Chapter 24

40 1 0
                                    

VON's POV

"Mahal kakarating ko lang dito sa bahay..."

[Amethyst]

"On the way ako sa school mahal...1st day palang kahapon pero ang dami ng mga pinapa-gawa agad samin kaya kailangan namin mag-meet ngayon sa school... vidchat us later..."

"Okay po mahal...ingat ka lagi, I miss you na po agad... she giggled pero pinatayan nadin ako agad ng phone.

Kakarating ko lang ng bahay pero andito na ako ngayon sa study room para magtrabaho. Sunday ngayon pero gusto kong i-update ang sarili ko sa mga nangyayari sa opisina para sa pag-pasok ko.

Kailangan ko palang ipaalam kay Crystal na nakau-uwi nako, baka may mga kailangan madaliin na meeting. Hindi ako naki-balita kung ano na ang nangyari sa kanya dahil ayokong may mag-duda sa mga katrabaho namin.

Calling Crystal.....

[Crystal]

"Ngellow Nger Von?" ano yun? "...ngay ngeylangan ngo ba ngayo nger? Achooo achooo..."

"Uhm yes... Hi... I just want to let you know that I'm back and I'll be going to-..." umuubo-ubo siya sa kabilang linya "...work tomorrow..."

[Crystal]

"Uhmm...ongey po...ngingilitin ngo na ngo ngumasok bukas...ahukk, ahuuk... sorry po..." narinig ko ang mahina nyang pag-singa.

"Nakalabas ka na ba ng ospital?"

"Saglit lang naman po ako dun sir, niresetahan lang po ako pero umuwi na din po ako agad noon...andito lang po ako sa bahay..." -Tatal, sigurado ka na okay ka lang mag-isa ha? Kailangan ko na din bumalik sa papa mo...- "Saglit lang po Sir ha... Opo ma...ahukk ahukk! Kaya ko na po, meron naman pong tindang bioflu dyan kina manang eba... ingat po kayo..." –huwag mong pilitan pumasok kung hindi mo kaya ha, kung umuwi ka nalang din muna satin atleast doon maaalagaan kita...- "Ma, kaya ko na po, sige na po baka gabihin na kayo masyado..." –Osige mauuna naako...-

[Crystal]

"Ah hello po Sir andyan pa po ba kayo?" mama niya siguro yon,

"Yes..." may sakit padin pala siya...

[Crystal]

"Pasensya na po, si mama ko yon...uuwi na po kasi ulit siya sa Pampanga" akala ko kasama niya sa bahay nila yung family niya. Lagi lang kasi sa kanto ko siya inihahatid,

"Nilalagnat ka parin ba?" umubo nanaman siya at suminga sa kabilang linya.

[Crystal]

"Konti nalang po sir-" di ko napigilan mapa 'tss' kada mag si-sir siya... "Ay sorry nakalimutan kong Sunday pala hehehe... okay lang ako Von, papasok na din ako bukas aayusin ko mamaya yung sched ng meetings baka meron pwede iusog para bukas para hindi ka loaded ng Tuesday."

I looked at my watch 11:20 am... "Nag-lunch ka na ba?"

[Crystal]

"Huh? Maaga pa Von, anong lunch... mamaya pa ako mag-lulunch pag sinipag na akong magluto.." anong maaga eh 40mins nalang 12 na... kaya siguro hindi to nagaling kasi sablay inom ng gamot.

CRYSTAL's POV

"Huh? Maaga pa Von, anong lunch... mamaya pa ako mag-lulunch pag sinipag na akong magluto.."

My Husband's Heir (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon