Chapter: 2

1.2K 16 2
                                    

44 Days Of Hell

Chapter: 2

Mag-isa ako habang nasa ilalim ng puno, pinagmamasdan ang kalangitan. Mainit pero malamig ang simoy ng hangin. Napangiti ako, naiisip ko kapag nakatapos ako nang college at nakakuha nang magnadang trabaho ay bibilhan ko agad sila mama at papa nang maganda negosyo, ayoko na makitang naglalabada si mama at si Papa na patuloy pa sa pag construction para lamang maidagdag sa tuition ko.

"Alam ko na mahirap ang buhay, kaya pinag sisikapan ko ang mga paghihirap nila para sakin." Bulong ko at sumandal sa puno.

"Mukhang nagmumuni-muni ka ah!" 

Nagulat ako sa biglang paglitaw ni Cedrick. Agad kong inayos ang sarili at tumayo.

"Oh, saan ka pupunta?" Sabay hawak nito sa braso ni Quinzel

"Bitawan mo ako!" Reklamo ko at pilit na tinanggal ang kamay niya.

Lumayo si Cedrick na nakataas ang mga kamay.

"Sadya talagang mailap ka" nakangisi nitong sabi at dahan-dahan na lumapit kay Quinzel.

"Wag ka masyadong matapang, dahil wala kang ibubuga." Bulong nito at pinandilatan pa siya nang mga mata.

Napalunok pero hindi ako nagpakita ng takot.

"Baka gusto mo na isumbong kita sa Guidance, sa ginagawa mong pananakot sakin!" 

Natawa si Cedrick at lumayo.

"Go! Kahit saan ka pa magsumbong, walang ibang makikinabang sayo. Kundi ako lang." Tuluyan na itong lumayo at tumalikod na tumatawa.

Para naman ako nakahinga nang maluwag dahil nawala na siya sa paningin ko, kilala ko si Cedrick isa sa mga mahilig mam bully dito sa School. Pero hindi ko siya nakikita noon at madalas na nababalitaan lamang ang mga pinag gagawa nito, pero ngayon at eto pati yata ako ay gustong mabiktima.

"Hayy, wala lang talaga siguro magawa ang taong yun." Bulong ko at muling naupo sa tabi nang puno.

~

"Iha, paki-kamusta na lamang ako sa mga magulang mo ha?" Wika ni Mrs. Ruth

Napangiti ako at yumuko, may inabot sa akin ito na pagkain.

Mabait si Mrs. Ruth dati din na naglalabada si mama dito noong bata pa ako.

"Naku salamat po! Paborito ni Mama at Papa ito." 

"Ako nga dapat magpa-salamat at tinulungan mo ako dito, napaka swerte talaga nila Ester at Oscar na nagkaroon sila nang anak na matalino at mabait na tulad mo isa pa masipag, hindi tulad nang ibang kabataan."

Ngumiti ako sa mga papuri ni Mrs Ruth.

"Salamat po, para sa kanila din itong mga ginagawa ko. Mahal na mahal ko po sila, gusto ko lamang makabawi." 

"O siya sige, medyo gabi na. Delikado na masyadong magpa-gabi sa ngayon." 

"Sige po Mrs. Ruth, bukas po ulit!" Paalam ko at lumabas na sa shop.

Tinanggal ko ang kadena nang bisekleta ko, at maayos na nilagay sa basket na nasa harapan ang bigay sa aking mga hopia at tinapay.

Pinaandar ko na ang bisikleta, ngunit pansin ko na may isang van na itim ang kanina pa sumusunod sa akin.

Hindi ko na lamang pinansin dahil kalsada naman, natural lang siguro na may dumaan na sasakyan.

Napa preno ako dahil may humarang sa  dadaanan ko, hindi ko sila mga kilalla pero dalawang binatilyo na hindi nalalayo sa edad ko.

"Pwede bang tumabi kayo." Wala naman sa tono ko ang galit, pero nakakaramdam ako ng kaba, nakita ko na ngumisi sila at lalu pang lumapit sa akin.

Umikot ako ngunit mayroon din lalaki sa likuran ko.

"A-anung kailangan ninyo?" May takot ang boses ko, ganitong oras ay wala na masyadong tao sa lugar na ito. At malayo layo pa ako sa amin.

Bigla na lamang sinunggaban ako ng dalawang lalaki, pumalag ako ngunit sinikmuraan ako ng isa, ang isa naman ay may inilagay na panyo sa aking ilong. May kakaibang amoy iyon, alam ko na gamot ang naamoy ko. Nanghina ang buong katawan ko at ang huli kong nakita ay ang van na itim, may lumabas na lalaki na walang iba kundi si Cedrick.

"Sabi ko naman sayo, walang ibang makikinabang sayo." Sabi niya sa walang malay na Quinzel.

"Ipasok niyo na yan, isama na ninyo ang bisikleta mahirap na baka may makakilala." Utos niya at sumakay na sa Van.

~

"Kanina pa ako kinakabahan, hindi naman inaabot nang ganitong oras si Quinzel sa labas" wika ni Ester at niyakap ang sarili habang naghihintay sa labas nang pintuan.

"Dapat kasi sinundo ko na siya, may alam ka ba n pwede pa niya puntahan? Sarado na kasi kela Mrs. Ruth nang dumaan ako." Sagot ni Oscar.

Umiling lamang si Ester, at bumuntong-hininga. Sobra ang kaba sa kanyang dibdib at wala talaga siyang maisip na maaari pang puntahan nang kanilang nag iisang anak.

"Sana naman, tumawag siya para alam natin kung nasaan siya." Sobra ang kanyang pag aalala hindi bale kung hindi ito magandang bata, isa sa mga iniisip niya ay madaming krimen siyang nababasa kaya natatakot siya na baka may mangyaring masama sa kanyang anak.

Lumapit si Oscar at inakbayan ito.

"Huwag ka masyadong nag iisip Ester, baka makasama sayo. Mas lalung mag aalala si Quinzel, matalino anak natin baka sakaling dumaan pa yun sa mga kaklase niya. Tatawag yun sigurado ako." 

Tumango lamang siya at muling bumuntong-hininga.

#AuthorCombsmania

44 days Of Hell ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon