Chapter 6

68 1 0
                                    

- Lovi Poe as Amethyst -

AMETHYST's POV

"Sis eto na ata ang the best crinkles na natikman ko. Akalain mong naisip mo pa tong black forest na flavor. Sure ka bang walang bestin to??? Basta yung promise mo aa, di ko na iisipin yung dessert table ni Zeke." Halos mabulunan na si Karina sa sarap ng natitikmang pagkain.

"Ano ka ba, paulit-ulit ka. Ikaw tong mayat-maya nagiging malilimutin mula nung sinalpakan ka ng epidural no."pang-iinis ko, "Basta ako na bahala dun. Nakausap nadin pala ni Von si Mrs. Hizon para dun sa events place sa Tagaytay branch ng Paraiso. Na-block na po yung day ng event niyo ma'am.." dagdag ko pa dito. Halos mag ning-ning ang mata ni Karina sa narinig.

Nasa bahay ngayon si Karina dahil nagpapatulong akong tikman niya ang mga ginagawa akong bagong flavors ng mga pastries na idadagdag naming sa menu ng ToothAches Unlimited at pati nadin sa ihahanda sa send-off party ni Mrs. Hizon. Parang naging second mommy na namin ito ni Von. Noong bata palang ako, madalas akong sumama sa kompanya ni papa pagkagaling sa eskwelahan dahil maaga akong sinanay ni papa para sana pumalit sa kanya, well, things happen.

Isa pa, maagang nawala si mama. Nasa grade 6 palang ako ng pumanaw ito dahil sa sakit sa puso. It runs in the family kasi yun din ang ikinamatay ni Lolo at ni Tita Sylvia, kapatid ni mama. Si Mrs. Hizon ang halos gumabay sa akin habang nalaki ako kaya naman malaki ang utang na loob ko dito.

"G na G na sis yung kay Zeke, wag mo na alalahanin yun no. E kamusta naman tatay ng anak mo, nagparamdam na ba?" natigilan ako sa paghahalo ng cookie dough na ginagawa ko. Nabigla ako sa tanong na nabitawan ko. Medyo off ata itong tanungin.

Natigilan din si Karina sa tanong ko, muntik na nga niya maibuga yung juice na iniinom niya. "Kinain na ata ng pating yun dun sis..." isang mapait na tawa lang ang pinakawalan nito.

"Sorry for asking, I'm not thingking.... Stupid question Amethyst" pinalo ko pa ng mahina ang noo ko. Hindi ako nag-isip, bakit ko ba kasi tinanong yun.

"Huy para kang sira! Alam ko naman na concerned ka lang saming mag-ina. Ano ka ba okay lang kami... well hindi okay na okay pero magiging oaky din kami. Wag natin pilitin ang mga taong ayaw satin okay. Masaya ako may Zeke ako kahit walang kwenta tatay niya." Kumagat nalang ulit ito sa tinapay na hawak.

"Do you remember nung nasa college palang tayo, before pa natin ma-meet si Von at He-Who-Must-No-Be-Named?" tanong ni Karina na ikinagulo ng utak ko.

"Sinong He-Who-Must-No-Be-Named? Nakilala mo si Voldemort???" hindi niya na gets yung ginamit na metaphor ng kaibigan niya.

"Eto naman apaka perfect mo na sis, minsan slow ka lang talaga. Si Jeric Mendoza ho. Yung tatay ng gwapo kong anak na kamuka ko kaya gwapo." Hindi pa kasi kasal si Karina kay Jeric kahit na nalaman nito na nabuntis niya ito kaya ang term lagi namin dito ay tatay ng anak ni Karina.

Natawa siya sa sinabi ng kaibigan, "Wow ha! Slow talaga?!?! Pero thank you sa part na perfect ako, akala ko si Von lang ang nakakapansin non eh..." pagbibiro nya "Oh what about it? Sa dami ng chika natin di ko na alam alin dun tinutumbok mo." Binibilog ko na ang mga cookies para maisalang ko na habang hinihintay ang sasabihin ng kaibigan.

"Hinde, naalala ko lang kasi diba, ikaw yung nagturo sakin noon kung paano magdasal. Sabi mo sakin noon dapat specific at hindi generic ang dasal ko kasi papakinggan ni Lord yung prayer ko at mas madadalian Siyang maibigay sakin kung ano man ang prayer ko kasi nga specific yun." Seryosong sabi ni Karina at naupo sa silya sa may counter bar kung saan nagawa ang kaibigan.

"Oh, yeah..... natatandaan ko yun.. Why? Anong naalala mo about doon?" isinalang ko na muna ang cookies bago ako umupo sa tabi ni Karina.

"Naalala ko, ayaw ko maniwala sayo noon. Tapos ikaw for one whole month, sinasama mo ako sa chapel noon para madasal. Tinatawanan lang kita noon kasi ba naman ang dasal mo daiii napaka-specific! Si Von Lorenzo daiii!" ghaddd! Naalala ko na hahaha bahagyang namula yung pisngi ko sa memory nay un, nakakahiya mang sabihin pero oo, patay na patay ako sa asawa ko.

My Husband's Heir (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon