My Philippine Princess 2
Chapter: 16
Alas dose na pero dilat pa mga mata ko, hindi ako makatulog pakiramdam ko hanggang ngayon kinikikig pa din ako.
Napailing ako.
"Hay naku Elena! Pigilan mo nga sarili mo!, pero...." Bigla ako bumango at sumandal naalala ko kanina ang masayang bonding namin.~°~
"Wow! Ang dami naman nito ah!" Tila gulat ni Aubrey sa mga pinagawa ni Elena na pagkain.
"Syempre ngayon lang ako makaka sabay ng lunch" sagot ko at lumingon sa pwesto nila Clint at Ava, nilalagyan niya kasi nang pagkain si Ava. Naramdaman ko na siniko ako Aubrey.
"Bakit ba?" Tila pabulong ko at baka madinig kami ni Clint."Asus, naiinggit ka yata sa mag-ama mo. Siguro gusto mo din lagyan ka ni Clint ng pagkain." Sabay tawa nito na tila nanunukso.
"Gaga, manahimik ka nga diyan. Sayang wala si Sara pero kung andito din yun katakot - takot din siguro na tukso ang maabot ko." Halos pabulong lang habang pakuha ako ay saktong nahawakan ko kamay ni Clint, pa'no ay yun din pala ang kukuhain niyang ulam.
Parehas pa namin natanggal ang kamay sa mangkok."Sorry!" Una ni Clint.
"Go ahead., you first.""No, no. Go on you first." Tila nauutal na naman ang boses ko, bakit ba talagang ganito na lang ako palagi
"Ladies first." Tugon ni Clint at tumayo, kinuha ang mangkok at nilagyan si Elena ng ulam sa plato.
Napalunok naman ako ng sunod-sunod pero talagang kinikilig ako.
"Ayiehh! Kilig to the bones!" Tila kilig na sabi ni Aubrey,
Nasiko ko na naman ang kaibigan ko na loka-loka.
"Thank you!" Sagot ko na lang kay Clint nang matapos na niya lagyan ang plato ko.
Ngumiti naman si Clint.
"Hanep, ang ngiting iyon... Parang pina-kaba ang puso ko." Bulong ko.
"Uy kumain ka na, napag hahalata kang kinikilig." Tila si Aubrey naman ang sumiko sa'akin.
Napailing ako at kumain na.
~
Bigla ako natawa nang maalala ko yun.
"Sa totoo lang nakakatuwa talaga si Clint, hanggang ngayon sweet pa din siya." Tumayo ako at nag inat pagkatapos ay nagtungo ako sa veranda, pagka bukas ay sumalubong ang malamig na hangin.
"Mabuti na lang at naka pajama ako." Bulong ko at napatingin sa may pool.
"Parang may tao dun?" Bulong ko, hindi nga ako nagkamali at si Clint yun tila may hawak siyang notebook at naka earphone.
"Siguro nag rereherse siya mag isa." Tumalikod na ako, pero lumingon ulit ako. Bigla sumilay ang pilya kong ngiti.Busy si Clint habang nakikinig nang music na ginawa niya nung sa America pa siya, balak niyang bukas na lamang mag rehearsal at malapit na ang kanilang concert. Plano niya na kapag natapos ang concert ay aayusin na niya ang kanyang mga papeles para maari na siya makapag stay lalu para kay Ava.
"Can't sleep?"
Napalingon si Clint at nakita niya si Elena, naka roba lang ito at may dalang isang baso na may laman na redwine.
"Yeah, i'm still compose my new song." Sagot ni Clint pero ewan at hindi maalis sa paningin niya ang itsura ni Elena lalu sa kasuotan nito.
"What about you?" Balik tanong ni Clint.Lumagok ako kaunti nang wine at kunwari ay hindi ko sinasadyang natapon sa roba ko, pansin ko si Clint na nakatingin lang sa akin.
"Oopps. Well i just wanted to get relaxed " anu ba talagang etong naisip ko na kalokohan, kaya ko ito ginagawa para malaman niya kung sino mas sexy sa amin ng Olivia na yun.
Nilapag ko sa mesita na naroroon ang baso at tumalikod ako bahagya kay Clint, humakbang ako palapit sa pool.
Kahit kinakabahan ako sa kalokohan na pinasok ko ay kayang-kaya ko gawin to.
Tinanggal ko na ang buhol ng roba at dahan-dahan na hinubad yun, pero hanggang beywang muna. Lumingon ako bahagya sa kanyy
"You want to join?" Natatawa ako sa isipan ko lalu ang tono ko na tila paglalambing na may halong pang aakit. Ganito mga eksena duon sa mga sinusulat ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/222058112-288-k638318.jpg)
BINABASA MO ANG
My Philippine Princess 2 ( completed)
RomanceHindi lubos maisip ni Elena ang muli nilang pagtatagpo ni Clint, galit ang unang sumiklab sa kanyang pagkatao dahil sa nangyari. Ngunit sa kanyang pagtalikod ay tumulo lamang ang kanyang luha, luha dahil sa lungkot at sa katotohanang hanggang nga...