Chapter 23

45 1 0
                                    

VON's POV

Our plane just landed here in New York pero isa padin ang tanong ko kay Am,

"Are you sure na ito lang ang mga gamit mo Am?" mga nakaka-limang tanong na ako nito sa kanya kasi hindi talaga ako makapaniwala na halos gamit ko lang ang dala namin.

"Oo nga, put those na in the trunk para maka-uwi na tayo. I am really tired." One week nalang kasi start na ang school ni Am kaya hinatid ko siya dahil last time hindi ako nakasama. I really wanted to spend extra time with her dahil after nito, monthly ko nalang siya makikita.

Tiwala naman ako na kaya na nila sa office dahil nandoon naman si Crystal at nakabalik nadin si Kirk.

Pagdating namin sa apartment, dumaretso siya sa kusina para magluto. "Hey, I thought you are tired? Ako na gagawa niyan..."

"No, let me... one week ka lang nandito after a month pa ulit tayo magki-kita, I want to do this for you..." pinandilatan ko siya kasi ipini-pilit nanaman niya ang gusto niya. Kita naman sa muka niya na pagod siya eh... "I will stop pag-pagod na ako Von...kaya ko pa, so please just let me do this..." then she smile at me, pero bakit pakiramdam ko may ibang ibig sabihin yung sinabi niya?

"Okay, just tell me pag-pagod ka na para matulungan kita ha..." I hugged her from behind, I remembered she told me na gusto niyang niyayakap ko siya sa likod kapag nagluluto siya, "I love you Am..."

Natigilan siya sa ginagawa niya sabay buntong-hininga "...I know..." she kissed my cheeks "Sige na, manuod ka nalang muna ng TV or check you mails... saglit lang to then kakain na tayo... after ko dito hindi ka na muna mag-work okay?"

"Okay..." I planted a kiss on her lips and headed to the mini table and opened my email.

First two days was fun pero napaka-kulit ni Am, kita naman na pagod na siya at hindi pa naman siya talaga nakakapag pahinga mula nung dumating kami dito pero mayat-maya siya nagyayaya kung saan saan at kung ano-ano naman ang ginagawa niya kapag nasa apartment niya kami. She would always cook something for me at may mga mini notes pa siyang ginagawa.

It is our third day and we decided to go to a museum pero hindi pa kami nakakalayo sa bahay ay medyo nahilo na siya, "Promise tomorrow Am, sasamahan kita kahit na mag-shopping ka pa mag-hapon pero now please umuwi muna tayo at magpahinga ka muna, kita na sa muka mo na pagod ka mahal..." she frowned but pumayag naman siya. It only means na talagang masama ang pakiramdam niya kaya napabalik ko siya sa bahay.

Pagkarating sa apartment dumaretso na agad siya sa kwarto at humiga sa kama. Pagod na pagod sa dami ng mga places na gusto niyang puntahan namin. Three days na din akong walang access sa email ko, ayaw kasi ni Am na mag work ako habang nandito. Pero dahil tulog naman siya at mukang mamaya pa ang gising, baka pwede ko ma-check kahit saglit lang.

Inayos ko lang ang higa niya, tinaggal ko yung sapatos niya at kinumutan siya. Kung may kinata-takutan ako sa pagsa-sama namin ni Am, yun ay yung pagka-badtrip niya kapag nagi-gising ko siya... ang cute niya pero masakit sa braso kasi hahampasin niya ako ng hahampasin. I made sure na okay na siya bago ako lumbas ng kwarto.

Inayos ko lang yung mga gamit na pinamili niya nung mga nakaraang araw, kaya pala wala siya masayadong bitbit kasi dito na din siya mamimili. Nagdecide nadin ako na mamili ng pwedeng lutuin para mamaya, dapat ata sinama ko si manang para nakakatulog na din ako eh...

Andito ako sa grocery, I decided to re-stock Am's pantry, for sure kasi na kahit maga-aral siya, uunahin padin niyang kamustahin ang shop niya kaysa kumain. She always put the needs of others bago siya, that is one of the million things I loved about her.

My Husband's Heir (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon