Malapit ng umuwi dito sa Pilipinas si Caylee. It's been exactly seven years mula ng umalis siya at nag-aral sa New York ng Fashion Design. That's the most dreadful day of our lives. Nung araw na iyon nag-iyakan lang kami sa Student Council Office. Wala ng ibang may alam sa pag-alis niya kundi kami lang na kaibigan niya. Kahit kay Clark hindi niya sinabi, she even almost beg us not to say any single word to him.
Sobrang sakit sa parte namin na nakikitang nasasaktan yung kaibigan namin. That time, we always curse Clark for breaking Caylee's heart and soul. Hindi lang kasi ang puso nito ang nawasak. Pati buong pagkatao ni Caylee sirang-sira. Hindi na siya yung Caylee na naging kaibigan namin kaya siguro naging mas madali sa amin ang hayaan siyang mag-aral sa ibang bansa kahit na alam naming baka matatagalan pa bago namin siya ulit makita.
I snapped back at reality. Kahapon nagkita-kita kaming magkakaibigan. We always have time to meet each other no matter how busy we are. Iba-iba na yung career namin. I can say that we became more mature. Hindi na kami yung mga dalagitang sobrang childish. Lahat kami nagmature na in a positive way. Syempre nakaskype namin si Caylee, telling us the good news that she will be back for good. Once a month kung magkita kami. One year pa lang si Caylee sa New York ng sabihin niyang nakamove-on na siya but we all doubt that. Kitang-kita namin sa mga mata niya ang lungkot. Kilalang-kilala namin ang bawat isa and I know that eventhough seven years have already passed, Caylee still love him. She still loves him so much.
Pero isa lang ang hindi ko makakalimutan sa sinabi niya sa akin sa skype. "Bakit ka malulungkot kung masaya na siya na wala ka? Bakit ka aasa kung may nahanap na siyang iba? At bakit mo siya ipaglalaban kung siya mismo ipinagtatabuyan ka na? Elly, as a friend I care for you so much. Ayokong matulad ka sa akin. I know how much pain you already suffered with that guy. Kung mahal ka niya, sana pinakinggan niya muna iyong paliwanag mo pero maliwanag pa sa sikat ng araw na kinamumuhian ka niya. Pero bhes, kung siya pa rin talaga ang makakapagpasaya sa iyo, sige lang. Fight for him. Kung ang pagiging tanga ang magbibigay sa iyo ng kasiyahan, sige susuportahan kita diyan sa katangahan mo." At nagtawanan kaming lahat sa sinabi niya. Nasa isang pribadong kwarto kami ng paborito naming café nung high school, ang Sweets N' Treats.
—————
"Kate!" dinig kong sigaw sa akin ni Reene. "Hayy! You are so stubborn, Reene! I already told you na hindi! Ayoko! Ano sa salitang 'ayoko' ang hindi mo maintindihan?" she just pouted at me.
"Pretty please? Last na lang talaga ito?" she pouted at me but I rolled my eyes at her. "I already quit modeling, you know that right?" sunud-sunod na tumango naman ito.
"Please bhes?? Ikaw lang talaga ang alam kong babagay sa theme namin. Baka kalbuhin na ako ng boss namin kapag hindi pa ako nakakuha ng model."
"Eh di good. Bahala kang makalbo." I faced my back to her but she just grabbed my arms. Naiinis na hinarap ko ito. "Okay fine! Jeez! Nakakainis ka na talaga Princess Xyreene Blair! Kung hindi ka makakalbo ng boss ninyo ako ang kakalbo sa iyo! Ugh!" bigla namang nagliwang ang mukha nito.

BINABASA MO ANG
When Miss NBSB Meets Mr. Bully (Caylee's Heartbreak)
Novela JuvenilSt. Matthew Academy Series #1 "Hindi porke't alam mong mahal kita, may karapatan ka ng gawin akong tanga." -Caylee Si Caylee isang proud NBSB. Masyado kasi siyang hopeless romantic kaya hanggang sa edad niyang iyon hindi pa siya nakakaranas magkaroo...