Clark’s POV
MALAPIT na ang first monthsary namin ni Caylee. Sa Sabado na iyon eh Tuesday na ngayon. Hindi ko alam kung anong magandang gawin sa araw na iyon. Yung bang tipong magugustuhan niya talaga. Ang hirap mag-isip. Tangina! Pinapunta ko nga dito sa amin yung mga kaibigan ko pati yung kaibigan niya. Yung iba wala pa, ang tagal nila. Kung titingnan nila kami sa mga oras na ito mukha kaming may sleepover sa bahay namin. Halos nakapantulog na silang lahat. Yung iba naman nakapambahay na lang.
“Bakit mo ba kami pinapunta dito dude? Inaantok na ako ha.” Naghihikab na reklamo ni Pierro. Pati sina Jill at Jared nang-aamok na din.
“Eh bakit ka ba puro reklamo? Kanina ka pa ah. Maghintay ka nga.” Sabi ko. Hindi na nga ako mapakali dito eh.
“Eh ano ba naman kasi yung point mo bakit nandito kami? Tapos nandyan pa yung mga iyan? Gabi na kaya.” Sabi naman ni Kyle sabay turo kina Leeca, Kate, Marge, Reene at Elly. Nalukot naman yung mga mukha ng lima.
“Kung makaturo ka parang wala kaming pangalan. Echosero to.” Sabi ni Leeca. Napangiwi na lang si Kyle dito. Yung iba naman puro reklamo na nga lang din yung naririnig ko sa kanila. Nagkakagulo na sila.
“Hep! Hep! Manahimik nga muna kayong lahat. Hinta ---- hindi ko na natuloy yung sinasabi ko ng may marinig kaming bumukas ng pinto. Napangisi na lang ako sa hitsura ng dalawang pumasok. Kakaiba talaga yung mga kaibigang ito ni Caylee. Kung hindi ko lang sila kilala hindi ko maiisip na magkakaibigan sila. Iba-iba kasi yung personality nilang walo. Kaya hindi ko maimagine kung anong bagay ang napapagkasunduan nila.
“Hindi ka man lang nagbihis ng medyo disente naman bhes. Dito ka na ba matutulog ha?” sarkastikong tanong ni Kate kay Khrys. Nakasuot kasi ito ng panjama at t-shirt na hello kitty. Pati yung tsinelas hindi nagpatalo, hello kitty din.
“Like I care. Ano naman ba kasi ang magagawa ko? Matutulog na talaga dapat ako kung hindi lang nagmissed call ng mahigit sampung beses iyang isang tao dyan at namblackmail pa talaga. Like duh.” She rolled her eyes and laid them to me. “Pwede ba Clark sa susunod ipagumaga mo na naman man lang kung ano man yung sasabihin mo sa amin. Hmm. On second thought, hindi na pala ako papayag sa susunod.” Sabi nito sabay upo sa tabi ni Marge.
Colz made a face. “Don’t mind her. Hindi lang talaga gusto niyan ang minamadali.” Sabi nito. Lumingon naman ito sa akin. “Ano ba iyong gusto mong pag-usapan Clark?”
Napaubo naman ako sa mga pinagsasabi ni Khrys. Kung hindi lang ito kaibigan ni Caylee masasagad talaga niya yung pasensya ko. “Ahem. Kung hindi niyo pa malalaman guys sa Sabado na yung first monthsary namin ni Caylee. Manghihingi sana ako ng tulong sa inyo. Hindi ko kasi alam kung anong magandang gawin sa araw na iyon.” Nakasimangot kong sabi. Napapangiti naman yung mga kaibigan ni Caylee sa akin.
BINABASA MO ANG
When Miss NBSB Meets Mr. Bully (Caylee's Heartbreak)
Fiksi RemajaSt. Matthew Academy Series #1 "Hindi porke't alam mong mahal kita, may karapatan ka ng gawin akong tanga." -Caylee Si Caylee isang proud NBSB. Masyado kasi siyang hopeless romantic kaya hanggang sa edad niyang iyon hindi pa siya nakakaranas magkaroo...