My Philippine Princess 2
Chapter: 6
Habang nasa Eroplano ako ay kung ano-ano na ng naglalaro sa isipan ko, hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang mangyayari sa paghaharap naming dalawa ni Clint.
"Sadyang kinakabahan pa din ako lalu at sigurado ako na alam na niya ang totoo na siya ang ama ni Ava,
Sigurado na magtatanong siya kung bakit hindi ko sinabi na buntis ako. At para anu pa?" inis ko na naman na bulong, syempre mababalewala naman talaga ako dahil may Olivia naman na siya, "naku Clint! kung pwede lang ako mag iskandalo sa nakita ko noon, baka nasabunutan ko ang Olivia na yun. Pasalamat lang siya at nagpipigil ako nang mga oras na yun."
Napalingon ako sa tumabi sa akin, pansin ko na may dala siyang magazine, inaninag kong maigi ang magazine pati ang picture na naka display doon. Hindi naman ako pwedeng magkamali at siguarado ako sa nakikita kong litrato nang lalaking tila naging model sa TIME magazine na yun.
"Hi! Can I borrow for a second your magazine?" Sabi ko sa katabi ko,
"Sure!" Sagot nito at inabot kay Elena ang hawak na magazine.
Pagka tanggap ko nang magazine ay agad ko tiningan ang Front cover.
"Clint? " bulong ko, oo si Clint ang nasa Front Cover nang magazine at hindi lang yun, dahil meron pala siyang concert sa Pilipinas.
"Kaya pala nasa Pilipinas siya?" Tanong ko sa isipan ko, ibig sabihin may sariling banda na si Clint? and i'm sure kasama niya si Olivia dahil silang dalawa talaga ang patner pagdating sa pagtugtog at pagkanta.
"Gosh! Hindi ko talaga naisip yun, ang tanga-tanga ko talaga! Talagang mahal pa din niya si Olivia noon, kasi hindi niya nga nakalimutan ang pagtugtog dahil yun ang una niyang insipirasyon!" Bigla ako napasandal at muling pinagmasdan ang litrato ni Clint , napansin ko ang mga mata niya na kulay asul. Ang mga matang nagustuhan ko sa kanya noon pa man, ang lalaking minahal ko sa kabila nang napakalayong lugar ang pagitan namin.
Grabe hanggang ngayon pa ba sasaktan ko pa din sarili ko? Gising ka na Elena, Clint never love you! Parang si Jacob lang din dati, ginamit ka lang nila para sa kanilang mga sariling kaligayahan, at eto para kang tanga na lumuluha dahil sinasaktan mo ang sarili mo. Umaasa ka na mahal ka din nang mga taong minahal at pinaghalagahan mo. Sad but true. Hayyss…
"Here's your magazine ma'am." Wika ko ulit sa hiniraman ko nang magazine, ngumiti lang babae sa akin at tinabi na niya ito sa kanyang bag.
Muli ako umayos nang pwesto at napapikit, mahaba masyado ang biyahe kaya kailangan ko na muna matulog.
(*)
Nasa kwarto ni Ava si Clint, pinatulog niya muna ito. Habang tulog ay maigi niyang pinagmasdan ang mukha nang kanyang anak, hindi sila nagkakalayo nang mukha at hindi lang yun sadyang nakuha nito ang kulay nang kanyang mga mata pati buhok.
"I love you ava, I love you like what I did to your mom, and I still love her. " Bigla siya napahinto at napaisip kung bakit nito nilihim sa kanya ang katotohanan, lalu ang hindi na magpakita sa kanya.
"What's wrong to Elena? Why she need to keep my child away from me?"Napabuntong-hininga siya at hinalikan ang noo ni Ava bago muling tumayo at lumabas nang kwarto.,
"Hi Clint!"
Napalingon siya at napansin niya si Sara na tila inaantay nga siya nito sa paglabas.
"Hello, you still awake."
"Can we talk? "Tanong ni Sara
Tumango lamang si Clint at sumunod na kay Sara.
![](https://img.wattpad.com/cover/222058112-288-k638318.jpg)
BINABASA MO ANG
My Philippine Princess 2 ( completed)
RomanceHindi lubos maisip ni Elena ang muli nilang pagtatagpo ni Clint, galit ang unang sumiklab sa kanyang pagkatao dahil sa nangyari. Ngunit sa kanyang pagtalikod ay tumulo lamang ang kanyang luha, luha dahil sa lungkot at sa katotohanang hanggang nga...