*Knock! *knock! *knock!
Caylee! Caylee! Caylee anak! Gising na! Oras na!
"Hayy! Yaya Fe naman. Inaantok pa po ako."-sabi ko sa yaya ko
"Aba't, ikaw talagang bata ka. Tumunog na ang alarm clock mo heto't tulog ka pa. Anong gusto mong gawin ko? Pabayaan kang humilata diyan at nang malate ka sa lakad mo ngayon?"
Let me introduce to you, siya si Yaya Fe, ang napaka-supportive na yaya sa buong mundo. Wahaha. Anyway, siya na kasi ang nag-alaga sa akin mula noong bata pa ako kaya kung ituring ko yan ay parang pangalawa ko ng ina.
"Eh yaya naman, hindi ko na kailangan ng alarm clock, boses niyo pa lang po magigising na ako eh. Ano pa kayang silbi ng alarm clock ko po no?"-papilosopong sagot ko dito
"Naku! Ikaw talagang bata ka, hala! Gumising ka na diyan at baka malate ka pa sa lakad mo dine. Pagkatapos mo diyan wag mong kalimutang kumain ha?"
"Eeh, anong oras na po ba Yaya?"
"Aba eh, mag-aalas nueve na hija."
"Whaaaaat? Yaya, hindi na po ako makakakain. Napag-usapan po namin ng mga kaibigan ko eh 9 o'clock. Maliligo na ako Ya."
"Ano? Kumain ka nga. Tingnan mo nga ang katawan mo't hindi ka na nga tumataba eh ang payat-payat mo pa. Hindi mo ba alam na------"
Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ng Yaya ko eh memorize ko na yata ang linya niyang iyan sa akin kapag hindi ako kumakain.
"Na maraming mga bata sa lansangan ang hindi nakakakain ng maayos dahil salat sila sa yaman."-pandudugtong ko sa sinasabi niya
"Ya, alam ko na po iyan. Pero malelate na talaga ako. Promise, last na itong hindi ko pagkain sa umaga."
"Naku! Bahala ka ngang bata ka. Siya sige, maligo ka na at baka dumating na ang mga kaibigan mo dine."
"Ya! Umalis na ba sina mommy at daddy?"
"Oo, kanina pang ala-sais ng umaga. Nagmamadali kasi sila eh."
"Ganun po ba? Sige po."
Pumasok na ako sa loob ng banyo namin. At syempre dahil marami akong chechebureche sa katawan eh umabot ako ng 30 minutes sa loob ng banyo. Blinower ko na ang buhok ko at kinulot ng parang mermaid waves. Naglagay ako ng yellow headband na may maliit na ribbon sa side. Nagpolbos ako at naglagay ng konting blush-on. Naglagay din ako ng lip shimmer and tadah! I'm ready. Maganda na ulit ako. Wahaha.
Dahil sabi ng mga kaibigan ko ay wear your best outfit daw eh, nagsuot ako ng pale yellow dress na hanggang itaas ng tuhod ko ang haba. Syempre, my favorite color. Hihi. (^_____^) And for my shoes, MiuMiu plain doll shoes na color white na may yellow lace na ribbon.
Ang arte ko no? Minsan lang yan Caylee. Wahaha.
BINABASA MO ANG
When Miss NBSB Meets Mr. Bully (Caylee's Heartbreak)
Teen FictionSt. Matthew Academy Series #1 "Hindi porke't alam mong mahal kita, may karapatan ka ng gawin akong tanga." -Caylee Si Caylee isang proud NBSB. Masyado kasi siyang hopeless romantic kaya hanggang sa edad niyang iyon hindi pa siya nakakaranas magkaroo...