Chapter 18

42 1 0
                                    

AMETHYST's POV

It was Thursday noon when I got back from my short trip to New York. I didn't bother telling Von that I cut my trip short because I want to surprise him. I asked our driver if he can drive me to Subic, I miss Von so much and I wanted to give him his pasalubongs.

Pero things will not always work the way we planned it. It was almost eight in the evening when we arrived at the resort, ayaw pa nga kami papasukin kasi nga hindi pa naman open to but when they knew who I was, pinapasok na din kami.

Sinamahan ako ni Mr. Frank, apparently he is the GM of the resort, kung nasaan sila Von. Nakapag-close daw sila ng magandang deal with the suppliers ng resort kaya nagkaka-inuman ang mga to kasama yung mga engineer sa may beach front.

Sobrang ingay nila, malayo palang kami narinig ko na agad sila. Nakita ko agad ang asawa ko, mukang may tama na to ng alak, muntik na akong matapilok nga makita ko itong inakbayan yung bago niyang EA. "Mrs. Lorenzo okay lang po ba kayo?"

Narinig ata nila Von yung sinabi ni Mr. Frank kaya naman natigil sila sa ingay nila at para siyang nakakita ng multo. Agad-agad siyang humiwalay sa pagkaka-akbay niya sa EA niya at tumakbo papunta sakin.

"Mahal, anong ginagawa mo dito?" Inalalayan niya ako, buhangin kasi tapos naka wedge ako...

"I wanted to surprise you sana..." I smiled pero maliit lang,

"Lika ipapakilala kita sa mga staff natin dito..."

Lumipat ng upuan yung EA niya sa tapat ko. Ipinakilala ako ni Von sa lahat ng mga nandoon. Kilala ko nanaman yung iba since nakikita ko sila noong madalas pa ako bumisita sa company. Ayoko sanang mag-isip ng masama pero yung bitch resting face ko hindi ko mapigilan.

I felt something was off....

"Hey are you alright?" bulong sakin ni Von, di ko namalayan na kanina pa ako nakatitig sa EA ni Von, and I know I made her feel uncomfortable.

"Yeah, pagod lang siguro ako. I went here as soon as my plane landed."

"Gusto mo akyat na tayo para makapahinga ka na?"

My mind: at ano? Hayaan ka na makipag-landian dito? Pero syempre di ko yun sinabi... actually di ako makasagot kasi kinakalma ko padin sarili ko. Hindi ako yung tipo ng babae makompronta. It's not just my forte.

"Guys, una na muna kami ni Am... wag na kayo masyado paka-lasing, meron pa ulit kailangang iclose na deal bukas okay!"

"SIR YES SIR!!!!" sagot naman ng mga tao niya.

"Good night po Ms. Amethsyt!!" may nagsabi din kaso di ko na alala anong mga pangalan nila

Inalalayan ako ni Von... he is kissing the back of my palm and kept saying he missed me, pero naiirita padin ako.

Kalma Am....

VON's POV

Hindi halos nagsasalita si Am habang paakyat kami sa room namin. I know she saw me nung inakbayan ko si Crystal, nagkakatuwaan lang naman kami wala naman ibig sabihin yun eh.

"Von... are you here?" napalalim ata iniisip ko.. di ko narinig na may sinasabi si Am.. "...never mind, I found it..." hawak hawak niya yung t-shirt ko at pumasok sa banyo. "You know I'll be fine here, if you want you can go back there..."

Trap. 

Hindi ako sumagot sa kanya, humiga lang ako sa kama.

Nakatulog na pala ako at naalimpungatan nung naramdaman kong may gumalaw sa paa ko pero pinili kong hindi na ipaalam dito na nagising ako. Inalis ni Am ang sandals na suot ko at iniayos ako ng higa. Maya maya pa ay naramdaman ko nadin itong nahiga sa tabi ko ay yumakap sakin

"I'm sorry if I got jealous, I know na hindi mo na naman ulit gagawin sakin yon...I love you Von..." she kissed me and closed her eyes. I knew it, nagselos nga siya ayaw niya lang ipaalam. Never niya ako kinonfront sa mga ganitong bagay, she always let it pass.

Made me feel more guilty.

I'm sorry mahal. I'm sorry din Crystal.

***
Inabot ng kamay ko ang babae sa tabi ko pero napabalikwas nalang ako ng wala na ito sa tabi ko. Agad-agad kong hinanap to sa loob ng kwarto pero wala si Am dito. Napansin ko mula sa veranda ng kwarto na nakaupo ito sa isa sa mga cottage doon kasama si Crystal.

Shit!

Mabilis akong nagbihis at tumakbo papunta sa kinaroroonan ng dalawa. Bwisit!

CRYSTAL's POV

Sobrang awkward.

Andito kami ngayon sa cottage para sa breakfast, kasama ko si Ms. Amethyst. Maaga kasi akong gumising para mag-jogging, well actually hindi ako masyadong nakatulog dahil sa nangyari kagabi.

"So Ms. Crystal... how was your work so far?" she said without looking. "Pinapahirapan ka ba ng asawa ko?" napatingin ako sa kanya pero sa dagat siya nakatingin habang nainom ng kape.

"Uhm hindi naman po ma'am... madali lang naman po yung workload ko ngayon."

"That's good to hear, minsan kasi si Von tends to demand things out of hand..." humarap siya sakin at muntik ko ng hindi malunok yung bacon... "Sana hindi ka agad mag-sawa sa asawa ko..."

Hindi ako maka-sagot, hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"Goo-good morning! Wow ang sarap ng breakfast!" nagulat kami ng biglang dumating si Sir Von. "Good morning mahal...nagulat ako wala ka na sa tabi ko nung nagising ako..."

AMETHYST's POV

"Good morning mahal...nagulat ako wala ka na sa tabi ko nung nagising ako..." hapong-hapo si Von ng makarating siya sa cottage.

"Kaya ka nanakbo? Hindi ka naman namin uubusan ni Ms. Crystal ng breakfast..." ngumiti lang si Von at naupo sa tabi ko,

"Kape niyo po Sir Von..." hindi naman nakalagpas sa mata ko ng abutan ni Crystal ng kape ang asawa ko.

"Aah, salamat Ms. Crystal..." hindi ko nalang masyadong pinansin. Baka ganoon talaga ang routine nila sa umaga dahil hindi naman talaga nag-kakape si Von noon sa bahay.

"Mahal anong plans mo for today? Do you want to go somewhere? Free naman ang schedule ko hanggang two ng hapon..." narinig ko siya pero hindi ko siya masyadong pinansin, I was just enjoying my coffee while romanticizing the view "We can swin if you want... pwede tayong sumakay ng bangka and go to a deep part and snorkel..."

"Ay oo nga po ma'am, madami pong isda ang makikita niyo..." napatingin ako kay Crystal...so nagawa na pala nila yun ni Von? "Aahhm nagkayayaan po kasi kahapon yung mga engineers, si Sir Von po hindi nakasama kaya maganda po kung sabay po kayo ngayon pupunta..."

I put down my coffee and tried my best to smile, "As much as I want, I can't..."

"Why? What do you have in mind?"

"I need to go back to Manila, Kars wanted me to help her finish the preparations for the birthday of Zeke..." tumango-tango si Von "...aabot ka naman for the party no?"

"Yes ofcourse, Friday night nasa Manila na din ako..."

After eating, umalis na din ako...

Alam ko naman na hindi kayang gawin ni Von ang mag-loko...I trust him.

*****

A/N:

wahihi... la ako msabi...

My Husband's Heir (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon