Chapter 14

953 46 12
                                    

I woke up when I heard the noise from the native chickens of Tarlac. I was still quite sleepy when I unconsciously felt the space beside me. Napabalikwas ako ng upo nang maramdamang wala na akong katabi.


"Ace?" I called out but no one answered.


Kinapa ko ang cellphone ko na nasa baba ng unan. It was already 10 am? Dali dali naman akong tumayo at nag-ayos ng sarili. I tied my hair up in a bun. Lola Dalia was preparing two large baskets.


"Lola Dalia." I called her "Magandang umaga po. Pasensya na po ngayon lang po ako nagising."


"Magandang umaga rin naman. Ikaw ba ay nakatulog ng maayos, hija?" she fixed her straw hat.


"Opo. Nakatulog naman po ako." I looked around. "Si Ace po lola?"


"Nako ang batang 'yon napakakulit. Sinabi na naming dumito na lamang siya dahil baka siya ay mabinat. Nagpumilit pa ring sumama doon sa bukid." umiling iling na sabi niya. "Hindi ka na rin niya ginising kanina dahil ang sabi niya, paputol putol daw ang tulog mo kanina."


"Medyo po. Tinitignan ko po kasi kung bumaba na 'yung lagnat niya. 'Di rin naman po ako mapakali kaya nagigising po ako." I smiled at her.


"Kumain ka pala muna dito. Nakain na kami kanina bago sila tumungo ng bukid." Lola Dalia pulled me towards their dining table. She took a mug and a spoon and handed it over to me. "Narito ang pandesal. Mainit init pa ito dahil kakadaan lang din noong nagtitinda. Ayos lang ba ang ganitong agahan sa'yo?"


I nodded my head. "Yes po. Okay na okay po. Masarap naman po ang pandesal sa kape." I stood up and pulled the chair beside me. "Upo po kayo, samahan niyo po akong kumain."


"Hindi na at busog pa ako. Mamimitas ako ng mga gulay sa bukid ngayon. Gusto mo bang sumama?" she sat on the chair.


"Talaga po? Pwede po akong sumama?" excited kong sabi sa kanya. I've always wanted to experience this kind of mornings. Simple and away from all the pollution in the city.


"Oo naman. Masarap mamitas ng mga prutas at gulay ngayon dahil karamihan sa kanila ay marami pang bunga." she explained to me. "Sandali lang at kukuha ako ng sumbrero para sa'yo. Mainit sa labas at kailangan mo nang proteksyon mula sa araw."


I looked at her as she walked inside the bedroom. When she came out, she was already holding a straw hat that has this very colorful fabric wrapped around the middle of the hat. I ate fast so that we can go out already. It will be embarrassing if I would still let Lola Dalia wait.


Pagkalabas namin sa bahay, nakita ko kaagad si Mang Hener at si Ace na nagbubungkal ng lupa. Nilapitan agad namin sila.


"Good morning po, Mang Hener!" I greeted the old man.


"Magandang umaga din naman sa'yo hija." he turned to Ace. "Sige, tutulungan ko muna magbitbit itong misis ko. Maiwan muna namin kayo."


Mang Hener took the large baskets and then they walked towards the area of the field that is full of tomatoes. Hitik pa sa bunga ang mga ito kaya naman kulay orange ang parte na 'yon kung titignan sa malayo. I turned my head and saw Ace looking at me. Agad ko namang hinipo ang noo at leeg niya. Wala na siyang lagnat.


"Buti naman wala ka ng lagnat. Pinag-alala mo ako kagabi!" I glared at him. "'Di daw tatablan ng ulan." I rolled my eyes.


"Tss." he wrapped his arms around my neck. "Aga aga ang sungit naman ng misis ko. Wala naman talaga, eh. Tignan mo nga magaling na agad ako ngayon."


Across Minds (ACROSS Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon