My Philippine Princess 2
Chapter: 11
"Olivia? What are you doing?" Tanong ni Aron, nakita niya kasi na nag iimpake eto nang mga gamit.
Lumingon si Olivia na may ibinatong matalim na tingin.
"Wusstest du das?!" ( did you know this?!) Halos pasigaw na tanong ni Olivia na halatang galit.
"Was meinen sie?" (What do you mean?) Tila pagtataka niya dahil sa inaasta nito ngayon.
Tumigil si Olivia sa ginagawa at humarap kay Aron.
"Do you know he have a concert in Philippines? Am i right?"
Hindi umimik si Aron, talagang plinano niya na makapunta nang Pilipinas si Clint para na din makita nito si Elena.
Pinadapo nito ang kamay sa mukha ni Aron.
"You shit! Moron! How can this be happen right now!" Halos pasigaw nitong sabi at padabog na lumabas nang kwarto.
Napaupo na lamang si Aron at napalingon sa Frame na nasa side table.
~
"Ich mag deine schwester." (I like your sister) nakangiting sabi ni Clint kay Aron.
Ngumiti din si Aron kay Clint, bestfriend silang dalawa mula pa Highschool. At si Olivia naman ay nakakatanda niyang kapatid, halos dalawang taon din kasi ang tanda ni Clint sa kanya at magka-edad ang dalawa.
Naging saksi siya pangliligaw nito sa kanyang Ate, lahat ay binibigay ni Clint kay Olivia. Pero si Olivia naman ay tila balewala ang mga ginagawa ni Clint , lumipas ang dalawang taong relasyon ay tila nagbago na din ang pakitungo nito. Ang dating mag patner sa mga banda at Gig ay hindi na nangyayari.
Nagtayo nang sariling banda si Olivia, habang si Clint naman ay naging busy sa trabaho para sa magiging future nila.
Ngunit sa ikatlong taon ay nalaman niya ang lihim ng kanyang Ate.
"Sie haben eine Beziehung zu einem neuen Mann?" (You have a relationship to a new guy? ) kumpronta niya dito.
"So?" Nakataas na kilay ni Olivia habang umiinom ng alak.
"Was ist mit Clint? Mein freund."( what about Clint? My friend) pag aalala niya, dahil nagtataksil si Olivia.
"nichts besonderes für uns, das weißt du doch." (Nothing special to us, you know that.)
Sabay talikod ni Olivia at iniwan siya.
Nanatiling lihim iyon hanggang sa malaman ni Clint ang totoo, hindi naman siya tinanong ni Clint. Dahil nga alam nito na hindi siya nakikielam.
(*)
Hanggang sa dumating na si Elena sa buhay ni Clint, nakita niyang naging maligaya ulit ang Bestfriend niya ngunit bigla naman dumating ang kanyang kapatid mula America iniwanan na din ito nang naging karelasyon at gustong bumalik kay Clint.
Ngunit hindi na talaga mahal ni Clint ang kanyang Ate at talagang si Elena na ang nasa puso nito.
Nang ma-Hospital si Clint ay naroon si Olivia hanggang sa gumawa ito nang kalokohan. Naroon din siya nang makita ito ni Elena na bigla na lamang hinalikan ni Olivia si Clint. Hindi nga lang nakita ni Elena na tinulak ito nang kanyang kaibigan, ngunit nanatiling lihim sa kanya ang lahat.
Dahil kapatid niya ito kaya siya naiipit, ngunit ngayon ay hindi na maaari kaya gumawa siya nang paraan para magkaroon nang concert ito sa Pilipinas at pagkitain ang dalawa para magka ayos na.
Nahihirapan din siya noong mga panahon na malungkot si Clint, at nakikta niya na pinipilit ni Olivia ang sarili. Kung ano- ano ang chismis na sinabi nito at pinagmalaki sa banda, labas na lamang sa kabilang teynga ni Clint kahit alam niya na pinagkakalat nito na sila na muli.
"I need to go too in Philippines, before Olivia do something." Bulong ni Aron at tumayo na para lumabas sa kwarto ni Olivia.
~
"Hi!"
Napalingon ako at nakita ko si Rocco, isa talaga sa mga masusugid ko na manliligaw. Gwapo din siya, mabait pero wala talaga akong feelings sa kanya.
"Kelan ka pa umuwi?" Tanong muli nito.
"Kahapon lang." Napatingin ako sa kanya may dala itong bulaklak.
"Bakit ka pala narito?" Tanong ko pero alam ko naman na gusto lang ako nito yayain kumain sa labas o ihatid pauwi.
"Dinner?" Sabay ngiti ni Rocco kay Elena.
"Hindi ako nagugutom." Sagot ko, wala lang talaga ako sa mood mula pumasok kanina dahil nasa isipan ko si Clint, bigla ko siya namiss o gusto ko lang ulit siya makita.
"Mukhang wala ka nga sa mood, malalim kasi iniisip mo."
Napatingin ako kay Rocco, nakangiti pa rin ito at mukhang wala naman alam sa akin. Pinilit ko ngumiti at umayos para hindi naman niya sabihin na napipilitan lang ako kausapin siya.
"Hindi naman, madami pa kasing trabaho tapos hihintayin ko pa yung magiging bagong project ko."
"I see. Sige maiwan na kita and here flowers for you!"
Tinanggap ko yun.
"Salamat." Lumabas na siya nang opisina ko, tumayo ako at tumingin sa bintana. Dito madalas si Papa nakatingin kapag inaantay ako na pumunta sa opisina niya, ngayon ako na ang nakatayo rito at tinitingnan ang paligid.
"Handa na ba ako para kausapin siya?" Bulong ko at tumingin sa relo, isang oras na lang at mag aalas-sais na. Malapit na ako umuwi.
"Naroon kaya siya sa bahay? Pupuntahan niya kaya si Ava? O kakausapin niya pa ba ulit ako?" Bigla ako napailing, anu ba pumapasok sa isipan ko. Nag eexpect naman ako ngayon, samantala tinaboy-taboy ko siya.
Napapikit ako saglit.
"I love you!"
Sabay halik ni Clint sa labi ko, hinatid na niya ako sa airport dahil pauwi na ako sa Pilipinas.
Natawa ako at halos kiligin sa kanya.
"I'll be back soon." Bulong ko, pansin ko na umiling si Clint.
"Just wait me, i will fixed my document as soon as possible. Then next, is our weddng." Sabay halik sa noo ni Elena.
"Always be carefull and safe for me my Princess.." Dagdag pa niya.
"I will! I love you babe!" Sagot ko at muling yumakap.
"I love you as always my Babe!" Ganti nitong yakap.
Napadilat ako, yun na pala huli ko na nayakap at nahalikan ang lalaking mahal ko.
"Sana nga maging maayos ang lahat, tatanggapin ko kung anuman ang mapaguusapan namin."
#authorcombsmania
BINABASA MO ANG
My Philippine Princess 2 ( completed)
RomanceHindi lubos maisip ni Elena ang muli nilang pagtatagpo ni Clint, galit ang unang sumiklab sa kanyang pagkatao dahil sa nangyari. Ngunit sa kanyang pagtalikod ay tumulo lamang ang kanyang luha, luha dahil sa lungkot at sa katotohanang hanggang nga...