Chapter 22

1.2K 55 38
                                    

"Para naman kayo mga hindi kaibigan. Samahan na kasi natin." Naririndi naman akong tumingin kay Jerome na kanina pa ako kinukulit.


"Ano bang mapapala ko d'on? May practice kami ng sayaw sa isang araw." I said and continued drawing.


Napangiti ako nang makitang nakatapos na naman ako ng isang model ng bahay. I threw my pencil inside the open zipper of my bag. Paglingon ko sa desk ko, nakita ko na wala na d'on ang bond paper ko kanina.


"Ano bang kukunin mong course?" Jerome asked while examining my paper.


"Civil Engineering." Maikli kong sagot bago sumandal sa upuan. 


Inikot ko ang mga mata ko sa classroom at nakitang nagkakagulo ang karamihan. Nagkukumpulan 'yung mga babae sa likod, may nagja-jamming sa harap, tapos may natutulog akong katabi. Wala kasi 'yung teacher namin. Nag-iwan naman ng activity pero syempre 'di namin gagawin 'yon.


"Bakit 'di ka mag-Archi? Magaling ka naman mag-drawing." He commented then handed me the bond paper. Agad ko naman 'tong kinuha sa kanya.


"'Pag ikaw nagbayad ng tuition ko, baka mapili ko pa." I answered sarcastically. "Saka gusto ko naman maiba. Gusto ko 'yung gumagawa ng mga bahat. Mga building. Sa'yo na nanggaling, magaling na ako sa drawing. Baka masobrahan na ako sa galing."


"Woah! Woah! Kakapit tayo brad! Masyadong mahangin." OA siyang kumapit sa upuan niya habang nakatingin sa akin.


"Mukhang kailangan mo talagang kumapit. Sa katawan mo parang isang ihip na lang ng hangin tatangayin ka na." Natatawa kong sabi. Agad naman sumama ang tingin niya sa akin.


"Isang maling salita mo pa tatamaan ka na sa'kin, gago." Ramdam na ramdam ko 'yung pagkainis sa tono ng pananalita niya. "Sumama ka na kasi. Wala raw kayong practice sa Sabado. Narinig ko mga ka-grupo mo kanina."


I furrowed my eyebrows and looked at him. "Kalalaki mong tao chismoso ka." 


Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang message mula sa dance group namin.


Jade: Guys, sorry. Hindi muna tuloy yung practice natin sa Saturday. Libing kasi ng lolo ni Rain. Matagal pa naman daw yung contest kaya okay lang na hindi muna tayo mag-practice weekly.


Napahinga naman ako ng malalim at nilingon ang kaibigan kong nakangiti pa rin ng nakakaloko. Alam kong wala na akong kawala at kailangan ko talagang sumama sa kanila. Nakita ko ang lapis na nasa upuan ko. Kinuha ko 'yon at saka binato sa mukha ni Jerome.


"Pakapangit mo." I sneered. "Bakit ba kasi kailangan nating pumunta sa quiz bee na 'yon? 'Di naman tayo kasali."


"Kung inaayos mo kasi 'yang buhay mo eh 'di sana kasali ka pa rin sa mga ganyang contest." Inakbayan niya ako. "Talino mo nung elementary tayo ta's biglang pasang awa ka nalang ngayong high school. Anong nangyari sa'yo?"


"N'ung elementary kasi tayo wala pang letters 'yung math. Puro number pa lang." Tinanggal ko ang pagkakaakbay nito sa akin. "'Saka okay na ako sa pasado. Hindi naman ako pinapagalitan ng mga magulang ko. Basta daw wala akong line of 7 ayos na 'yon."

Across Minds (ACROSS Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon