Chapter 22

37 1 0
                                    

KARINA's POV

kakatapos lang i-turn over sakin ni Amethyst lahat ng hawak niyang files ng shop. "Eto naman kung makapag-pasa ng mga files parang hindi na babalik!" meron naman kasing mga files na hindi na dapat saakin ibigay since naka leave lang naman siya pero pinipilit niyang isiksik sa table ko.

"Kilala kasi kita, mamaya tyempohan mo pang nag eexam ako tsaka ka tatawag ng 'Am wheres this or Am wheres that'...kinumpleto ko na para hindi ka na din mahirapan..." and may point nga naman siya, I tend to be like that at times pero hindi naman niya kailangan gayahin pa yung boses ko no!

"Am, kaya ko ba to ng wala ka?" she just smirked

"Tigilan mo ako sa kaartehan mo Kars... si Von nga hindi nag-inarte sakin ng ganyan eh, dinaig mo pa asawa ko..." which reminds me...

"Wait a minute! May utang ka pang kwento sakin..." huh! Kala niya makaka-alis na siya ng ganon-ganon lang! "...ngayon na tayong dalawa lang dito, care to spill it? Bakit ang lakas ng tension sa inyo ni Von nung birthday ng junakis ko?"

She sat on the sofa looking like a talunan. She knew na hindi ko siya titigilan "Fine. Pero kasi parang wala naman..." she took a deep breath and looked at me iniisip niya kung itutuloy niya, "...it's like im being a tamang hinala lang towards Von and..."

"...and?" pabitin pa kasi si ateng niyo...

"And her new EA." This time I was the one who looked talunan. I sat down beside her...

"Yung pumalit kay Mrs. Hizon? I thought you said na muka namang mabait?" I know Am since gradeschool at hindi niya ugaling mag-hinala sa mga tao unless she saw something that would make he feel that way.

"Yeah, or maybe I am wrong..." umiling-iling siya trying to erase her thoughts...

"Why, may nagawa ba si Von and his EA to make you came to that conclusion?" bumuntong hininga lang siya, looks like she was trying to figure things out... "What was her name again?"

AMETHYST's POV

"What was her name again?" I was hesitant to tell Kars this things kasi hindi pa naman ako sure, pero hindi din naman niya ako titigilan.

"Crystal..." I smiled bitterly upon mentioning her name,

"Okay, so what made you think na Von is having an affair with this Crystal? I know you, hindi ka basta basta magdududa if wala kang napapansin..." as much as I want to forget it, hindi naman ganoon kadali yun...

"Well, I first noticed it nung sinurprise ko siya sa Subic right after I got back from New York. I saw him na naka-akbay kay Crystal while they were drinking..." i could still remember how I tell myself I being crazy for thinking that way..

"Sila lang yung nag-iinuman?" umiling ako, "So madami sila, eh baka naman nagkakasiyahan lang?" the way Karina sounds is like how I sounded while I'm contemplating on the scene that is infront of me that day.

"Yeah, I also considered that I swear but Von was never like that naman with other eh, hindi siya yung type ng tao na touchy lalo na when it comes to girls. Maybe, I thought na talagang close na sila since everyday sila magkasama at nag-uusap..." I was trying to keep my calm para hindi mag-alala si Kars "...but I kind of came to my conclusion when he got home from Subic."

I took a sip of my juice before continuing "When we were in Subic, I got the chance to share breakfast with Crystal... I think she just went on a jog that time but I can still smell her perfume..."

"...wow, kailan ka pa nahilig sa pabango??" I smiled bitterly

"Yeah, kailan nga ba? Maybe since that night when Von came home from Subic..." I paused because everything keeps coming back, "...that night he smelled like her."

"Malay mo naman sumabay lang sa car kaya medyo kumapit yung perfume nung Crystal kay Von..." halatang gustong pagaanin ni Karina ang nararamdaman ko...

"I don't know Kars, pinipilit kong bigyan ng lusot lahat ng mga yun sa utak ko especially na aalis kami for Paris that week..." she grabbed my hand as if she is assuring me that everything will be fine...

"You and Von should talk about this sis hindi yung puro speculations ka lang kasi mahirap at nakaka baliw yan..." I just smiled at her... tama naman siya...

"I will... I am just trying to find the right time. Please promise me that you will not tell anyone about this Kars. I will confront Von but not now... I'm not yet ready..." Kars nodded and hugged me, I need this hug right now.

I am torned if I should tell Kars about what happened in Paris but knowing her, susugurin niya si Von at Crystal and that would be the last thing I wanted to do. Maybe this is not the right time. I'm sorry Kars...

I'll just keep this to myself muna and I'll wait for the right time for me to spill everything. I know I can still do something about this.

VON's POV

We just got off from a meeting sa supplier namin para sa furniture, it's past lunch time nanaman at late nanaman kami kakain.

"Do you want to eat first bago tayo bumalik sa office?" she was busy browsing her planner.

"Huh? Bakit gutom ka na ba?" she reached something from her bag and handed me crackers "...eto nalang muna kainin mo, mala-late tayo sa next meeting kung titigil pa tayo sa daan. After nalang siguro nung meeting na yun tayo kumain..." she said that without even looking at me.

I grabbed her hands and she looked at me, naglulat siya sa ginawa ko "Papakamatay ka Von? Dami pako plano..." I chuckled kasi ang cute niya pag naiinis siya, "Mag-focus ka nga sa daan, puro ka talaga landi eh..."

Kunwari pa eh kita ko naman na kinilig din siya...sa puti niya, halatang halata pag-namumula siya.

Sobrang hands on ni Crystal sa expansion ng Subic branch namin, lagi niya sinasabi na malaki ang tiwala niya sakin at lagi niya ipinaparamdam sakin na suportado niya ako dito. Things are really going smoothly because of her. I am really thankful having her with me.

Without her knowing it, I texted the staff I know at the restaurant and bought some food. Iniayos nadin iyon sa office ko, she was too hardworiking ayoko naman na magkasakit siya dahil sakin. Mas binilisan ko ang pagda-drive para makarating agad sa office, sakto lang yon para maka-kain pa kami bago ang next meeting.

CRYSTAL's POV

"We still have thirt—hmmm ang bango. Ano yun? Nakakagutom..." then a naughty smirked flashed on his face, nilapit niya yung muka niya sa may batok ko, ramdam ko yung hininga nya...apaka lande Von!

"Nakakagutom? Baka ako yung naaamoy mo..." natawa ako ng konti, then he opened the door sa mismong office niya and there sa mini sala niya may naka-handa ng mga pagkain...

"Paanong?" hinila niya lang yung kamay ko and guided me sa silya para maupo

"Umupo ka na, sabi mo nga may thirty minutes nalang tayo para sa next meeting." Nilagyan niya ako ng pagkain sa pinggan ko, babaeng-babae naman ang pakiramdam ko sa ginagawa niyang to kaya naman mahirap umasa na wala lang to eh.

"Thank you... kala ko ako lang ang busing-busy, ikaw pala may paandar pang ganito ah..." inabutan niya ako ng softdrinks,

"Crys I really appreciate all the help you had been showing me, this is the least that I can do..." parang nahihiya-hiya pa siya "...kung hindi ka nga lang nagma-madali, ida-date pa sana kita kanina eh..." natawa naman ako sa sinabi niya kasi alam ko naman na joke lang yun kahit na medyo umaasa ako "...kaso mas importante sayo yung meeting mamaya..." binato ko siya ng tissue at nagtawanan nalang kami, close na kami at masaya naman ako sa kung anong pinapakita sakin ni Von kahit na alam ko na bawal, hindi ko naman kayang basta-basta siya iwan o layuan.

Gusto ko din talaga to.

*****

A/N:

Yung maski ako naguguluhan na sa sinusulat ko, nabubwisit nadin ako kay Von pero kumalma lang tayo...

My Husband's Heir (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon