Chapter 37

51 1 0
                                    

VON's POV

A week has passed since that day, hindi nga umalis ng bahay si Amethyst pero hindi din naman niya ako masyadong pinapansin. But don't get me wrong kasi mas-gusto ko to kaysa naman umalis siya. Madami na ang nabago back then, hindi na ako naglalalabas maski ang Friday night out ay hindi ko na pinupuntahan at naiintindihan naman yun nila Tupe.

We were eating breakfast at sobrang tahimik, "Pinapatawag ako ni Papa kaya baka gabihin ako ng uwi mamaya Am..." she stared at me with her judging eyes bago binawi yun, alam ko ang nasa isip niya. "I'll tell Papa to call you para makasigurado ka."

She stood up without finishing her food, "No need." Then she walked away.

Ganyan siya ka cold sakin after ng nangyari samin at hindi ko siya masisi.

Karina was so mad at me when she found out what happened but she still helps me with Amethyst especially sa health nito. She barely eats and barely sleeps kaya naman nagpatulong ako kay Kars na painumin siya ng vitamins, real vitamins this time.

Dala na niya ang bag at susi ng kotse niya ng makita ko ulit siya, "Aalis ka na?" I asked as she walked out of the house, but no response.

Palaging ganito ang nangyayari araw-araw sa buong linggo namin. Aalis siya ng maaga at uuwi naman ng gabing-gabi na. She made sure na pagod na pagod na siya bago siya umuwi para mabilis siyang makatulog at mas gusto ko actually kapag umuuwi siyang daretso ang tulog. May dalawang beses kasi na hindi siya makatulog kaya lumipat ulit siya sa kwarto ni Amaris at umiyak nanaman.

Alam kong sobra ko na siyang nasasaktan.

AMETHYST's POV

Kanina pa ako naandito sa shop at kanina pa din ako kinukulit ni Karina. Buong umaga niya akong sinusundan kung saan man ako sumiksik dito sa shop, kulang nalang pati sa banyo samahan niya ako. Alam ko naman na pinakiusapan siya ni Von na tignan tignan ako pero naman, mas daig pa niya si Von!

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi padin ako umaalis ng bahay, I wanted to but something was stopping me. I don't really know. Is there such a thing as girl ego? Kasi kung meron baka yun yung nafe-feel ko ngayon.

I felt defeated kasi siya kaya niyang bigyan ng anak si Von pero ako hindi. Pero sinuswerte siya kung iniisip niyang ibibigay ko nalang ng ganoong kadali sa kanya ang asawa ko. Not even in her wildest dream will she get Von!

Sa sobrang kulit ni Kars, pinagbigyan ko na siyang kumain kami sa buffet, alam ko gusto niya akong kumain ng madami and believe me when I say I would love to eat a lot again, but my body would never cooperate. Payat na nga ako noon, mas pumayat pa ako ngayon. "Kumain ka ng madami Am, treat ko to ah... sige na diba favorite mo to?" she was putting too much food in plate

"Tapos eto ang vitamins mo..." She handed me some vitamins,

I looked at her with my judging eyes, "Wag mo ako igaya sa asawa mo, hindi ko babalatan yan kahit iutos mo!" Akala ko pa naman kapag sumama ako sa kanyang kumain sa labas ay titigilan na niya ako ngunit nagkakamali pala ako.

After eating, we went back to the shop pero still, makulit padin si Kars, tumingin ako sa orasan at nakitang malapit nang mag –alas kwatro ng hapon "Hindi ka pa ba uuwi? Sige na kaya ko na dito..." tinataboy ko na siya dahil wala akong matapos na trabaho sa kanya.

Nagawa ako design para sa wedding cake ni Bella. Kailangan ko itong ipresent sa kanya bukas para sa final design pero hindi ko to matatapos kung ganito kakulit si Karina. "Sige na Am, masaya yun! Nakita ko sa FB na mas maganda yung place..." I kept my eyes focused in my ipad trying to ignore her pero hinaharangan niya ng kamay niya yung screen.

My Husband's Heir (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon