Chapter 29

34 1 0
                                    

TUPE's POV

Today is Von's big day pero wala si Amethyst. It must be hard for him, kahit pa todo puri si Tito sa kanya sa mga kasosyo nito. Lumipat siya sa table namin ng makita niya kami ni Ford.

Humarap ako sa kanya, "Why is the best fruit always forbidden?" napatingin sakin si Von, binawi ko agad ang tingin ko sa kanya.

"Saan nanggaling yun?" tinamaan ata ang siraulo...kanina ko pa kasi siya nakikitang tumitingin kay Ms. Crystal kaya naman nag-parining nako. Napansin ko din kasing tinitignan siya ni Karina, baka mamaya ireport pa kay Am,malaking gulo yung if ever. Nagulat ako kanina ng makita yung babae dito na kahalikan ni Von only to find out na siya ang bagong EA ni Von.

"May bago ka nanaman bang babae? Akala ko ba inaayos mo na yung sa inyo ni Bella?" napatawa nalang ako sa sinabi ni Ford. Wala siyang kaalalam-alam sa nangyayari sa paligid niya, masyado kasing busy sa pagiging mama's boy eh...

"Wala no... loyal nako kay Bella.." oo, pinipilit ko magpaka-good boy para lang bumalik si Bella sakin.

"Desedido akong makabalik kay Bella no, hindi ko na uulitin yung dahilan kung bakit siya nawala sakin no..." itinaas ni Von ang wine niya, agree siya sa tinatahak kong daan. Kung meron man kaming masasabing fansclub noon ni Bella ay sila yon ni Am kaya naman nung naghiwalay kami, sila din ang unang nalungkot.

Pinag-muka ko lang na mukang para sakin talaga yung sinabi ko pero gini-guilt shock ko na talaga si Von. Ayaw ko naman na gawin niya din yung nagawa ko noon, iba kasi ang kaso niya, kasal sila ni Amethyst.

"Tama yan bro..." inakbayan pa ako ni Ford, "...iwasan mo na ang dilim bro, bad yon!"

"Hahahaha! Oo na, nagbago na ako..." sagot ko habang natango...

"Good to hear that you and Bella are communicating again... isang Friday lang ako hindi nakapunta may ganito na agad..." umalis kasi si Von papuntang New York para sunduin sana si Am, kaso hindi naman pala to pwede dahil sa exam, importante tong araw na to kay Von pero hindi naman din wala lang yung dahilan ni Am.

"Matagal ko nanaman yun inaayos, hindi ko lang sinasabi dahil wala pa naman talaga progress until now..." I smiled nung naalala ko kung paano siya umoo na saakin na sumabay kahit na kasabay kong nag-alok si Mica.

"Oo pre, akala ko lasing na ako nung nakita kong sabay sila dumating ni Bella..." kay Von naman umakbay si Ford "...naka-angkla pa ang braso nila bro...Iba talaga!!!!"

"Talaga ha... keep it up pare! I'm really happy for you!" mukang nagulat talaga si Von, wala kasi talaga siyang hint ng kung pano ako nakipag-ayos kay Bella,

"Salamat pre..." pinag-dikit naming ang baso naming, cheers! "Kailan pala ang uwi ni Am? Sayang wala siya..." kita naman na pinipilit lang ni Von na maging okay ngayong gabi pero kita padin na malungkot to dahil wala si Am

"Only God knows pare...wala eh, busy..." may pait sa mga ngiti nito.

He had always been supportive of Am in terms of her decisions. He was supposed to join his parents business pero dahil ayaw ni Amethyst na pamunuan ang paraiso, nakiusap siya kay Von na siya nalang ang tumayong CEO ng kumpanya, payag din naman ang papa ni Am kaya hindi na siya nakatanggi.

After ilang years matapos ang aksidente sa baby nila noon, nagpasya naman si Am na magtayo ng sarili nitong shop at dahil kailangan niyang tulungan ang asawa na mawala ang isip nito sa nawala nilang anak, pumayag siya.

He sacrificed a lot for Amethyst, baka kaya niya nagagawa itong kay Ms. Crystal. I just hope he would be able to pull this through well dahil kung hindi, hindi ko din alam saan hahantong to.

My Husband's Heir (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon