Pagod ang araw-araw na gumigising sa akin, pagod din ang araw-araw na nagpapatulog sa akin.
"One box of pizza, pepperoni and mushroom please."
"Anything more ma'am?" tanong ko sa kausap ko sa kabilang linya.
"Does carbonara available today?" tanong ulit ng sa kabilang linya bago nito idinagdag sa order nito.
"Exact amount po ba ma'am?" tanong ko habang dino-double check ang mga order nila, para siguraduhing kumpleto at walang labis at walang kulang. Mahirap na, baka makaltasan pa ang sasahurin ko kapag nagkataon.
Nang masigurado kong kumpleto na ang iddeliver ko, nagsuot na ko ng helmet at pinaandar ang motor.
Dahil sa matagal-tagal naman na ako sa trabaho, kabisado ko na ang iilan sa pasikot sikot sa mga lugar dito. Hindi katulad nung baguhan pa lamang ako, nakakailang ikot pa ko at tanong bago ko makita ang pinupuntahan ko.
"790 pesos po ang lahat." tinignan ko muna ang bayad na inabot sa akin, sobra. Napatingin ako sa nag-abot nito.
"Keep the change." ngumiti ito at nagpasalamat bago tumalikod dala-dala ang mga pagkaing iniabot ko.
Matipid akong napangiti at napabuntong hininga. Ayos, may pandagdag sa kita.
Hinatid ko na ang lahat na naka-schedule para sa delivery ngayon, bago ako nagmaneho pabalik sa tindahan.
"Huling araw mo na ba talaga Zsa?" tanong sa akin ni Mr. Santos.
Ibinaba ko sa mesa ang helmet na dala ko. Ngumiti ako sa kanya at tumango, "Yes po, sir."
Ginantihan niya ako ng isang malungkot na ngiti at inabot na sa akin ang puting sobre, ang huling sweldo ko.
"Thank you po, Mr. Santos."
"No, thanks to you Zsa, for the past months you really worked hard." napatingin ako sa puting sobreng na inaabot nito.
"Sir kakaabot niyo lang po ng sweldo ko." nagtatakang sabi ko.
Umiling ito at ngumiti, "Idagdag mo na ito," inabot niya sa kamay ko ang puting sobre, "Deserve mo yan,mag-aral kang mabuti. " tinapik nito ang balikat ko at naglakad paalis.
Malungkot akong napangiti habang nakatigtig sa dalawang sobreng hawak ko, kung kinakaya lang ng katawan ko ang pagod sa trabahong ito hindi naman ako aalis.
Bukod sa sobrang bait ng store manager namin, ang ganda pa ng bigayan ng sweldo kumpara sa mga naging sideline ko noon. Yun lang sobrang nakakapagod yung ilang oras at ilang beses na pabalik-balik.
Hindi kinakaya ng katawan ko ang bigat ng trabaho, akala ko nung una okay lang, na kakayanin ko, pero habang tumatagal ramdam ko yung pagod ng katawan ko. Sa katunayan kakagaling ko lang ulit sa trangkaso gawa ng naulanan ako habang pabalik sa tindahan kahapon.
Pang-ilan beses ko na itong nagkasakit simula ng magsimula ako sa trabahong ito. At sa sitwasyon ko ngayon, hindi ko afford ang magkasakit, sayang ang isang araw na walang kinikita. Sayang ang araw na lumilipas na nakahilata at nanghihina lang ako sa kama.
Nagpasalamat at nagpaalam muna ako sa mga kasamahan ko bago ako lumabas ng tindahan.
"Para po manong." bumaba na ko sa jeep na sinakyan ko. Medyo may kalayuan sa bahay namin yung pinagttrabahuan ko. Dagdag pa sa pagod ang byahe ko pauwi.

YOU ARE READING
REMEMBERED
Fiksyen PeminatHindi ko man maintindihan, hindi ko man mahanap ang kasagutan ngunit panghahawakan ko ang katanungang, sa paglisan anong marka ang nais kong iwanan?