brent." Sambit ko sa pangalan niya, hinawakan ko ang mukha niya at lumapit saglit ko siyang hinagkan sa labi. At muling tinitigan, tinitigan ko ang mukha niya habang lumuluha ako.
"Para saan yun?"
"Gudluck kiss, para hindi ka mapahamak." Sagot ko.
Ngumiti si Brent at hinalikan niya sa noo si Quinzel.
"Pangako babalik ako, pagbalik ko makakawala ka na sa impyernong ito." Sabay ngiti at tumayo na.
Halos ayaw ko pa siya bitawan ngunit kailangan na niyang umalis, kailangan na niyang gawin ang mga nararapat gawin. Sinundan ko na lamang ang paglayo niya, lumayo siya hanggang magpunta si pinto. Muli siyang lumingon at ngumiti, gumanti ako ng ngiti hanggang sa tuluyan na siyang nakalabas nang kwarto.
"Mahal kita Brent, mahal kita." Bulong ko.
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
44 days Of Hell ( Completed)
HorrorShe was totured, rape by 44 Days. Kahit na sino ay mas pipiliin nang mamatay para lamang matapos ang kanyang paghihirap. Sa kanyang madilim na mundo, tanging masasayang alaala lamang ang nakikita niya para mabuhay, ngunit sa tuwing magigising siya...