Chapter 10

62 1 0
                                    

AMETHYST's POV

"Are you sure hindi na kita susunduin mamaya mahal? Gusto mo antayin nalang kita para sabay tayo." Napaka-ligalig ng asawa ko. Nakain kami ng breakfast and he keeps on insisting na susunduin niya ako para mamaya sa send-off party ni Mrs. Hizon.

"Mahal, naadun ka na eh, tapos uuwi ka pa tapos rush hour pa yun..." ngayon niyo sabihin sakin na sana all may clingy na asawa. "Tsaka mas efficient talaga if si Karina ang maghahatid sakin dun mamaya para matulungan niya ako mag set-up bago siya dumaretso sa shop." Hinawakan ko ang kamay niya dahil kita ko padin na hindi siya satisfied sa sinabi ko.

"Tapusin mo na yang pagkain mo, alam mo naman na hindi ka mananalo sakin diba?" a smirk flashed in the corner of his lips. I got him.

"Fine. But as soon you get there, please call me asap so I can go to you okay. Tulungan kita mag set-up" inangat baba pa nya yung kilay niya akala naman niya hindi ko alam gusto niya.

"No. Uubusin mo nanaman yung mga icing bago pa mailagay sa mga cupcakes. Bilisan mo na diyan at late ka na." wala na siyang nagawa at sumuko na talaga. After a few minutes, he left for office.

Now I need to finish everything before 3pm.

VON's POV

As soon as I parked my car I remembered what happened yesterday. Gusto ko sana magreklamo sa restaurant na nagbigay ng maling request sa orders ko kahapon pero naalala ko na pinagbigyan nga lang pala nila akong mauna sa pila ng orders despite it being rush time. So I'll just let it slip, ieexplain ko nalang kay Ms. Crystal nagkapalit sila ng note ng asawa ko.

Ngayon ko lang naisip, buti nalang ganun lang yung nakalagay sa note ko kay Crystal kundi lagot ako. Baka anong isipin ni Am, though hindi naman siya tamang hinala type ng babae. At tsaka goodboy na ito no.

"Good morning po Sir." Di na bago sakin na may mga nabati sakin pag naglalakad sa lobby pero napatigil ako kasi kilala ko kung kaninong boses yun. Bakit parang bigla akong kinabahan. Huminga ko ng malalim at pinilit ngumiti bago ako humarap sa babae sa likuran ko. Sakto naman na bumukas yung elevator sa likod ko.

"Ah, good morning din Ms. Crystal." Inilahad ko ang kamay ko para paunahin siyang sumakay sa elevator. "...after you." Dalawa lang kami dito sa elevator ngayon. Medyo maaga pa kasi kaya wala pa masyadong empleyado ang napasok.

"Ang aga niyo po ata ngayon sir?" naputol ang iniisip ko sa sinabi niya. "Aah yeah. Alam mo naman busy day today. May mga proposal from the suppliers para sa Subic branch." Bumukas ang pinto ng elevator at nauna naman akong lumabas.

"Ahh oo nga po pala Sir Von, Mr. Dela Vega of the Springform International would be here by 9am. Sa conference room ko nalang po ipinaset-up yung visuals nila." Casual na sabi ni Crystal. Hindi ko alam paano ko ba sisimulan yung tungkol sa kahapon. Nag okay lang ako sa kanya at saka dumaretso sa loob ng opisina ko. Mamaya nalang siguro, hindi naman siguro big deal sa kanya kasi hindi din naman niya inopen eh.

CRYSTAL's POV

Di ko makuha yung timpla ng amo ko, minsan okay minsan tahimik lang. Well don't get me wrong, alam ko naman wala ako keber dapat no. Kasi naman kahapon may pa-food siya at note. FINE! Alam ko parang hindi para sakin yung food, baka para sa asawa niya tapos nagkamali lang siya ng order kaya dito sa office dinala. Hmp! Dalhin ko na nga lang tong kape niya.

"Ahh Sir, excuse me po. Coffee niyo po..." Inilapag ko lang sa may gilid ng mesa yung kape, lalabas na sana ako kaso "Ahh Ms. Crystal, can we talk?" ano bay an, iiwas na nga po ako eh, char! Di naman pwede umiwas kasi direct sa kanya ako nagwo-work.

Umupo ako sa silya sa harap "About saan po sir? May iuutos po ba kayo?"

"Wala naman akong iuutos. Kahapon kasi, uhm did you receive food from the restaurant sa baba? Parang nahihiya si sir sa tanong niya, yung muka nya nababasa ko sana wala sana wala sana wala. Feeling ko ganyan yung pinapa ulit-ulit niya sa utak niya.

"Ay opo sir, pero parang mali po ata sila order, dito po dinala kahit na wala na kayo dito. Mapapanis po kasi kaya kinain ko nap o kahapon, babayaran ko nalang po sir...sayang po kasi if mapapanis po.." paliwanag ko.

"Ha? Hinde, sayo talaga yun. Inorder ko yun kasi feeling ko hindi ka na makakababa dahil sa pagkaka-hulog mo sa silya eh. Ako naman ang may kasalanan kaya ka nahulog eh." Okay namula ako, touch ako... so pati yung note???? "Well, sayo yung food but the note got switched. I also ordered for my wife but unfortunately the notes got switch. I'm really sorry kasi medyo off yung note na napunta sayo. Nahihiya nga ako sayo kasi baka mamaya nabastos kita sa note na yun." Okay lang po mabastos sir basta ikaw...char!

"Ahh ganoon po ba, kala ko po wrong delivery lang po." Nakakahiya naman, assuming ako aa... "Nako wala po yun sir, wag niyo na pong isipin yun." Syempre kunwari hindi tayo affected no, kahit na medyo ouch tapos nakaka-inggit kasi ang sweet ni Sir sa asawa niya. Sana all.

"I wanted to clear things thru text yesterday but I thought it would be proper if I'll clear things with you personally" nosebleed. "I'm glad that you didn't took that mistake seriously." Huyy... okay na nga Sir eh, wag ka kasi samahan ng ngiti. Ngumiti lang ako pabalik, wala nako masabi eh, medyo masakit na kasi. Landi ko hahaha pero oyyy alam ko naman lugar ko no.

"By the way, regarding the party later, all set na ba tayo?" he asked as he goes back to reading the papers infront of him.

"Yes po sir. After ko po iset-up meeting niyo with Springform, bababa po ako para icheck yung mga ginagawa doon. Sabi po kasi ni Mrs. Hizon na siya na ang sasama sa inyo sa meeting for the minutes." Pagpapa alam ko sa amo.

"Still the same Mrs. Hizon. Okay sige, asikasuhin mo na yung sa conference later then proceed with wthe preparations for the party." Tumango ako bilang pag-sangayon sa utos ni sir tsaka tumayo. "Thanks Ms. Crystal, ang laking tulong mo sakin kahit nab ago ka palang... keep up the good work!" infairness nakaharap siya sakin at nakangiti nung sinabi niya to kaya naman grrrrr kinikilig akoooo....

"Opo sir, makaka asa po kayo... una na po ako.." at tuluyan nako umalis bago pa ako mahimatay sa kilig.

****

"Mrs. Hizon andito na po pala kayo." Bati ko sa matanda nung nakita ko siyang pumasok sa pinto ng conference room.

"Yes hija. Okay na ba yung mga projectors and mic? Yung laptop? Natawagan na ba yung mga department heads? Ay ako na tatawag sa kanila..." lalabas n asana ulit si Mrs. Hizon kaya naman pinigilan ko siya.

"Mrs. Hizon, okay na po lahat. Na set-up na po yung mga kailangan dito, relax nalang po kayo dito. 9am po ang start ng meeting so baka magdatingan na din po sila dito." Inalalayan kong maupo sa pwesto niya si Mrs. Hizon "Kalma ka lang Mrs. Hizon, okay lang yan. Ngayon pa po ba kayo kakabahan?" she just hugged me and smiled at me. iniwan ko na si Mrs. Hizon sa conference room kasama yung mga taga-IT department. Kailangan ko ng icheck yung para naman sa event mamaya.

Dapat walang mali.

Dapat lahat nasa ayos.

No room for mistakes! Papasikat ata ako no!

*******

A/N:

Ready for the next chapter?

My Husband's Heir (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon