Chapter 36

52 1 0
                                    

Paalala: ang chapter na ito ay base lamang sa imahinasyon ng writer. Ang mga maseselang parts na nandito ay kinailangan lamang para ma-build ang emotions ng storyang ito. Wala itong kinalaman sa kung sino man.

Read at your own risk

AMETHYST's POV

It was a typical Sunday at pinag-day off ko lahat ng helpers ko kasi I wanted to do the house chores by myself, actually no. May kailangan akong gawin sa bahay at mas madali ko yun magagawa kung walang ibang tao, Von was here but he was still sleeping when I got off the bed.

I decided to cook some breakfast habang nag-iisip kung paano ko ba uumpishan ang plano ko ngayon.

That day na sinamahan ako nila Karina at Bella sa QC was a very hard day for me.

Tama nga ang hinala ko, let's just say that Von has a usual parking space dito kaya naman hindi mahirap makita kung andoon ba siya o wala, halos eleven na ng umaga kami dumating doon. Wala yung kotse ni Von pero sinabihan ko si Karina na mag-park malapit doon. From our car, kitang kita mo kung may magpapark sa space ni Von. "Oh ano the, satisfied na? Wala dito yung kotse ni Von..." humarap ako kay Kars kasi alam ko inis na siya dahil wala naman kami inabutan doon.

I bit my lower lip kasi napahiya ako ng slight, "Okay lang ba if mag-antay tayo ng konti?" I don't know if this is what you call a woman's instinct pero feeling ko talaga may mangyayari.

Sumandal si Bella sa silya, "Well, ang layo na ng drinive mo Kars at nandito na din tayo, might as well stay for a bit para naman matigil na yang pagdu-duda nito." I gave her an apologetic smile kasi dapat nasa store kami at pinagu-usapan sana ang kasal niya.

Hinawaka ako ni Kars sa balikat at iniharap ng todo sa kanya, "Sa tingin mo ba talaga magagawa sayo ni Von yun Am? I mean, mahal na mahal ka ni Von. Wala kami makitang reason kung bakit----shet!" natigil ang pagsasalita ni Karina ng may makitang kotseng papalapit.

Nilusot ni Bella ang kamay niya sa gitna ng silya namin ni Karina para abutin ang kamay ko at hawakan yun. Lahat kami nakapako ang tingin sa kotse ni Von na nagpa-park. Maya-maya ay bumakas ang pinto ni Von at naglakad papunta sa pintuan passenger seat para buksan yon. Inalalayan niya ang buntis na babae na lumabas doon at kinuha pa ang mga dala nitong gamit tsaka naglakad papasok ng building.

I was ready to open the door when Kars activated the child lock. Tinignan ko siya ng masama para buksan niya yon pero hindi niya ginawa, she started the engine instead. "Pababain moko Karina! Itigil mo tong kotse!"

"No!" hindi niya ako pinansin at pinaandar na ang kotse, "Ano ba Am! Tigilan mo yan! Shit!" prumeno siya ng malakas.

Mahigpit na hinawakan ni Bella ang braso ko dahil inaagaw ko ang manibela kay Karina, "Amethyst are you trying to get us killed?!" halata na ang galit sa tono ng boses nito.

Tumigil ako sa pag-agaw ng manibela pero pinipilit ko padin mabuksan yung pinto, "I need to go back there!" sumisigaw nako dahil naiinis nako sa kanilang dalawa. Kitang kita na nga naming eh ano pa ba!

Inayos ni Kars ang pagkaka-park namin, "O tapos ano? Gaano mo kababa ibababa ang sarili mo?" tumingin siya sakin at alam ko this time galit nadin siya "Mage-eskandalo ka don?"

Bumuntong hininga ito at isinandal ang ulo sa headreast ng silya niya "As much as I want you to do that, I won't let you. Kahit pa nakita natin sila ngayon, puro padin tayo what if..." she closed her eyes and massaged the bridge of her nose, alam ko naiiyak na din siya. "What if sinamahan lang pala ni Von si Crystal? What if si Crystal lang ang bagong tenant sa condo ni Von? Hindi porket nakita mong buntis si Crystal at magkasama sila ni Von ngayon eh yun na yun!" she really looked so frustrated right now.

My Husband's Heir (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon