Special Chapter

82 1 0
                                    

AMETHYST's POV

Hindi ko alam na may ganito palang place dito sa sa gitna ng QC! Mukang matagal ng alam ito nila Bella dahil walang space ang nasayang para sa mga decorations ng kasal nila. Bawat sulok ay may ganap at IG worthy ang buong place.

Sobrang saya ng kasal nila Tupe at Bella, very intimate lang kaya halos magkaka-kilala kaming lahat dito. Lahat kami ay tuwang-tuwa kina Zeke at Adi na nagla-laro. "Zeke, help baby Adi walk here..." aliw na aliw si Papa sa dalawang bata. Gustong-gusto na ata talaga ng apo pero pati siya against sa pagbu-buntis ko.

Tanggap ko nanaman talaga ngayon.

"Am, wag kayo mawawala sa afterparty ha! We'll get wasted!" kung ako lang sana okay lang kaso si Kars hindi naman maiiwan si Zeke.

"I don't think makaka-sama ako, wala ang yaya ni Zeke ngayon ii..." malungkot ito dahil uhaw na din sa alak.

Lumapit samin si Papa na kasama si Von, "Go to Bella's afterparty...I'll take care of Zeke and Adi..." magkahawak na lumapit si Adi at Zeke, "Adi you want to go with yoyo?"

"Yoyo! Yoyo!" napalakpak pa siya as if naman na alam niya ang nanyayari.

"How about Zeke? Want to sleep in Yoyo's mansion?" tumakbo ito papunta kay Papa at umakap sa hita nito

"Sleep house Yoyo! Adi sleep house Yoyo!" natawa naman kaming lahat sa mga sinasabi ng dalawang bata

"It is settled now. Von, ikaw na ang bahala sa anak ko ha..." tumalikod agad si Papa bago pa ako makapag-reklamo. Nag-lakad ulit sila palayo samin at naiwan si Von kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Ah, I'll just get some wine, gusto niyo ba?" umiling lang ako at sinipa si Kars nuong umoo ito.

"Ara---, ahh hindi pala Von..." pinandilatan niya ako ng mata "Mamaya nalang kami kukuha ni Am, maaga pa eh...di bale mamaya all out tayo!"tumango naman sa kanya si Von at parang na-gets yung totoong gusto namin iparating.

"Ano ba Am...masakit yun ha!" pinagpagan niya yung binti niya na sinipa ko

Tinaasan ko lang siya ng kilay "Nananadya ka kasi no!" she just mimicked me but we laughed at it after.

Halos madilim na ng magpaalam sila Papa kasama ang dalawang bata, madami naman kaming maid doon kaya madami ang maga-alaga kina Zeke at Adi. Mukang lagi nga din nakikita ni Adi si Papa kasi hindi ilag sa kanya ang bata.

We started drinking noong nag-end na ang program. Nakaka-loko si Kars dahil nag table hopping ito at kada table ay may kakilala siya na nagpapainom naman samin, halo-halo na tuloy yung mga ininom ko. Madami kami naka-usap na mga pinsan ni Bella and ibang friends nila Tupe, yung iba kakilala ko talaga pero meron ding mga bagong kilala.

"I love how you designed the cake... sa kasal ko sayo din ako lalapit ha!" That is Nica, one of Tupe's friends na engaged nadin. Hindi lang siya ang nagsabi samin nito at actually, mukang mas magiging busy ulit kami after nito.

Dahil nga sunod lang ako ng sunod kay Kars, hindi ko namalayan na mesa na pala nila Von ang naupuan namin. One of their friends from the US offered me a sit beside him pero inunahan ako maupo ni Kars. She tapped the chair beside her para doon ako maupo making me adjacent to Von na kanina pa pala nakatingin sakin. He was holding a glass of whiskey pero parang mababsag na yun sa higpit ng hawak niya.

He doesn't look pleased with what he sees. But I don't really care "Amethyst right? Caleb by the way" napatingin ako sa katabing lalaki ni Kars, siya yung nag offer ng chair kanina. I smiled and nod, inabot naman niya ang kamay niya kaya nakipag-shakehands ako "I've heard a lot about you..."

My Husband's Heir (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon