Lex' photo on the right side----------------------------------------------------------------->
Clark's POV
"Araaaaayyyy......"-sabi ko habang nakapikit dahil talagang nasaktan ako.
Kung minamalas ka nga naman, oo. Nagmamadali ka na nga dun kapa mabubunggo ng tatanga-tangang babaeng ito. Ang bigat pa mandin niya. Pero infairness ang lambot ng katawan niya.
At may nararamdaman akong parang kuryente sa katawan ko at BOOM!! Nagspark sa puso ko. Ano ba naman yan, feeling ko tuloy ang OA ko na. Yuck! Manahimik ka nga Clark! Sabi ko sa utak ko.
"Miss? Baka gusto mo ng tumayo dahil nahihirapan at nasasaktan na ako dito. Anong feeling mo sa akin? Kutson?"-sabi ko dito dahil iritadong-iritado na ako.
Hinarap ko ang babae at sa labis na pagkabigla naming parehas, sabay pa kaming napasigaw ng,
"Ikaw na naman?!?"-sabi niya
"Ikaw din na naman?"-sabi ko
Hulaan ninyo kung sino ang nakabangga ko? Walang iba kundi ang aking mortal na kaaway at katangi-tanging babaeng immune yata sa charm ko:
Tadaaaah! Si Caylee Pineda, ang tinaguriang Romantic Princess sa buong campus pero pagdating sa akin ay nagtatransform bilang Fierce Tigress.
Nagkatitigan kami ng ilang minuto. Kitang-kita ko sa mga magaganda niyang mata ang galit at parang naaliw pa akong pagmasdan siya sa kabila ng awkward naming posisyon.
"Ahem!"
Sabay pa kaming napalingon sa istorbong nilalang na ito na pumutol sa pag-iimagine ko kay Caylee. Pero mabuti naman iyon dahil kung hindi ay baka nahalikan ko na ang babaeng ito. Nakakahipnotize yata ang mga mata niya.
"Ahm. Pare? Baka gusto na ninyong tumayo diyan? Pinagtitinginan na kayo ng mga students dito pati na din si Mam Principal ay nakatingin na."-sabi ni Pierro sa amin
"Mr. Roberts and Ms. Pineda baka gusto na ninyong tumayo diyan at gumagawa kayo dito ng eskandalo. Kung gusto niyong gawin yan ay umalis kayo ng campus at wag dito alam niyo namang bawal ang PDA sa loob ng schol premises."-Principal
Tinulungan na ni Pierro na tumayo si Caylee.
"Ahm. Ma'am, that's not what you think. May isang tatanga-tanga po kasing lalaki dyan na hindi marunong lumingon sa dinaraanan."-sabi nito sa akin na namumula na sa sobrang galit
Aba! At ako pa ngayon ang tanga? Ngayong high blood ako wapakels sa akin kahit na maganda ang babaeng nasa harap ko.
"Eh sino ba ang MAS TANGA sa ating dalawa nyan? Ikaw nga itong nagmamadaling bumunggo sa akin. Ikaw ang tanga!"-sabi ko sa kanya
Caylee's POV
"Eh sino ba ang MAS TANGA sa ating dalawa nyan? Ikaw nga itong nagmamadaling bumunggo sa akin. Ikaw ang tanga!"-sabi nito sa akin
BINABASA MO ANG
When Miss NBSB Meets Mr. Bully (Caylee's Heartbreak)
Novela JuvenilSt. Matthew Academy Series #1 "Hindi porke't alam mong mahal kita, may karapatan ka ng gawin akong tanga." -Caylee Si Caylee isang proud NBSB. Masyado kasi siyang hopeless romantic kaya hanggang sa edad niyang iyon hindi pa siya nakakaranas magkaroo...
