Chapter 10

1K 57 18
                                    

"May medic ka bang kinontact?" kinakabahang sabi ni Ace.


"Why the heck would I contact the medic?" I asked.


"Paano 'pag bigla akong nahimatay dito?" d'on na ako biglang natawa.


"Kapag hindi ko nagustuhan ang mga sasabihin mo ngayon hindi na medic ang kailangan mo." my dad said while walking down the stairs. "Sa morgue na kita ipapadala."


Nakita ko naman kung paano namutla si Ace at nanginig ang mga kamay. He was also sweating bullets which shows how nervous he was. I know that my dad was just joking around. It was like he was testing him. Agad namang lumapit si Ace sa mga magulang ko nang makababa sila sa hagdan.


"Good evening po ma'am, sir." sabi niya at 'saka nagmano.


Respectful naman pala. Natawa ako nang makitang pinisil ni Daddy 'yung kamay niya kaya naman napa-aray siya ng mahina. Kinurot naman siya ng mahina ni mama para bitawan si Ace.


"Magandang gabi din, hijo." my mom smiled. "Tara nakahanda na 'yung mga pagkain."


"Sige po, Ma. Sunod na po kami."


Hinila na ni mama si daddy papasok sa dining area dahil ayaw kami nitong iwanan. Bigla namang lumapit si Ace sa akin habang minamasahe ang kamay niya. I laughed at him pero nag-make face lang siya sa akin.


"May galit 'ata sa akin 'yung tatay mo sa past life namin." he pouted. "Parang gusto niyang putulin 'yung mga buto ko kanina."


"Nagbibiro lang 'yon, ano ka ba." I started to walk towards the dining.


"Jusko nagbibiro pa lang siya n'on?" he looked terrified. "Paano pa 'pag nag-seryoso 'yang tatay mo?"


"Shh. Mamaya ka na mag-reklamo." I smiled when I saw my parents.


Ace pulled me a chair before sitting beside me. Tahimik ang lahat hanggang sa magsalita na si Daddy.


"Anong pangalan mo?" he asked.


Ace immediately put down his spoon and fork then faced my father.


"Ace Sean Ramirez, sir." he politely answered.


"Course?"


"Civil Engineering po."


"Nanliligaw ka ba sa anak ko?" matapang niyang tanong.


Ace looked at me first and I saw him gulped. Napainom naman ako ng tubig habang hinihintay siyang sumagot.


"Yes po. Seryoso po ako sa anak niyo." he looked so determined.


Across Minds (ACROSS Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon