My Philippine Princess 2
Chapter: 9
Hindi ko din magawa ang makatulog, napatingin ako sa alarm clock at halos alas-cuatro na nang madaling araw.
Bumangon ako dahil nakaramdam ako ng uhaw, pagka-labas ng kwarto ay agad akong bumaba sa hagdan.
"Madilim na, sigurado ako tulog pa sila." Hindi ko pinapagising ng masyadong maaga ang mg katulong, wala din naman kasi sila masyadong gagawin.
Habang pahakbang ako pa-kusina ay isa ang pumukaw sa paningin ko.
Isang bulto na nakahiga sa sofa, nakatihaya ito at masarap ang tulog.
"Clint." Bulong ko, wala sa loob ko na palapit na pala ako sa lalaking ito.
Parang noon lang nung nasa Germany ako at pinagmamasdan siya habang tulog, huminga ako nang malalim at napaupo saglit sa gilid ng sofa, dahan-dahan ako para hindi siya magising.
"Clint." Sa isip ko lang yun, hindi ko binanggit dahil baka madinig niya at magising.
Hinaplos ko dahan-dahan ang buhok niya na nasa usong gupit at pinagmasdan ko maigi ang mukha niya.
"Na memorize ko yata maigi ang mukha mo, kaya kuhang-kuha ni Ava." Bulong ko at muli na naman tumulo ang luha ko, napapikit ako ng madiin gusto ko pigilan ang luha ko na maglandas. Mahal na mahal ko pa din si Clint, sadyang ang hirap kalimutan ng taong ito. Ang lalaking naging Happiness ko.
Tumayo ako at humakbang na papuntang kusina, wala akong balak na gisingin siya at wala din naman ako balak na paalisin siya. Ang totoo gusto ko siya makasama, ibig ko sabihin makasama niya si Ava.
Muli ako lumingon pero tulog pa din si Clint, napailing na lamang ako.
"Maaga na lang ako papasok, para hindi na niya ako makita." Bulong ko.
(*)
"Daddy! Wake up!" Gising ni Ava kay Clint.
Dahan-dahan naman siya nagmulat at agad na ngumiti kay Ava.
"Mommy's right! you cameback." Nakangiting sagot ni Ava at agad na yumakap kay Clint.
Natawa si Clint at niyakap din si Ava.
"How's your morning my Princess?" Tanong ni Clint.
"Fine and happy !"
Bumangon na siya at umayos nang upo, napatingin siya sa relo niya halos alas diyes na pala nang tanghali
Napatingin siya sa hagdan at inaabangan kung bababa na si Elena.
"You waiting mommy? " tanong ni Ava.
Lumingon si Clint at ngumiti kay Ava.
"Maybe your mommy will be angry, if she knows i'm still here."
Umiling si Ava at ngumiti.
"Mommy knows your still here and she make us breakfast before she leave."
"Really?" Di makapaniwala si Clint na hindi lang man nagalit si Elena, o baka kaya lamang ginawa nito ay para hindi magtaka si Ava.
Hinawakan niya ang mga kamay ni Ava at pinagmasdan maigi ang anak.
"Ava, listen to me. Daddy will never leave you and your mommy. I will do everything to fixed all the problems we had, even i don't know where should i start." Huminga muna siya ng malalim.
"But first you need to take breakfast and i. Then we will go to your Auntie Sara and Aubrey, because Daddy need back to Hotel. I have a friends there and they are waiting me."
"But daddy, are you coming back?" Tila may lungkot ang boses nito at talagang nalungkot.
Ginulo ni Clint ang buhok nito.
"Yes i will. So don't be sad , i promise to you i will never leave you again and your mommy."
"Promise?" Tila nanlaki ang mga mata ni Ava sa kasiyahan. Sabay taas ng kanang kamay nito.
Natawa si Clint at tinaas din ang kanang kamay.
"I promise!" Sabay ngiti.
Yumakap na muli si Ava sa kanya kaya gumanti na muli siya nang yakap sa anak.
(*)
"Ma'am? Totoo talaga na andito si Sir Clint?" Tila nakangiti pa si Joan habang pinagmamasdan ang kanyang Ma'am Elena na nagkakape.
"Bakit parang nagniningning yang mga mata mo?" Tanong ko habang iniinom ang kape na timpla niya para sa akin.
"Syempre masaya lang po ako, i'm sure lalu si Ava!"
Napatango lang ako at pinagmasdan na ang mga papel na nasa table ko, tambak na naman ang trabaho. Retired na kasi si Papa kaya ako na ang Presidente ng kumpanya namin, nagamit ko din ito bilang advertisement sa mga libro ko kaya naging modelo ako.
Mga naging libangan ko sa loob nang limang taon.
"Ma'am, nakapag usap na po ba kayo?"
Napahinto ako at nilapag ang papel , pero hindi ako tumingin kay Joan. "Bakit ba halos lahat nang nasa paligid ko ay itinatanong kung nakapag-usap kami? Kailangan pa ba yun?" Sa isipan ko.
"Hindi, Wala naman kami dapat pag-usapan." Sagot ko kay Joan at muli ko kinuha ang papel na binabasa ko kanina.
"Ma'am hindi naman po sa nanghihimasok ako sa lovelife po ninyo, pero baka kailangan ninyo mag-usap ni Sir Clint."
Tumingin ako kay Joan at nakita ko na nakatingin siya sa akin.
"Sorry ma'am ah, kasi po five years yung na-sayang. Sa mga taon na nagdaan alam ko na pinipilit ninyong maging masaya at tumawa kahit ang totoo tinatakpan lang ninyo yung kalungkutan ninyo, 'yung kahit na sinasabi ninyo na maayos kayo pero sa loob-loob hindi naman." Huminga muna si Joan ng malalim.
"Kung hindi kasi kayo makikipag-usap kay Sir Clint, patuloy po kayo masasaktan. Hindi ninyo malalaman ang totoong dahilan, hindi ninyo masasabi yung side po ninyo. At lalung hindi ninyo malalaman kung hanggang ngayon ba andun ka pa din sa puso niya."
Pansin ko na tumitig na siya sa'kin, marahil may punto siya. Pero hindi ko din kasi alam kung saan ako magsisimula, kung pa'no ako magtatanong. Kagabi na gusto niya makipag-usap pero hindi pa talaga ako handa. Siguro hindi pa sa ngayon, nilapag ko na muli ang papel na binabasa ko at sumandal sa swivel chair.
"Ma'am sor-"
"No Joan, you don't need to apologize. You have a point. Pero hindi pa sa ngayon." Pinutol ko ang sasabihin niya, tama naman si Joan kahit mga kaibigan ko. Lahat sila may punto, isa akong Romantic writer, magaling mag-advice. Adviser sa mga sawi sa pag-ibig. Pero sa sarili ko hindi ko magawa ang mga nagagawa ko sa ibang tao, hindi ko matulungan ang sarili ko sa dapat tamang gawin. At ngayon tila nadidinig ko sa ibang tao ang mga salitang noon ako ang nagsasabi.
"Maybe tama kayo, patuloy nga ako masasaktan kapag hindi kami nakapag-usap. Ihahanda ko lang sarili ko bago ako muli humarap kay Clint."
Ngumiti si Joan at tumayo na.
"Salamat Ma'am, anuman mapag- usapan po ninyo. Hangad ko na maging maayos na po ulit kayong dalawa."
Tumango lang ako kay Joan at ngumiti, kahit kelan talagang laging nasa tabi ko eto. At natutuwa naman ako dahil lalu din niya pinagbubuti ang kanyang trabaho.
Lumabas na si Joan sa opisina at tila naiwan na naman ako, may kinuha ako sa drawer na frame. Picture namin dalawa ni Clint yun nung nasa Germany ako.
Hinaplos ko yun saglit, wala akong tinapon na mga alaala niya dahil ito ang pinapakita ko kay Ava para makilala niya pa din ng kanyang ama.
"Pag handa na ako, tsaka kita kakausapin." Bulong ko...
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
My Philippine Princess 2 ( completed)
RomanceHindi lubos maisip ni Elena ang muli nilang pagtatagpo ni Clint, galit ang unang sumiklab sa kanyang pagkatao dahil sa nangyari. Ngunit sa kanyang pagtalikod ay tumulo lamang ang kanyang luha, luha dahil sa lungkot at sa katotohanang hanggang nga...