Chapter 5 Princess Xyreene

1.3K 27 3
                                    

Reene's POV

 

"Kung nandito ka siguro sa tabi ko, wala siguro akong magagawa kundi titigan ka, tumingin sa mga mata mo, pero sabay ng pagtitig ko sayo na dinggin ang dalangin kong .......

Hindi ka mawala sa buhay ko."

"Uyy Reene si Jill oh, nakatingin sa iyo" dinig kong sabi ni Kate sa akin.

Nagulat ako sa sinabi ni Kate. Gayunpaman tiningnan ko ang direksyong tinuturo ng mga kamay nito. At tama nga siya. Nahuli kong nakatingin si Jill sa akin. Parehas pa kaming nagulat at sabay din kaming nagbawi ng tingin sa isa't-isa.

Hindi ko napansin si Jil dahil masyado akong naaliw kay Kate sa kakapalan ng mukha niya na kausapin si Kiel na halos alam na yata ng buong campus ang pagkagusto nito sa snob na yun. Snob si Kiel, oo. Paano ba naman? Ni hindi man lang yata niya napansin ang kagandahan nitong bestfriend namin. Kaya inis na inis ako sa lalaking yun. Feeling naman yata niya ay sobrang gwapo nito.

(Kiel's photo on the right side -------------------------------------->)

 

Bumalik na muli kay Jill ang isip ko. Well, ano pa ba ang dapat kong gawin? Makipagplastikan kay Jill gayong alam naman natin na sobra na akong nasaktan sa ginawa niya. Oo, inaamin kong bitter ako. Nagmahal ako't nangagago, anong gusto niyong gawin ko?  Magpaparty? Hehe. Joke lang! 

Hindi naman talaga niya kasalanan ang lahat. Partly, inaamin ko na may kasalanan din ako. I gave up so easily on him. Pero hindi ko na talaga kasi makayanan ang sakit na nararamdaman ko. Mahal ko pa si Jill pero natatakot na akong muli masaktan gayong patuloy pa ring naghihilom ang puso ko. Woah! Corny no? Pero wala na akong magagawa. In-love eh. Mararanasan mo rin ito girl! 

Anyway, ayoko na munang isipin ngayon si Jill. Para naman magtuluy-tuloy na ang pagmove-on ko no!

"Eeeeehhh. Kate naman! Pabayaan mo siya. Hindi ko kilala ang taong yun. Hmmmp!"

"Soowwss! Anong hindi! Tingnan mo nga ang sarili mo. Para kang naubusan ng dugo sa katawan. Namumutla ka na. Ayos ka lang ba?" tanong naman sa akin ni Lee.

"Ano ba naman kayo! Oo naman no, ayos lang ako. Don't worry guys. Naiisip ko lang ang test natin mamaya sa Physics." pagkakaila ko sa kanila.

"Ooohhmaygawwwd! Oo nga pala. Ampupu naman! Hindi ako nakapag-review bhes!" -_____- sabi ni Khrys sa amin.

"Nyeee. May nagbago ba huh? Hindi ka naman talaga nag-aaral ng notes mo eh. Haha!" sabi ni Elly kay Khrys.

Nagtawanan kaming lahat. Actually, totoo naman kasi ang sinabi ni Elly. Hindi naman nag-aaral ng notes yang si Khrys. May mali sa kanya pag nangyari yun. Hehe. ^_______^

At natigil ang pagtatawanan namin nang biglang lumapit si Jill sa akin.

"Reene, pwedi ba tayong mag-usap mamaya? Hihintayin kita sa labas ng room niyo after classes." sabi ni Jill

When Miss NBSB Meets Mr. Bully (Caylee's Heartbreak)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon