My Philippine Princess 2
Chapter: 7
Nakatayo ako sa tapat ng Restaurant, nanggaling na kami sa bahay pero sinabi na narito si Ava at take note kasama pa din ang daddy niya.
"Wow daddy ahh!" Sa isip ko, mukhang natuwa pa ako sa ganuong isipin.
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob, agad naman napatingin ang mga waiter na kilala ako. Natural isa ako sa mga may ari.
"Ma'am! Good morning!"
Ngumiti ako nang may bumati sa akin, dahilan para mapalingon si Sara.
"Elena!"
Nakita ko na kumaway siya,
"Pa- kaway kaway pa, parang walang nangyari?" Sa isip ko, at nakangiting lumapit.
Pansin ni Sara na iba ang ngiti ni Elena, ngiting hindi talaga masaya kundi ngiting tila may kasamang inis.
"Bessywap! Kamusta ang bakasyon?"
Huminto ako at tumitig kay Sara.
"Nasaan si Ava?" Tanong ko agad, gusto ko na makita ang anak ko three months din ako wala sa tabi niya.
"Mommy!"
Napalingon ako at ngumiti, patakbo si Ava na palapit s akin. Tuwang -tuwa ako lalu at yakapin ko siya.
"I miss you so much iha!" Buong galak sa puso ko habang yakap ko siya.
"Mommy, daddy's here!"
Napatigil ako saglit naalala ko si Clint, oo nga pala andidito si Clint at tinawag niyang Daddy. Pero mas lalu ako napahinto dahil may anino na malapit sa amin mag ina,nakatalikod kasi ako pero sigurado ako si Clint ang nasa likuran ko.
Dahan-dahan ako napatayo at lumingon, ngayon kaharap ko na muli ng lalaking tinibok ng puso ko mula noon, pa-hanggang ngayon.
"Elena."
Gusto ko tumakas, gusto ko tumakbo ayoko talaga siya makaharap. Gusto ko din magsalita pero wala din lumalabas sa bibig ko, parang bumara sa lalamunan ko yun ang totoo.
"Oh My God!" Halos tili ni Aubrey.
Eto ang pagkakataon alam ko na kakausapin niya ako pero talagang ayoko pa.
"Bahala na..." Sa isip ko at bigla ko napa pikit sabay mukhang matutumba.
"Elena!" Halos pasigaw ni Clint
"Bessy!"
Magkasabay na sigaw ng dalawa kong kaibigan na naku, ay kulang na lamang na sabunutan ko.
"Mommy."
Dinig ko na parang maiiyak si Ava, "pasensya na anak kailangan ko gawin ito at hindi pa ako handa makioag usap sa daddy mo". Talagang nadidinig ko ang kaguluhan sa paligid, at dahil yun sa ginawa kong eksena.
Pero mas lalu yata ako talagang hihimatayin ng tuluyan,dahil ramdam ko ang pagbuhat sa akin ni Clint ang mga bisig niya , ang pabango niya.
"Oh my god!" Parang gusto ko dumilat at tingnan ang mukha niya na sigurado ako nagaalala siya.
"Pero bakit naman siya mag aalala , wala nga siy naging pakielam sa akin noon!" Inis ko pa din na kinokompronta ang isipan ko.
"Sis Aubrey maiwan kana lang dito, ako na lang sasama kay Clint pa Hospital." Wika ni Sara.
Wala kasi miiwan sa Restaurant, tumango na lamang si Aubrey at pumasok na sa kotse si Sara.
<*>
"How is she?" Tanong agad ni Clint, matapos suriin si Elena.
"She have normal vitals? And everything is fine."
Nakahinga naman ng maluwag si Clint sabay lingon kay Elena na nakahiga at walang malay.
Lumapit siya saglit kay Sara.
"Stay here, i buy some fruits for her."
"Okay, but if you like you can stay here? "
Muntik na ako mapadilat sa nadinig ko kay Sara, kanina pa ako nangangalay sa pag pikit.
"Just stay with her." Sabay ngiti ni Clint at tumalikod na.
Nang madinig ko ang pagsara ng pinto ay agad ako dumilat.
Pansin ko ang pagka-bigla ni Sara nang makitang nakadilat na ako at bumangon para umayos ng upo.
"Don't tell me?"
"Oo! Hindi pa ako handa makipag usap sa kanya." Agad kong sagot.
"Grabe pinag alala mo kami!"
"Sorry!, pero kayo eh. Anu ba naisip ninyo at pinapunta niyo sa bahay ko yan?" Inis ko na kompronta.
"Bessy-"
Naputol yun at bigla ako bumalik sa pagkakahiga,malakas talaga pakiramdam ko na may papasok muli.
"Hey, Clint! Why you came back?" Nadinig ko na tanong ni Sara.
"Oh. I just want to ask, what would you like to eat?"
"Anything! " nakangiting sagot ni Sara.
"Okay." Sabay tingin muli kay Elena.
"She's still sleeping?"
"Yeahh., i'm not sure how long she will be like that."
Gusto ko mapangiti sa sagot ng kaibigan ko, kahit naman ako Nosebleed din kay Clint. Ewan nawawala English ko kapag siya kausap ko, at kahit madinig ko lang boses niya pakiramdam ko talaga na sobra bilis ng tibok ng puso ko.
"Okay."
Nadinig ko na muli ang paalam ni Clint pero hindi pa ako dumilat.
"Dilat na!"
Unti-unti na akong dumilat at nakita si Sara na nakatayo, mukhang galing siya sa pintuan.
Bumango ako at umayos nang upo.
Lumingon si Sara atnag cross hand na tumingin sa akin.
"Anu balak mo?"
"Wala." Sagot ko. Wala pa naman talaga akong naiisip na gawin,at tsaka ano pa ba pag uusapan namin.
Lumapit si Sara at naupo.
"Dapat mag usap na muna din kayong dalawa."
Umiling ako at napasimangot.
"Para anu pa? Na masaya na sila ni Olivia? Singer na nga siya at may banda at sigurado ako na silang dalawa ang patner in crime!" Inis ko, Oo hanggang ngayon nagseselos at nasasaktan ako dahil hanggang ngayon mahal ko pa din siya.
"Elena, mas need niyo pa din mag usap."
"Pero hindi pa ngayon at tsaka Mag papa- discharge na ako okay!" Sagot ko at inayos ang sarili para makalabas na sa Hospital, ayoko na maabutan pa niya ako. At wala na kami dapat pag usapan.
"Teka, eh ano sasabihin ko kay Clint kapag bumalik siya?" Pigil ni Sara sa braso ko.
"Sabihin mo umuwi na. That's all." Sagot ko lang at lumabas na nang kwarto. Ako na magdidischarge sa sarili ko.
Napailing si Sara sa palabas na Elena.
"Hayy, kung pwede ko lang batukan si Elena. Babatukan ko na, ano kaya pwedeng gawin para mag kausap lang ang dalawang ito?" Naiiling niyang bulong.
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
My Philippine Princess 2 ( completed)
RomanceHindi lubos maisip ni Elena ang muli nilang pagtatagpo ni Clint, galit ang unang sumiklab sa kanyang pagkatao dahil sa nangyari. Ngunit sa kanyang pagtalikod ay tumulo lamang ang kanyang luha, luha dahil sa lungkot at sa katotohanang hanggang nga...