My Philippine Princess 2
Chapter:17
Maaga ako nagising at tinungo ang kwarto ni Ava pero si Ava lang ang naroroon, bumuntong-hininga ako at tumalikod sinara ko na lang ulit ang pintuan ng kwarto, sabado ngayon kaya walang pasok ang anak namin.
"Umalis na ba siya?" Bulong na tanong ko sa sarili ko, di ko namalayan na lumandas na pala ang luha ko.
"Hinahanap mo siya noh?"
Agad ko pinunasan ng luha ko nang madinig ko ang boses ni Aubrey, dito din kasi siya natutulog dahil nasa abroad ang asawa niya. Mas gusto ko kasi na may kasama din ako kaya pinilit ko sila na mag- stay dito.
"Hindi ah!" Tanggi ko, dahil sigurado na tutuksuhin ako nito.
"Wag ka na mag deny, nakita ko kayo kagabi."
Tumingin ako kay Aubrey at seryoso naman ito nang titig sa akin mukhang wala ito sa mood sa pag bibiro.
"Nag double check lang ako kagabi sa bahay, then nakita ko kayo malapit sa pool. Nagtalo ba kayo? Hindi naman kasi ako nakinig dahil personal na ninyong dalawa yun." Paliwanag nito.
Napasandal ako sa pader at bumuntong-hininga.
"Okay lang kung ayaw mo pag usapan."
Umiling ako.
"May point siya, kung nagtanong ako at hindi nagpadalos-dalos siguro hindi nasayang yung limang taon."
Lumapit si Aubrey at humawak sa kanyang balikat.
"Hindi pa naman huli ang lahat , may pagkakataon pa para maayos ang lahat. Malay mo naman gawa-gawa lang lahat ng Olivia na yun!"
Tumimgin lang ako kay Aubrey, ayokong paasahin ang sarili ko at masaktan muli pero paano itong puso ko na patuloy pa din sa pagmamahal kay Clint.
"Nakikita mo naman, ikaw na ikaw pa din ang hinahabol ni Clint. Ibig sabihin mahal ka niya, kaya dapat mapag usapan ninyo maigi ang mga nanyari kesa tatakasan mo na naman."
"Sige bessy, salamat talaga. Pupunta muna ako sa Restaurant tamang-tama at wala namang pasok." Sagot ko sabay ngiti.
"Sige mauna ka na, susunod na lang ako at meron lang ako aasikasuhin." Nakangiting sagot ni Aubrey at inayos ang buhok ni Elena.
Napangiti ako sa ginawa nang kaibigan ko na tinuring ko nang kapatid.
"Sige magbibighis lang ako." Paalam ko at tumalikod para tunguin ang kwarto ko.
Napailing naman si Aubrey at bumaba na din sa hagdan.
~
Habang nagmamaneho si Clint ay hindi niya maialis sa isipan ang mga sinabi ni Elena kagabi.
"She was in Germany that night?" Ulit nitong bulong, talagang nagtataka lang kasi siya, sinabi ni Aron na hindi nito ma-contact si Elena nang nasa Hospital siya, at nang panahon na makalabas siya ay sakto naman na hinalikan siya ni Olivia dahil gusto makipag balikan nito.
"It means, Olivia know everything." Biglang tumunog ang kanyang cellphone tumatawag ang isa sa mga gitarista niya.
Clint:
Hey, Fred what's up.
Fred:
Hey ! Where are you?
Clint:
On my way to Hotel, what's wrong?
Fred:
BINABASA MO ANG
My Philippine Princess 2 ( completed)
RomanceHindi lubos maisip ni Elena ang muli nilang pagtatagpo ni Clint, galit ang unang sumiklab sa kanyang pagkatao dahil sa nangyari. Ngunit sa kanyang pagtalikod ay tumulo lamang ang kanyang luha, luha dahil sa lungkot at sa katotohanang hanggang nga...