By Philippine Princess 2
Chapter : 3
"Philippines? " takang tanong ni Clint, ngayon lang niya nakita ang ticket niya kung saan ang sunod niyang concert. Tumingin siya sa kanyang Manager.
"Why Philippines? " wala naman problema sa kanya na magpunta, ang problema lang natatakot siya na kapag nagkita sila ni Elena ay masaya na ito sa piling ng iba."Is there any problem? "
Napailing si Clint at binitbit ang kanyang gitara.
"Nothing's wrong! How long it will take before i arrived in Philippines?""17 hours Clint! Good luck! " sabay tapik nito sa kanyang balikat.
Tumango lang si Clint at pumasok na sa loob nang Airport.
~
Habang nakaupo siya sa kanyang seat number ay tahimik siyang nakatanaw sa labas ng bintana, ngayon ay makakapunta siya sa lugar kung saan nakatira ang babaeng mahal niya. Ang problema lamang ay kaya na nga ba niyang harapin ang katotohanan, wala siyang tampo o galit kay Elena. Isa lamang ang gusto niya itanong dito, kung bakit bigla na lamang ito naglaho nang parang bula matapos makabalik sa Pilipinas.
"I hope she's alright, and i miss her so much" bulong niya at sinubukan ipikit ang mga mata dahil napakalayo pa naman ng kanyang biyahe.~
Halos nakatulala lang ako sa kwarto ng mga oras na yun, wala akong naging maayos na tulog. Hindi ko alam pero isa lamang nasa isipan ko. "Kamusta na kaya si Clint? Naiisip niya din ba ako kung ano ang kalagayan ko sa ngayon?" Napailing ako sa mga katanungan sa isipan ko bigla na lamang ako napabuntong-hininga at naalala ang noon.
Masaya ako nang malaman ko ang balita, buntis ako at nasa dalawang buwan na pala ang tiyan ko. Gusto ko i-surprise si Clint, syempre para magulat siya. Agad ako nagpa-book nang Ticket ko pabalik sa Germany. Pero nagtataka ako dahil pag punta ko sa Shop niya ay sarado na. " Ang aga naman yata nagsara nila Clint?" sa isip ko pero mas lalu akong nagtaka dahil wala din siya sa bahay niya habang naglalakad ako ay sobra ang pag iisip ko halos dalawang buwan na mula nang huli kaming nag usap ni Clint. Napahinto ako dahil kilala ko ang tindig na yun may dala siyang mga bulaklak at may kausap na babae, napansin ko ang lugar malapit na ito sa kanyang Ina. Napatitig ako lalu nang tumagilid na si Clint at walang gatol na halikan niya ang babae. Sa pagharap nang babae ay nakilala ko agad kung sino yun, walang iba kundi si Olivia. Halos mag –unahan ang luha ko sa pag-patak at agad akong tumalikod, napatakip ako sa aking labi ayokong gumawa ng ingay ng mga oras na yun. Agad ako nagtago at baka makita ako ni Clint napansin ko kasi na lumingon siya pero pikit ang mga mata ko na nagtago.
Hindi pa din ako makapaniwala sa mga nasaksihan ko sa Germany, paano sila nagka-balikan? Yun ba ang dahilan kung bakit hindi niya ako kinakausap sa loob nang dalawang buwan? Bakit pa siya nag –propose kung ganito lang din ang magiging kahahantungan. Lalu ako napaiyak sobrang sakit sa akin at panlulumo, pagka-uwi ko ay agad ko na tinanggal siya sa list nang friends ko, tinanggal ko ang WhatsApp ko, lahat nang bagay na naka-connect kay Clint ay tinaggal ko para wala na ako malalaman tungkol sa kanya, ayoko na siya makausap.
Agad ko na tinawagan sila Sara at Aubrey, pinaliwanag ko mga nasaksihan ko. Nakiusap ako sa kanila na i-blocked nila si Clint at sinabi ko ang katotohanan na buntis ako. Pinagbigayan nila ang kahilingan ko dahil ayoko na talaga ipaalam kay Clint ang totoo.#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
My Philippine Princess 2 ( completed)
RomanceHindi lubos maisip ni Elena ang muli nilang pagtatagpo ni Clint, galit ang unang sumiklab sa kanyang pagkatao dahil sa nangyari. Ngunit sa kanyang pagtalikod ay tumulo lamang ang kanyang luha, luha dahil sa lungkot at sa katotohanang hanggang nga...