Chapter 5

1.1K 60 32
                                    

"Tanga bilisan mo na kumilos 'jan!" Paikot-ikot na naglalakad si Tiffany sa classroom.


"Ano ba'ng gusto mo? Pumasok ako ng hindi pa naliligo? Saglit nga lang kasi 'to!" Rose left her phone in the sink.


We are currently video calling Rose na hanggang ngayon nasa bahay pa rin. May usapan kami na magkikita-kita ng 6 am dahil sabi nila ipag-pepray over daw nila ako for good luck. It was her idea but then she was late. Again.


"Bilisan mo, hindot ka naman ikaw magse-set ng oras ta's ikaw 'tong pabagal-bagal!" Gigil na gigil na sabi ni Tiffany bago ibinigay sa akin ang cellphone ko.


"Nape-pressure ako saglit naman kasi! Nag-alarm ako kagabi." She started to brush her teeth. "Kaso may demonyong nagpatay ta's 'di naman ako ginising." She put an emphasis on the DEMONYO.


"I tried to wake you up. Kaso tulog mantika ka." We heard someone said in the background


"Heh! Ewan ko sa'yo. Dun ka...dun!" Rose hissed.


Tiffany suddenly grabbed the phone in my hand and ended the call. Padabog naman siyang umupo at sumimangot. Sinundot-sundot siya ni Aria kaya naman napatingin ito.


"Nagugutom ako. Hindi ako nakakain dahil sabi ni Rose 6 daw." She looked at me. "Mags kain muna tayo."


I sighed and took my wallet. We went out at dumeretso na sa canteen. After 15 minutes, Rose was already running towards us. Pagkaupong-pagkaupo niya pa lang kinuha niya na agad ang tinidor ni Tiffany na may nakatusok na hotdog.


"Hmm. Sarap talaga 'pag libre." She swallowed the hotdog and tried to reach for the spoon. "Pengeng kanin... aba!"


Tiffany took her spoon. Pagkatapos ay hinampas niya ang kamay ni Rose at hinablot papalayo ang pinggan niya. Rose looked at her eyes wide open with her right hand still up in the air.


"Napakadamot mo!" biglang sabi ni Rose. "Tandaan mo ang araw na 'to, na pinagkaitan mo ako ng makakain. Kapag ako lumaboy sa kalsada at namatay sa gutom kasalanan mo lahat."


"Manahimik ka! Ang drama mo." Tinuro ni Tiffany ang tindera. "May pagkain ka na r'on patay gutom. Inorder na kita. Buraot ampucha."


"Ayon!" Rose smirked before standing up.


Nang makabalik siya sa mesa, nag-ingay na naman silang dalawa. Good thing there were only a few students and teachers who werez eating their breakfast. 


"Salamat sa libre, a." Rose faced Tiffany. "Pa-kiss naman be. Sa lips." She pouted her lips and made a kissing sound.


Pinitik naman ni Tiffany ang nguso niya. "Nakakadiri ka. Mukha kang isda wag kang ngumunguso."


"Masakit 'yon ah! Pag 'tong kissable lips ko 'di na magiging kissable papahalik kita sa durian." Rose held her lips.

Across Minds (ACROSS Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon