Chapter: 28

52 3 0
                                    

My Philippine Princess 2

Chapter: 28

Iba talaga ang nagagawa nang pag-ibig, madaming pwede gawin ang isang tao makamtam lamang yun. Nagiging selfish at pwede din pala ikabaliw, yun ang naging karanasan namin ni Clint sa mga kamay ni Olivia. Ang aming pagmahahalan ay hindi naging madali dahil sa isang tao na naghahangad tuparin ang isang pangako.

Pero eto masaya na ako sa piling muli nang lalaking minahal ko, ang lalaking noon ay sa chat ko lang nakilala ang lalaking hindi ko ini-expect na may isang salita at tutuparin ang aming mga pangarap, at ang lalaking ama nang aking anak.

Napabuntong-hininga na naman ako, halos dalawang buwan pa pinalipas namin bago ituloy ang aming kasal. At ngayon nakangiti ako na nakaupo sa harapan nang salamin para pagmasdan ang aking ayos.

"Hanggang ngayon ba nagsusulat ka?" Puna ni Sara.

"Oo nga bessy, baka ma late ka! Naku baka mag back out na si Groom mo!" 

Natatawang , naiiling ako sa mga nakakaloka kong kaibigan. Grabe hanggang sa huli naririto talaga sila  para sa akin.

"May dinagdag lang ako sa storya ko, para kasing nakaka inspired ngayon magsulat." Sagot ko sabay tiklop nang notebook at tinabi sa ilalim nang drawer.

Tumayo ako at pinagmasdan muli ang sarili sa salamin, grabe ang ganda ko. Si Clint kasi hindi pumayag na hindi maging magarbo ang kasal namin ngayon. Kaya eto mukhang prinsesa talaga ako sa suot ko.

"Ang ganda mo sobra bessy!"

Halos kinikilig na sabi nang dalawa kong kaibigan, lumingon ako at ngumiti pero nangilid ang luha ko.

"Oh, bakit ka umiiyak. Masisira ang make up mo!" Wika ni Sara

"Bessy naman, makakasama mo na nga si Clint naiyak ka pa!" Si Aubrey.

"Masaya lang ako sobra, kasi andiyan kayong dalawa mula sa simula namin ni Clint hanggang sa ngayon." Katwiran ko.

"Sabi naman namin sayo, sa kasalan talaga ang punta ninyong dalawa." 

Tumango ako at niyakap ko sila, napaka swerte ko sa mga kaibigan kong eto. Kahit anong nangyari sa buhay ko ay hindi sila umalis sa tabi ko, sila na ang naging pangalawa kong pamilya.

"Tama na drama, baka ma-late na tayo!" Si Aubrey

Tumawa na ako at pinunasan ang gilid nang aking mata, kanina pa kami nakapag pictorial kaya nagkaroon ako nang pagkakatao magsulat kanina.

~

San Agustin Church.

Halos natatanaw ko na ang malaking simbahan at ang mga tao sa labas na tila inaantay ako , hindi ko matanaw si Clint marahil nasa loob na. Isang linggo kami na hindi nagkikita nang personal puro tawag at videocall lang,eto kasing mga kaibigan ko masama daw pangitain yun.

Huminto na ang kotse ko,agad na lumapit si Papa dahil siya ang maghahatid sa akin sa altar. Binaba ko ang salamin nang bintana, nakita ko din si Ava na ang cute sa kanyang suot na damit.

"Are you ready iha?" 

"Opo pa." Sagot ko at binuksan na ang pintuan.

Halos madami pa din kumukuha nang litrato dahil na din siguro na may pagka celebrity na kami ni Clint, sobrang kaba nang nararamdaman ko nang mga oras na ito at naroroon din ang sobrang kasiyahan sa dibdib ko.

Nagsimula na ang seremonya at ang pagtugtug habang naglalakad isa-isa ang mga abay ko.

Grabe hindi ako makapaniwala na eto na yung hinihintay ko.

My Philippine Princess 2 ( completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon