Chapter 33

49 1 0
                                    

Babala: Ang mga susunod na chapter ay PURONG KATHANG ISIP LAMANG NG MANUNULAT. May mga salita at situasyon sa storya na maselan. Malawak na pang-unawa ang kinakailangan. 

VON's POV

I'm so doomed right now. Hindi pa ayos ang una naming problema ni Amethyst pero eto at meron na naman. Niyaya kong mag-dinner si Crystal para sana ayusin ang problema namin at klaruhin kung ano ba talaga ang namamagitan samin kaya lang nabigla ako ng malaman na nabuntis ko siya.

Napasabunot nalang ako sa buhok ko habang pinipilit kong mag-isip ng mga pwedeng gawin, "Ipalaglag nalang natin yung bata Von..." nagpantig ang tenga ko ng marinig ko iyon kay Crystal

Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko pero nakaka-loko ang naiisip ni Crystal, "Are you crazy! Naririnig mo ba yang sinasabi mo?" I looked at her in disbelief,

Yumuko lang siya at iniwasan ang titig ko sa kanya, "May asawa ka at alam kong hindi mo siya iiwan para sa amin ng batang to..." pinilit niyang wag mabasag ang boses niya pero ramdam kong pinipilit niya lang magsalita, "...may plano din ako para sa akin at sa pamilya ko at hindi kasama doon itong batang to..."

Alam ko naman yon pero hindi naman siguro dapat umabot sa pagdamay sa bata. I don't know if papaya siya sa naisip ko, "Kaya kong panagutan ang bata Crystal, pero hanggang doon lang." parang gulat siya sa narinig niya.

"Anong ibig mong sabihin?" kita ko yung disappointment sa muka niya...

Alam kong mahihirapan akong ipaliwanag it okay Amethyst pero hindi ko na ata kaya ulit ang mawalan ng anak, "Susuportahan ko ang bata, lahat ng kailangan niya mula ngayon hanggang sa pag-aaral niya. Kung gusto mong pumunta ng Canada kasama siya at dun siya pag-aralin, okay lang sakin. Gagastusan ko lahat ng pangangailangan niya. Pero sana alam mo na hindi ko hihiwalayan si Amethyst." Hindi ko siya kayang tignan sa mata...

Nakita kong nagagalit na siya, "Wala sa plano ko tong bata na to Von, madami akong plano sa pamilya ko at kahit na sabihin mong susuportahan mo ang bata alam natin na hindi padin sapat yon..." alam ko... "...hindi lahat pwede mong daanin sa pera Von..." para akong sinaksak ng kung ano sa puso ko.

Gagawin ko ang lahat para hindi mawala ang anak ko, "Alam ko! pero hindi naman ako papayag na ipalaglag mo yan!" wala dapat yun sa choices ng gagawin namin, may paraan pa, alam ko...

Kumalma ulit ang muka ni Crystal, "Pag-nalaman sa opisina na nabuntis mo ako, sa tingin mo anong mangyayari sayo? Anong mangyayari sa inyo ni Ms. Amethyst?" minasahe ko ang sintido ko, sobrang sakit na ng ulo ko sa mga nangyayari, "Given nang madami ang magagalit saakin pero walang mawawala sakin Von bukod sa trabaho, eh ikaw?" she was looking at me intently, ako padin ang iniisip niya sa nangyayaring ito.

"Malaki ang posibilidad na hiwalayan niya ako pero liligawan ko ulit siya kung yun yung kailangan, hindi ko kaya kung si Am ang mawawala sakin..." tumulo ang luha ko just by the thought na iiwan ako ni Am... "Pero hindi naman ako ganoon kasama Crystal, hindi kita basta-basta pababayaan kahit na alam kong ikakagalit yun ng asawa ko lalo na at dinadala mo ang anak ko. Please understand that I could only offer to be a father to the baby, nothing more than that..."napapikit siya sa sinabi ko at alam kong nasaktan ko siya doon.

Bumuntong-hininga si Crystal, she crossed her arms above her chest, "Find me a house. Hindi na ako papasok simula next week dahil baka atakihin nanaman ako ng morning sickness ko at may makahalata na ng umbok sa tyan ko. I'll give you my resignation at pwede naman ng si Leo ang pumalit sakin dahil siya ang madalas kong nakaka-usap sa trabaho, madali na siyang makaka-adjust, palabasin nalang natin na may nahanap akong mas okay na trabaho. Ako na ang bahalang gumawa ng dahilan sa bahay kung bakit ako mawawala ng walong buwan, sustentohan mo lahat ng kailangan namin ng bata pati mga check up..." mukang napag-isipan na nga niya lahat...

My Husband's Heir (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon