Chapter 11

48 1 0
                                    

KARINA's POV

On the way na kami ni Amethyst sa company nila Von. Sobrang bilib talaga ako sa baking skills ng tropa kong to. "Girl I swear, sobrang naeexcite ako sa birthday ng anak ko. Ang bongga ng mga ginawa mo today! For sure matutuwa si Mrs. Hizon nito!!!"

"Syempre naman sis. The best si Mrs. Hizon kaya the best din ang ginawa ko for her, she's like a mom to me na din no." true, si Am yung klase ng tao na pag mahal niya, only the best ang matatanggap.

"By the way sis, sino na pala ang papalit kay Mrs. Hizon??" wala ako maisip na kayang pumalit sa ginagawa ni Mrs. Hizon.

"Actually I don't know pa. Von and I haven't talked about it since he had been too busy sa Subic project. Mostly yun yung nakukwento niya sakin." Napaisip din ata si Am sa tanong ko. "Well maybe later we could meet him or her... by the way, aakyat muna ako sa office ni Von kasi gusto ko siya isurprise" tignan mo tong dalawang to, parang hindi nagkikita sa bahay...

"He told me to call him pagdating natin kasi 'DAW' he would help us, eh alam naman natin na icing lang ang habol niya kaya I made him a special cupcake na madaming icing." Natawa ako sa sinabi ni Am...

"Ay very true hahaha!!! Tuwang tuwa si Von every time na may dala kang cupcake na madaming icing..apaka damot, ayaw mamigay.." I pouted with that memory.

Natawa nalang kami with that na hindi naming namalayan na nakarating na kami.

AMETHYST's POV

Upon arriving sa company, dumaretso na si Kars sa Room na pag gagawan ng party habang ako naman ay dumaretso na sa elevator paakyat sa opisina ni Von. Halos one year nadin pala akong hindi naka-punta dito dahil sa sobrang busy ko sa shop. Medyo madami na din akong hindi kilala. 2pm palang naman, 4 pa yung start ng party kaya maaga pa ako.

Naglakad ako papasok sa pinaka-dulong pinto sa hallway at kumatok. Binuksan ko ito and found a pretty girl sa desk na dating desk ni Mrs. Hizon, siya siguro yung kapalit as EA ng asawa ko.

"Hello..." bati ko sa kanya. Hindi ata niya narinig yung kinatok ko, busy siya sa binabasa niya dun sa notepad. Baka andaming utos ng asawa ko dahil dun sa expansion.

"Uhm sorry.. yes po? How can I help you ma'am?" nagulat ko ata siya, di niya malaman saan isusuot yung papel na binabasa niya.

"Hi, I'm Amethyst, I was thinking if Von is in?"

CRYSTAL's POV

After checking the venue for the party later, umakyat muna ako sa office naming dahil may mga kailangan padin ako isettle na papres bago umuwi mamaya. Pagka angat ko nung tambak na papel ko sa table, nakita ko nanaman tong makasalanang note sa food na bigay ni sir kahapon.

SEXY NIGHT TONIGHT BABE? ;>

Nagulat ako nung may pumasok, hindi ko malaman saan ko isusuot yung note. Pero nung napatingin ako sa kung sinong pumasok ay mas nagulat ako kasi ang ganda niya. Lahat ata ng gusto ko sana maging sa isang babae nakuha na niya eh.

Petite – gusto kasi ng mga lalaki to diba? Yung mas matangkad sila para maaakbayan nila lagi.

Superrrrr sexy – pupusta ako may abs to!

Long black hair – model ba ito ng shampoo?

At ang bango niya...malayo palang siya amoy mo na agad. Pero hindi yung nakakainis na mabango, diba merong ganun?

"Hi, I'm Amethyst, I was thinking if Von is in?" ka-meeting din kaya siya ni Sir Von? Ah baka siya yung sinasabi ni sir na model nung sa Subic...

"Uhm Sir Von is currently in the middle of his meeting. Kayo po ba yung model para sa Subic branch?" kailangan ko siyang mailayo dito bago dumating si Sir Von kasi baka magkaroon pako ng karibal. Char!! "Si Sir Kirk po kasi ang naghahandle noon, samahan ko po kayo sa kanya sa baba." Tumayo ako pero pinigilan niya ako.

"Ay, no.. I'm flattered to be mistaken as a model. How I wish lang..." namumula yung muka niya habang nag eexplain "Well I am his-..." naputol ang sinasabi nito nung bumukas ang pinto.

"Yes Kirk, we really have to rush things para in-" pumasok si Sir Von at napatingin sa babae na parang nagulat siya sa ganda nito. Kainis!

"Mahal!" wait ano daw?

"Hello mahal...surprise!!!" yumakap at humalik si Sir Von sa babae,

SA LIPS.

SA HARAP KO.

MGA BASTOS! CHAR!

"Hey Am... It's nice to see you. It's been what? A year?" kilala din siya ni Sir Kirk at bumeso sa babae. "Kung hindi pa nagretire si Mrs. Hizon, hindi mo pa kami mabibisita dito." So empleyado siya dati dito?

"Hoy hindi naman no! Sobrang busy lang din sa shop...alam mo naman, bago palang kaya pinipilit kong maging super hands on doon." Ang hinhin niya magsalita. Parang hindi makabasag pinggan.

"Ah by the way, Amethyst, this is Ms Crystal. She was Mrs. Hizon's choice as her replacement. Ms. Crystal, meet Amethyst Lorenzo. My wife." Muntik nako mahimatay. Muka akong tanga, sana bumuka na yung lupa para lamunin nako ng buo.

"Hello... sorry I was not able to introduce my self clearly kanina." Inabot ko naman yung kamay ni Ms. Amethyst. Ang lambot grabe,

"Ah-aahy hi Ms. Amethyst. Sorry po napagkamalan ko kayong model kanina." Nakakahiya talaga.

"Actually that was a great idea ha. Bakit nga ba hindi nalang si Am ang gawin nating model para sa Subic branch ha Von!?" parang nagni-ningning pa yung mata ni Sir Kirk sa naisip niyang idea na muka naming hindi bet ng amo ko.

"And have all those eyes drool over my wife?" natatawa si Ms. Amethyst sa sinasabi ni sir. "Bakit? Hindi ba ka drool-drool yung katawan ko mahal?" pagmamaktol naman ng babae.

"It is! That's why I don't want that idea! Scratch that off the meeting later Kirk, I'm warning you!" Halata naman na naiinis na si Sir Von pero nagtawanan lang si Ms. Amethyst at Sir Kirk. "Which reminds me, mahal may nag-pop na meeting na kailangan naming pasadahan baka mamaya pa ako makatulong sayo sa baba." Nakaka-inggit sila tignan, ramdam mo yung love ni Sir kay Ms. Amethyst. Sana all talaga.

"It's okay, kasama ko naman si Karina, mga 3 pa yun aalis para bumalik sa shop. I think I can manage naman." Pag-aasure ni Ms. Amethyst na okay lang siya. "By the way, kumain ka nanaman na siguro ng lunch mo no? Here, take this cupcake with you. Bababa na din ako sa venue."

Inabot naman ni sir yung cupcake then "Take Ms. Crystal with you para maka-help." Nagulat ako sa sinabi ni Sir Von. Nahihiya talaga ako sa asawa niya pero syempre di ko pwede ipahalata yun kaya ngumiti lang ako.

"No...no need mahal. I really could handle the set-up sa baba later. Busy din for sure si Ms. Crystal.. I'll just see you all later okay?" huuuuuu...nakahinga ako dun ah...

"Sure ka ha? I'll just get the papers I need sa loob tapos sabay-sabay na tayo bumaba. Wait for me here." Nagmadali pumasok sa loob ng kwarto niya si Sir Von at nakuha din naman niya agad yung papeles na kailangan niya.

"See you later Ms. Crystal.. I was nice meeting you again." Instead of shaking my hands, niyakap ako ni Ms. Amethyst. Sooooobrang bango nya talaga sana kumapit ng konti amoy niya sakin hahahaha!

Lumabas na din sila after noon and left me alone, again sa kwarto na to.

Hay...maganda na mabango pa, mabait pa...wala talaga laban ganda ko dun. Char! Talagang nagnanasa sa amo eh no...

Erase!

Erase!

Erase!

******

A/N:

Kaway kaway sa mga may crush sa amo nilang may asawa. Mabuhay kayo! CHAR!!!!!

My Husband's Heir (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon