Chapter 3 Lance and Jill Ellis

1.6K 35 3
                                    

Lance Pierro Alvarez' POV

(Sa loob ng classroom....)

 

(Pierro's photo on the right side ------------------------>)

Hayy naku naman! Nasaan na ba kasi ang damuho kong pinsan na iyon. Late na siya ah. Baka naman naligaw na siya? Ang tanga naman, napakalapit lang naman nang school namin, nagpaligaw pa.   >______<

Hehe. Sorry guys. Medyo badtrip lang ako ngayong araw. Anyway ako nga pala si Lance Pierro Alvarez. Ang tinaguriang Cassanova Prince ng St. Matthew Academy. Syempre, gwapo yata ako. Haha. Kunsabagay hindi ko naman masisisi kung ang mga babae na mismo ang lumalapit sa akin. Ika nga palay na ang lumalapit sa manok. 

Varsity player din pala ako ng basketball team ng campus namin. Well, sadyang ganyan talaga, talented din kasi ako. At yeah, oo nga pala, baka makalimutan ko, pinsan ko si Randall Clark Roberts. Siya yung taong hinihintay ko ngayon. Hindi lang halatang magpinsan kami kasi hindi kami parehas ng surname. Ang tatay ko kasi ay kapatid ng nanay niya kaya magpinsan talaga kaming buo. Gets? Hahahaha

Hindi din naman nagkakalayo ang hitsura namin. Kung gwapo siya, well sorry siya mas gwapo ako. Bwahahaha! Sa akin pa rin ang huling halakhak. ^_____^

At eto na pala ang magaling kong pinsan. Papetiks-petiks pang maglakad eh late na nga siya. Psh.  Tinawag ko na lamang siya.

"Clark! Bro! Anu ba?! Bilisan mo ngang maglakad, late ka na ah!  Malapit ng dumating si Ma'am. Ipapakilala ka pa niya sa buong klase."

Nakita naman niya ako at binilisan na niya ang kanyang lakad.

"Hey, Bro! Zup?" pangungumusta ko sa kanya.

"Hayy, Bro! Eto napasubo ako kanina sa isang babae. Grabe! Amasona yata yun eh."

"Anu ba naman yan Clark! Kakatransfer mo palang babae na agad ang inatupag mo? Men! Magbago kana!"

"Hindi naman yan tulad ng iniisip mo. Ganito kasi yan....." At inilahad na nga niya sa akin ang buong pangyayari bago siya pumasok sa room namin.

"Hahahahahahahahahahaha." Tawa ako ng tawa sa kanya. Napahawak pa tuloy ako sa tiyan ko sa sobrang saya.

"Eh ikaw naman pala ang may kasalanan eh Bro! Sana man lang nagsorry ka. Alam mo naman ang mga babae, sobrang sensitive. Psh. Hindi ka pa ba nasasanay sa kanila?" lintanya ko sa kanya habang tumatawa pa din.

"Magsosorry naman dapat ako sa kanya kaso binarahan na niya agad ako ng mga satsat niya. Langya Bro! Mga babae talaga, mga bibig nila di mapigilan." Sabi na lang niya sa akin.

Dumating na ang teacher namin na si Ma'am Beatriz Pineda. At siyempre dahil bago lang sa klase si Clark pinagkaguluhan siya kaagad ng mga kababaihan matapos niyang magpakilala. Syempre, pinsan ko ba naman. Kanino pa ba magmamana ng kagwapuhan yan kundi sa akin din! Hehehe.

Naglesson lang naman si Ma'am Pineda tungkol sa topic namin ngayon. Wala na ding masyadong ginawa pagkatapos.

"Riiiiiinnnnnnggggggg!!!" Tumunog na pala ang bell which means breaktime na namin. Tinawag ko na ang buong barkada. Pero mukhang problemado itong isa naming brod na si Jill Ellis. Basta para na lang siyang tangang nakatanaw sa bintana, wala sa sarili. Hmm. Siguro tatanungin na lang namin siya mamaya.

"Mga Brods! Tara recess na tayo. Gutom na ako. Woah!" sigaw ko sa kanila.

Jill Ellis' POV

 

Hayyy. Sa tuwing magbebreaktime kami hindi ko maiwasang malungkot dahil naaalala ko lang si Reene. Dati-rati madalas niya akong puntahan sa room namin at iniimbitahang magrecess na kami pero ngayon namimiss ko na ang mga araw na lumipas na kung saan lagi kaming masaya na magkasama. Malungkot, oo, inaamin ko pero anong gagawin ko? Tuluyan na siyang bumitaw. Sabi nga nila, 

"The worst thing you can do is to continue holding on to someone who doesn't want you anymore."

Tanggap ko na nga ang masaklap na bagay na nangyari sa akin, pero masakit pa rin. Hindi pa rin naghilom ang sugat na dulot ng pag-ibig ko sa kanya. Isa pang bagay ang bumabagabag sa akin, isang bagay na maaaring magdulot sa akin ng saya, pag-asa o maging kapighatian. Alam ko sa aking puso't isipan na mahal pa rin niya ako. Pero hindi ko alam kung ano ang humahadlang sa kanya para patuloy niya akong mahalin.

Ay. Psh. Nagdrama na naman ako. Hehe. By the way guys, Ako nga pala si Jill Ellis. Isang certified musician. Gwapo naman daw ako, totoo naman yun. Pero sadyang si Reene lang talaga ang nagpapatibok ng puso ko. Si Alex Venz ang bestfriend ko sa lahat naming magkakabarkada. May banda nga pala ako,  Nirvana Redux ang band name niya. At saka, oo nga pala, childhood sweetheart ko talaga si Reene. Pero dahil sa isang bagay na nalaman niya, napilitan siyang makipaghiwalay sa akin.

Naramdaman ko na lang ang pagtapik ni Lex sa balikat ko.

"Oh! Brod naman, iniisip mo na naman ba si Reene? Hayyy. Psh. Recess na daw. Break na muna tayo." sabi niya sa akin. Hindi na lang ako kumibo sa sinabi niya dahil kahit itanggi ko pa iyon wala na din akong magagawa. I heave a sigh. Lumabas na lang ako at sumunod sa kanila.

---------

MissForeverYous <3 <3

When Miss NBSB Meets Mr. Bully (Caylee's Heartbreak)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon