Chapter: 1

192 4 2
                                    

My Philippine Princess 2

Chapter : 1

"Let's all around of applause  Ms. Elena Martinez! "

Napatayo ako at lumakad paakyat sa Stage,  naka long gown ako na White with silver,  long sleeves pero open ang sa may bandang dibdib pababa ang slit.  Ang sexy ko sa damit na yun,  ang buhok ko na mahaba ay nakaladlad lamang.
Simpleng make up at may manipis na matingkad na lipstick,  natuto na ako mag-ayos mula nakuha akong mga cover sa magazine dahil na din sa kasikatan ko bilang Author.
Nakangiti akong umakyat at nakipag kamay sa Emcee.
Premier na kasi nang movie sa isa sa mga sinulat kong aklat at yun,  ako na din ang nag-model nang libro na yun.
"It's my pleasure to be here tonight! " yun na lamang ang nasabi ko at isang malaking big smile ang inalay ko sa kanila.

~

Sumandal ako sa upuan,  nakaupo lang ako sa kotse wala pa akong balak na mag drive.  Napapikit ako saglit,
"It was five years ago.  Pero hanggang ngayon i still love that man. " bulong ko sabay tulo ng luha ko,  bakit ba hindi ko makalimutan si Clint samantala nakalimutan na niya ako.  Kaya nga nagsikap pa din ako para lalung matupad ang pangarap ko.  Napadilat ako nang tumunog ang aking cellphone .
Lumingon ako at ngumiti dahil nakita ko kung sino ang tumatawag.

Sara: hoy tagal mo i- pick up? 

Natawa ako,  kahit kelan ang pang bungad nito.

Elena: bakit ka tumawag?

Agad kong tanong,  pero lalu ako napangiti sa bumungad sa screen.

Ava: Hello mommy!  How are you?

Elena: Hello my little precious angel!  I miss you so much honey.  Mommy gonna home soon.

Napansin ko na ngumiti siya at nag flying kiss sa akin. Pero umalis din dahil kalaro yata mga anak nila Sara at Aubrey.

Sara: Kakatapos lang ba nang event mo?  Sobra ka na nagpapayaman.

Ngumiti lang ako.
Elena: bakit ikaw lang andiyan?  Asan si Aubrey?

Sara: Nagluluto,  alam mo naman hilig nang ating isang bessy!

Tumango ako,  actually nagtayo kami nang Restaurant para sa aming taglong magka-kaibigan. At ang ipinangalan namin ay ang pangalan sa aming Group Chat.

Elena: kamusta na nga ba ang Renner's Angel Restaurant? 

Sila kasi nagma -manage kapag busy ako,  at talagang lagi nila hinihiram si Ava.

Sara: Okay naman,  dami nga tao dito kanina.  Kaya ngayon lang kami nakatawag sayo.

Elena: o sige,  pauwi na din naman ako.

Sara: mukhang galing ka sa iyak?

Elena: Sara.

Sara: we know naman,  lalu at may isang Ava na naiwan sayo,  pero ginalang namin desisyon mo at sikreto.  Sige mag iingat ka bessy.

Bumuntong-hininga na lang ako at tumango. Namatay na ang Video chat,  pero nakatitig pa din ako sa Cellphone.  Lahat nang pangarap ko ay lalu kong pinagsikapan,  hanggang sa maabot ko eto at may isa akong napakagandang anghel na kasama. 
"Si Ava na may blue eyes tulad nang kanyang ama. Siya na lang ang natatanging kayamanan ko na dapat ingatan. " kausap ko sa aking sarili,  ayoko na alalahanin ang nakaraan.  Pero bakit paulit-ulit ko naaalala ang lahat,
"Bakit hanggang ngayon,  bakit hindi siya mawala sa puso at isipan ko?  Kahit alam ko naman na kinalimutan na niya ako!" naiinis kong sabi sa sarili ko, bakit nga kasi ang hirap kalimutan nang lalaking yun.  Nagsimula kami noon sa chat nagtapos din kami sa chat.  Nagkita kami personal at halos nagtapos kami na hindi ko na siya kinausap.
"Dahil hanggang ngayon ba,  nasasaktan ako sa nakita ko? " muli ako napapikit at lumandas ang aking luha.
Umiling ako at hinawakan ang manibela sabay dilat,  kailangan ko makauwi sa Hotel at may tatlong araw pa ako dito sa America para matapos lahat nang mga dapat kong tapusin.

#AuthorCombsmania

My Philippine Princess 2 ( completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon