PANIMULA

38 1 0
                                    

Naniniwala ako na ang buhay ay may iba't ibang kahulugan, nababago ito depende sa pananaw ng isang tao.


Maaari ang kahulugan nito sa iba ay isang tiyak na regalo, ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ito'y sigurado.


Maaaring sa iba ito'y isang walang katapusang pagkakataon, pagkakataon na sa iba ay maaaring hampas ng hamon, hamon na kailanman ay hindi mo kayang mabago.


Maaaring ang buhay sa pananaw ng iba ay pantay at patas, ngunit lingid sa kaisipan ng nakakarami ang larawan mula sa kabilang dako.


Maaaring ang buhay sa iilan ay naglalaman lamang ng iilang patak ng sakripisyo, at sa iba naman ito'y katumbas na ng salitang pagbuhos ng ulan.


Ngunit magkakaiba nga ba ang mga ito? O magkapareho lamang ang kahulugan na tinutumpok nito?


Katulad sa kung paano sumayaw ang dalampasigan, kapares kung paano lumakad ang ulap at kahalintulad kung paano dumantay ang hangin sa ating mga balat, lahat ay magkakaiba't nababago naaayon sa kung paanong paraan mo ito tititigan.


Naririnig mo man ngunit hindi mo alam kung ano ang pinatutunguhan. Nakikita mo man datapwat hindi mo ito kailanman maiintindihan. Nararamdaman mo man subalit ang tamang panahon ay hindi kailanman darating upang iyong makita ang tunay nitong kahulugan.


Ganoon yata talaga ang buhay, unpredictable. 


Masyadong misteryoso at masikreto, tila bawat araw ang mundo'y binabalot nito ng maraming katanungan.


Na kahit kayurin mo ang lahat ng 'bakit' sa mundo, ang mga kasagutan hinahanap mo, ang tanging maibabalik lamang nito sayo ay mga panibagong katanungan.



Napabuntong hininga ako, nakaupo at nakatingin sa kawalan, iniisip ko pa rin kung paano ako nakarating sa kinatatayuan ko ngayon. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid, ito'y payapa't tahimik.


Hindi ko maiwasang tanungin, narating ko nga ba talaga ang dapat kong kahantungan? Naging ako ba yung 'ako' na ibig kong maging?


Nadako ang paningin ko sa harapan ko, muli akong napabuntong hininga.


Sa ngayon hindi ko man maintindihan kung ano ang dahilan, hindi ko man mahanap ang totoong kahulugan, isa lang panghahawakan ko.


Tumayo ako at mapait na napangiti.



Pinanghahawakan ko, ang katanungang hinahanapan ko nang kasagutan.



Pinunasan ko ang mga luhang kumawala, buntong hininga ang pumawi sa mga luha.


Tinupi ko ang papel na hawak hawak ko, at dahan dahang umalis sa kinatatayuan. Bakas man ang mga luha sa mga mata, hindi naman maikakaila ang mga yapak ng aking mga paa. Ang aking mga kamay na punong-puno ng katanungan, at ang puso't isip na puno ng kasagutan.


"Mangarap ka na parang habang buhay ikaw ay mabubuhay, mabuhay ka na parang bukas ikaw ay mamamatay."


Hindi ko man maintindihan, hindi ko man mahanap ang kasagutan ngunit panghahawakan ko ang katanungang, sa paglisan anong marka ang nais kong iwanan?

REMEMBEREDWhere stories live. Discover now