Chapter 2

125 1 0
                                    

KARINA's POV

Akala ko mala-late kami sa usapan naming kasi hindi namin magising si Zeke. "Sabi ko naman kasi sayo sis okay lang na buhatin nalang si Zeke kahit tulog eh. Mawawarla nanaman tayo ni Sheron niyan eh" pagmamaktol ko kay Amethyst. Andito kami ngayon sa kotse niya at parang wala naman po akong kausap. Busy ang mag-ninang kakapoint ng kung ano ano sa bintana.

"Nanang can see something... tangerine!" huh, di na nga ako pinansin, kung ano ano pa tinuturo sa anak ko... "Grabe naman sa tangerine sis, magtu-two palang po yang inaanak mo no. Hindi ba pwedeng orange muna?" buti sana kung anak niya to eh, for sure matalino agad yun having her and Von's genes, pero di ko naman sinasabi na slow anak ko porket akin ang genes no! Alam ko naman mas magiging maganda sana ang genes ng dalawang to.

"Inay moma, eke anap gerin eh..nanang gerin!!!" wow ako pa daw ang maingay habang tinuturo niya sa ninang nya yung belt nito. "Nice one Zeke!!! Nanang will buy you gift kasi you are superrrr smart like nanang!!!" eto nanaman po tayo. Halos lahat ng gamit, swear na hindi lang toys pero gamit ha, lahat ng gamit ni Zeke is either given by Von or Amethyst. Ganoon nila kamahal ang anak ko.

"Iniispoil mo nanaman yan sis. Pagyan nasanay mo baka di na talaga yan sumama sakin yan..." natigilan si Amethyst sa sinabi ko, she looked offended. "Wait sorry I didn't mean to-" umiling ito.

"No, no... it's okay. Natutuwa lang talaga ako kay Zeke kasi ang bright bright ng baby boy na to eh..." page-explain niya. "Para kang sira dyan atsaka alam mo naman na kahit pigilan moko, ibibili ko padin to eh, diba bebuuuuu..." at nagkilitan lang silang mag ninang.

I'm really blessed to have Amethyst and Von as my bestest friends. I really don't know what to do without them, lalo na si Amethyst. Since grade three ay magka-klase na kami nito at mula palang nung first day namin nagkakilala alam ko na for keeps tong tao na to. Sayang nga eh, five years na silang kasal pero until now wala padin silang baby samantalang ako naman, wala pang asawa pero may baby na.

"Yehey, we are here!!!" nakaka-gulat naman tong dalawang to, pagmagkasama sila parang hindi na talaga ako nag eexist... "Oy, wag ka na nga mag alala kay Sheron, I called her kanina to tell her na we will be running a bit late. Baka nga mauna pa tayo sa kanila eh..." ah okay.... Inayos ko na yung mga nagkalat na toys ni Zeke. Ginawa nilang playground ng ninang niya tong expander tapos ako yung alalay na taga-pulot ng stuff. Char! May yaya kaming kasama.

At tama nga siya, wala pa ang mga ka-meet namin, nakuha pa nga naming dumaan sa shop bago pumunta sa resto na napag-usapan namin. Naupo na kami sa table na naka-reserve samin at isa isa naman na din silang dumating.

"So kamusta ang Disneyland Marcus? Anong pasalubong mo kay Nanang?" nahihiyang tumayo ang bata at lumapit kay Amethyst. Inabot nito ang bag na naglalaman ng headband ni Minnie mouse at may brush din na Minnie Mouse, same sila ng narecieve ni Bella. Inabutan din ni Marcus ng paper bag sina Zeke at Vin, anak ni Mica, ng toys na ikinatuwa ng dalawa.

"Teka, bakit kami ni  Nanang Mica wala?"

AMETHYST's POV

"Pag may anak na, wala na pasalubong. Syempre kay bagets na yung slot diba!" paglilinaw ni Sheron. "Halaaaa...andaya naman bebu Marcus waya si Nanang Kars?" umiling lang ang bata at saka tumakbo kasama nung dalawang bata para mag-laro.

"Hahaha deadma si bagets sayo sis, pinush mo pa kase eh..." isinuot ko yung headband at ginaya din ako ni Bella kaya naman lalo nainis si Karina. Binelatan lang kami nito, sarap talaga asarin.

"Hey Am, is it true na tuloy na yung expansion ng hotel niyo sa Subic?" tanong ni Mica.

"Invitation naming for the opening, don't forget!!" paalala ni Bella.

"Talaga, kahit pupunta si...." Nag umpisa nanaman si Karina sa kamalditahan nito hinagisan lang siya ni Bella ng chips.

"psshhh gulo ninyong dalawa. Kalian ba opening noon? Baka kasi mamaya wala naman pala kami dito" singit ni Sheron. "Uh why? Tuloy na ba ang enrollment ni Marcus sa London? Dun na ba talaga kayo mag ba-base?" Palipat lipat kasi ng project na hinahandle ang asawa ni Sheron kay kung nasan siya ay nakasunod lang ang mag-ina niya, pero mahirap ngayon dahil kailangan na mag-school ni Marcus.

"Hindi pa naman sure mga mamsh no, pinag uusapan pa namin ni Brent. Ang hirap kasi i-justify kung bakit dito nalang kami sa Pinas ni Marcus eh lahat ng kamag anak naming kalat kalat sa mundo." Kita mo na malungkot si Sheron sa situation nilang ito. Nasa Canada kasi ang parents niya at nasa Belguim naman ang Kuya niya at pamilya nito. Sa London naman naka-base ang family ni Brent kaya dito ang kinoconsider ni Brent na pag-iwanan nya sa mag-ina niya. "Let's just hope for the best. Alam ko naman na kung anong magiging final desisyon ni Brent is for the better naming tatlo. Tsaka wala din naman ako magiging problem if ever na sa London kami, close naman ako sa family ni Brent."

I remember sa dami ng nanligaw kay Sheron noon, si Brent lang ang sinagot nito dahil sa mom ni Brent. Sobrang close nila at feel na feel niya daw na accepted siya agad ng mga ito. Good for her. Sabi nga nila, mas madali ang buhay mag-asawa pag sa nanay ikaw ay aprobado. Char! gawa-gawa ko lang talaga to. sa

"I agree She, for the best naman lagi ang desisyon ni Brent for you guys. Tsaka hello, yaman kaya ng mister mo. Madali lang sayo magpabalik-balik dito no.."  si Mica always stating facts.

"Basta I'll keep you updated guys. Ikaw She, I'll inform you agad pag may final date na. Ang alam ko finish na yung mga structures. Mga furnitures nalang ang kulang and its all set."

Super proud ako sa asawa ko sa expansion na to. This is all his works. I think he deserve a reward mamaya. 

********************

A/N:

Oha. Time check 10:17am.... di ko alam pero natatakot ako matulog kasi baka mamaya pag-gising ko wala na yung idea sa utak ko... T_T

Medyo sabaw na update. hahahah bawi sa ibang chappies. 

My Husband's Heir (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon