"You okay bhes?" Puno ng simpatya na tanong sa akin ni Reene.
I just heave a deep sigh. "I can't believe siya ang magiging male partner ko! This is becoming so complicated!" Saad naman ni Kate. Her eyebrows are furrowed, halata sa mukha nito ang pagkainis.
Nasa loob kami ng Sweet N' Treats. Nag-aya dito si Kate after ng nakakailang na discussion kanina. Sa loob ng isang oras mabibilang sa mga daliri ko ang nga salitang binigkas ni Clark.
All throughout the entire time his face is so dark na animo nababalutan ng yelo ang buong katauhan niya.
"Cupid doesn't play fair. I just can't believe that God permitted us to meet this soon." Tiningnan lang nila ako ng matiim.
"Hindi pa ako handa. Did you see his face? If looks could only kill kanina pa ako nakahandusay sa sahig. Ang kapal ng mukha!" Nanginginig na ang boses ko sa inis.
"Kung alam ko lang din na siya ang magiging male model hindi ako papayag sa kuya ni Kiel na ikaw ang kukunin nilang fashion designer." Napabuntunghininga na lang din si Reene. She will be the photographer for the photoshoot. Si Kate ang model at ako ang fashion designer. Nakakainis ang tadhana.
"Let's change the topic. By the way, may updates na ba ulit kay Khrys? Yung babaeng yun sakit talaga ng ulo." We both turned our attention to Kate when she mentioned Khrys' name.
"Wala pa ding balita sa kanya. Pati yung manager niya hindi siya mahagilap. Mabuti na lang at sanay na ang parents niya na hindi umuuwi sa kanila kung hindi malilintikan na tayo." Reene said with exasperation.
Khrys started her life as a rising actress. Nakakita yata ng potential sa kanya mula ng maging kontrabida siya sa isang teleserye. Hindi ko pa din maimagine na mag-aartista yung babaeng yun. Akala ko nagloloko lang ang nga kaibigan ko ng padalhan nila ako ng copy ng teleserye na pinagbidahan niya bilang Samantha Monteverde, yung kontrabida sa palabas na yun. Unfortunately, seryoso pala sila. After a few years nag-boom ang career niya bilang isang sikat na kontrabida actress.
"She told us she's pregnant tapos bigla na lang nawala ng parang bula. God, that woman scared the shit out of me. Baka kung ano pa ang mangyari sa kanya." Nag-aalalang sabi ko sa kanila.
"No matter. Hintayin na lang natin ang tawag niya. Mahirap maghanap ng taong ayaw magpahanap. We know Khrys. Sooner or later tatawag din sa atin yung babaeng yun." Reene was right. Khrys is an independent woman. Kapag may problema ang babaeng yun as much as possible gusto niya siya ang maghahanap ng solusyon, by her own. Kapag hindi na niya kaya saka lang yun maghihingi ng tulong sa amin.
/////////
"Dude she's really back." Kiel's voice pulled me out of my reverie.
Dammit! Nagbalik na nga siya. After 7 years naisipin niya pang bumalik.
When I saw her a while ago parang nag-flashback sa isip ko ang lahat ng nangyari na parang kahapon lang ang nagdaan.
I hate her! But when I saw her a while ago nanigas na ang ang buong katawan ko. I want to shout at her, I want to tell her the pain that I've been through. Gusto kong ipamukha sa kanya na okay lang ako. Na hindi na ako yung dating Clark na naghahabol sa kanya na parang aso. Gusto kong ipamukha sa kanya kung ano ang iniwan niya. Gusto kong magsisi siya sa lahat ng ginawa niya sa akin.
I already prepared the things I want to do and tell her when I'll meet her again. But it has been too soon. Masyadong mabilis ang pangyayari.
I saw her first. I saw her talking to her lady companion habang naglalakad sila sa elevator. It's just then I realize na si Kate pala ang kausap niya. Yung ex ng gago kong kaibigan. She's familiar with me dahil isa siyang sikat na model pero sa hindi malamang kadahilanan bigla siyang nagretire 3 months ago. Palaisipan sa publiko ang biglaan niyang pagretiro gayung sikat na modelo ito. She was at the peak of her career actually.
BINABASA MO ANG
When Miss NBSB Meets Mr. Bully (Caylee's Heartbreak)
Ficção AdolescenteSt. Matthew Academy Series #1 "Hindi porke't alam mong mahal kita, may karapatan ka ng gawin akong tanga." -Caylee Si Caylee isang proud NBSB. Masyado kasi siyang hopeless romantic kaya hanggang sa edad niyang iyon hindi pa siya nakakaranas magkaroo...