Chapter 26

47 1 0
                                    

VON's POV

It has been almost a month at bukas ng gabi ang flight ko papunta kay Amethyst. I missed her so much but I won't deny na napupunan ni Crystal ang pangungulila ko sa asawa ko. Don't get me wrong, walang nangyayari samin after noong isang beses na yon, she just have her ways to make me feel important. We really never talked about the thing that is going on between us, parang gets na namin. No label but we are both good with that.

"Pare alam mo ikaw..." Tupe sipped his beer "...may iba sayo, I just can't figure it out."

"As much as I want to disagree with Tupe, mukang mag-aagree muna ako sa kanya this time. Anong meron Von?" what ganoon na ba ako nagbago pati si Ford may napansin sakin? Nagkibit-balikat nalang ako saka uminom ng beer.

"...are you having an affair?" muntik ko ng maibuga yung beer na iniinom ko same goes with Ford, hindi naming malaman saan nakuha yung idea niya.

"Tarantado ka Tupe... san nanggaling yun!?" si Ford na ang nagsabi niyan bago pa ako makasagot I tried to laugh it out para hindi halata na kinabahan ako.

"Hahaha, tanga joke lang yon! Alam ko naman gaano siya kapatay na patay sa asawa niya no," sagot niya kay Ford then he looked at me, "..ayaw mo kasi sumama samin ni Ford sa dilim!" umiling nalang ako at natawa

"Let's just say na magkikita na ulit kami ni Am bukas after a month kaya muka akong iba?...Flight ko bukas pa New York." I need to see her to give her the monthly meds.

"Oi nice, size 10 koyah ah!" wala talagang matinong masabi si Tupe, I raised my beer kunwaring umoo ako sa pasabuy niya...

"Buti okay ka lang sa set-up niyo ngayon?" Ford being always the concerned one, "I mean, no offense meant pare ha, wala na nga kayong baby tapos ngayon nag-hiwalay pa kayo ng place..." okay nga ba ako sa set-up namin na to?

"Nine months lang naman yon, bali eight na nga lang eh. Mabilis lang yon..." the things I say to myself everytime I miss Am...

"..pero hindi mo ba siya namimiss... sakit sa puson non pre!" dyosko! Di na talaga ako magtataka bakit naghiwalay sila ni Bella noon eh,

"siraulo ka talaga...puro kalibugan yang nasa isip mo kaya ka naiiwan eh..." natawa nalang kaming tatlo with the memory "...wag mo nga igaya sayo si Von!"

Tama si Ford, wag mo igaya ang sarili mo sakin Tupe kasi mukang mas malala ako... "Alam niyo naman ang rason bakit ayaw ko ng anak diba? The least I could do to cover up the guilt is to let Am do the things she wants." The taste of the beer I'm drinking resonates the bitter feeling I have with the situation, "...and besides, hindi siya yung tipo ng taong napipilit, Papa might be the one who gave her the idea to study abroad but if she was not really interested, hindi na para pa sabihin niya sakin yun..." kaya kahit na ayaw ko sana na umalis siya, hindi ko siya kayang pigilan dahil pakiramdam ko nadadag-dagan ko lang ang kasalanan ko sa kanya.

"...basta pare kung ano man yang mga desisyon mo ngayon at kung kailan mo man gustong sabihin kay Amethsyt ang lahat, nandito lang kami ni Ford." Wow, may maganda ding nasabi si Tupe pero parang may laman.

"Right! Friday man yan o hindi!" cheers to that!

"Ang drama nyong dalawa pero sobrang salamat!" inubos ko na ang beer na hawak ko dahil kailangan ko na ding umalis. "O pano, see you nalang next Friday. Una na ako..."

TUPE's POV

"O pano, see you nalang next Friday. Una na ako..." napatingin ako sa relo ko nine pm palang, napailing nalang ako, pupunta nanaman siguro siya doon.

"Sige pre, maaga ka pa ata bukas..." after the bro hug he left.

Hindi ko na sinabi kay Ford kung ano man yung nakita ko, baka kasi mali lang ako? Pero syempre lalaki din ako at alam ko kung ano yung nangyayari. Malaki na si Von, alam kong alam niya ang consequences sa ginagawa niya.

Hindi ko naman sinasadya na makita siya noon. Sira ulo din kasi, hindi marunong mag-ingat porket malayo ngayon ang asawa niya , alam niyang walang magha-hanap sa kanya. Papunta sana ako sa bahay ni Bella at sobrang traffic ng daan na yon ng madaanan ko ang kotse niya na naka-hazard. Akala ko nga kagaya lang ng kotse niya pero nung bumaba siya at pinag-buksan ng pinto yung nasa passenger sit napamura nalang ako lalo na nung hinalikan siya nung babaeng bumaba sa bibig.

Nung mga panahong ako ang nandito sa ganitong stage, si Von at Ford lang ang hindi nang husga sakin kahit na inaaway na siya ni Am noon dahil nasama padin ito sakin daw sinaktan ko yung kaibigan niya, hindi ako tinalikuran ni Von. Kaya naman kung ano ang kakahantungan ng ginagawa ng kaibigan ko, makaka-asa siyang nasa likod niya lang ako.

Sana lang nakuha niya yung mga pahaging ko kanina, siya lang naman din talaga ang makaka-tulong sa sarili niya hanggang suporta lang ang kaya naming gawin ni Ford.

CRYSTAL's POV

"Hi babe..." nagtapon ako ng basura sa labas ng may biglang umakap sa likod ko. "Na-miss mo ako?"

"Landi mo... seryoso ka pala na dito ka matutulog?" may bag kasi siyang dala. "pasok ka na..."

"I got you your fave..." inilabas niya yung paper bag ng potato corner. "...barbeque and cream cheese" sabay taas-baba ng kilay niya.

"Wow!!!" kinuha ko lang yung paper bag at naupo agad sa may dining.

"Ey, may nakakalimutan ka ata?" lumapit ito at nag-pout, kiss niya daw. Di ko naman siya binigo pero smack lang.

"Nakainom ka? Buti nakapag-drive ka pa..." dumaretso ito sa banyo, mukang magbibihis.

"I don't have my car. Mag ga-grab nalang ako bukas papuntang airport." Lumabas ito ng naka shorts nalang, potek. Pwede bang yung abs nalang ngatain ko kesa sa fries?!?!? "Are you done eye-fucking me?"

Namula nanaman ako "Hey! Bastos mo...hindi kita inaano no! mag-shirt ka kasi!"

"Sus, bakit pa eh huhubarin mo lang din naman..." pumunta ito sa may cupboard at naghahanap ata ng kape.

"Ako na magtitimpla, maupo ka na dyan..." isinalpak ko ang electric kettle para makapagpainit ng tubig.

"Babe okay lang ba kung sa kwarto na kita antayin? I'll watch news..." tumango lang ako at tinimpla nalang ang kape niya. He looked tired. Madami lang sigurong iniisip.

"Von, eto na—" he was already sleeping. Umupo ako sa gilid ng kama para matitigan siya.

Ang gwapo at ang amo talaga ng muka niya.

Halos isang buwan na mula nung may mangyari samin, hindi nanaman yun naulit pero hindi din naman nagbago yung pagiging sweet si Von sa akin. Araw-araw niya akong hinahatid at sinusundo sa bahay, parang mag-jowa lang ganoon. Sabay kumain since talagang dikit ang schedule naming kaya naman hindi na nagtataka ang mga tao sa office kung lagi kami magkasama.

Hindi naming pinaguusapan kung ano ba kami, parang go with the flow lang. Hindi naman kasi kami mag-jowa, hindi mo din naman pwedeng sabihin na fvck buddies kasi hindi naman na kami lumalagpas sa halikan. Hanggang make-out lang ang nangyayari samin sa kotse niya o dito sa bahay, alam kong pinipigilan niya ulit maulit iyon hindi lang dahil mali ito pero alam kong nirerespeto niya ako at ang asawa niya.

Bukas pupunta siya sa asawa niya, he will be back to his reality. It hurts pero wala akong magagawa about it.

"Babe, why do you always stare at me?" hinatak niya ako dahilan para mapahiga sa tabi niya... "...anong iniisip mo?"

Umiling nalang ako at isiniksik ang muka ko sa leeg niya at mas hinigpitan naman niya ang yakap sakin, "I'm just happy to have you here tonight babe..."

Mga nakaw na sandali lang ang pwede naming pagsaluhan ni Von, pero okay na ako dito.

Sa ngayon, kontento na ako dito.

***********

A/N:

Ikaw? Kontento ka bang ganyan lang kayo? Level up mu besh!

My Husband's Heir (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon