Chapter: 15

507 5 0
                                    

44 Days Of Hell

Chapter: 15

"Quinzel!"

Nakikita ko si Mama, inaabot niya ang kamay ko.

"Mama!" Tawag ko at pilit na inaabot siya.

"Quinzel, anak!" 

Nakikita ko na din si Papa, nakikita ko sila tinatawag na nila ako. Tumatakbo ako papalapit sa kanila pero tila lumalayo sila, biglang dumilim ang paligid.

"Mama! Papa!" Sigaw ko at patuloy sa pagtawag, napaiyak ako at naupo. Dumilim na nang tuluyan ang paligid ko at nadidinig ko ang mga nagtatawanan, tawanan sa paligid. Grabeng tawanan na walang humpay.

Agad akong dumilat, nakita ko muli ang kwarto kung saan ako nakakulong, kung saan nasira ang pangarap ko. Akala ko nakauwi na ako, akala ko mayayakap ko na ang mga magulang ko. Pero hindi, nananaginip lang pala ako.

"42 days." Bulong ko, dalawang araw na lang, dalawang araw na lamang ang paghihirap ko pero mukhang susuko na din ang katawan ko, nakabitin pa din ako. Kumikirot ang buong katawan, pakiramdam ko ay namamaga ang mukha ko.

Mahapdi din dahil nahagip nang paso ng apoy.

Bumukas ang pintuan, nakita ko sila Luigi, Louie at Fred. Mukhang wala si Cedrick, may mga dala itong kahoy na makakapal.

Nagulat ako nang hampasin ako ni Fred sa likod ko, sobrang lagapak nun na parang pinamanhid ang buon kong katawan.

Sumunod si Luigi, at sinundan ni Louie. 

Muli ako sumuka nang dugo, masakit na masakit na ang tiyan ko. 

"Tanga! Bakit tinalsikan mo ako ng dugo mo!" Sigaw ni Fred at sinuntok ito sa mukha si Quinzel.

Dumugo naman ang ilong ko, hinawakan naman ni Louie ang mukha ko. Halos pikit na ang isa kong mata at ang isa may malapit na din pumikit pero pinipilit kong idilat. Ngumisi ako at tumitig lamang sa kanila.

"Anung tinatawa mo?!" Galit na tanong ni Louie

"Nababaliw na yata yan!" Sabat ni Luigi.

"Masusunog kayo, kayo sa impyerno." Biglang tawa ko, basta gusto ko lang tumawa. Ngayon lang ako nagkaroon nang pagkakataon na tumawa.

"Nababaliw na siya!" Sabi ni Luigi.

Binitawan ito ni Louie at naunang lumabas sa kwarto.

"Oy, Louie!" Tawag nang dalawa at nagmamadaling lumabas ng kwarto.

~

Wala pa si Cedrick tahimik silang naglalaro at umiinom sa sala, 

"Fred ibaba na ninyo si Quinzel, ilang araw na din naman siya nakabitin." Wika ni Louie.

"Bumabaliktad na ba sikmura mo?" Natatawang sabi nito.

Umiling siya

"Ibaba niyo na. Nakita niyo ba mga mata niya, halos nanlilisik pero tumatawa. Parang-"

"Parang nakita mo ang impyerno!" Sabay tawa nang dalawa.

Napailing si Louie at tumayo, tumalikod siya.

"Saan ka pupunta?"

Pero hindi siya umimik at pumasok sa kwarto.

Pagka pasok ay nakita niya si Quinzel na nakayuko mukhang nakatulog na naman ito, sa totoo lang kung hindi sila gagamit nang droga hindi niya magagawa lahat nang ito.

Lumapit siya at tinanggal ang tali nito, pagkatapos ay hiniga sa sahig si Quinzel. 

Sobra na baho nito, nagnanaknak na din ang mga sugat sa binti, halos na kukulay ube na ang mga pasa nito.

"Grabe, nakatagal ka nang ganito?" Tila tanong niya ngunit walang imik si Quinzel, tumalikod na siya at lumabas.

Dumilat ako nang maramdaman ko na lumabas si Louie, may napansin akong notebook at ballpen. Pinilit ko igalaw ang aking mga kamay para maabot yun, pagkaabot ay nag pilit akong magsulat.

Pilit ko na dinidilat ang isa kong mata para malinaw ko makita ang sinusulat ko, para masabi ko ang nais kong sabihin.

Huminga ako nang malalim, masakit na masakit na ang dibdib ko. Masakit na rin ang tiyan ko. At higit sa lahat alam ko na di na ako tatagal.

Muli akong humiga at tumingin sa kisame. Sayang, kung mamamatay ako hindi ko lamang nasabi kay Brent ang totoong nararamdaman ko. Hindi ko lang man nasabi na mahal ko siya, hindi ko lang man naranasan ang magkaroon nang maayos na relasyon. 

Lumunok ako bahagya, kailangan ko matapos ang pagsusulat ko. Gusto ko, kahit sa sulat na lamang ay maibigay ko ang mensahe na gusto ko masabi.

#AuthorCombsmania

44 days Of Hell ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon