"So tapos na tayo sa analysis, interpretation and summarizing ng mga plano natin for our business. Which mean, we are half way there."
Lunes na naman, nasa school kami ngayon at kasalukuyan naming pinaguusapan yung group project namin.
"And according to Mrs. Parungao, we need to submit a 3D Modeling of our business." sabay sabay nag-react ang mga kagrupo ko. Rinig ko rin ang mga reklamo ng mga ibang grupo.
Paano ba naman, 3D modeling, eh anong alam naming mga Accountancy student sa ganoong bagay.
Umupo si Darrence at sinenyasan niya kaming lumapit sa kanya.
"Tinanong ko si Mrs. Parungao, if required ba na tayo ang gagawa sa mismong model, ang sabi niya we can seek help to other colleges which is alam naman daw niya na mangyayari talaga kaya wala na siyang magagawa pa."
"Oh tapos?" naiiritang tanong ni Madie.
Bigla kaming sinenyasan ni Darrence na lalong lumapit sa kanya. Bali nakapabilog kami ngayon, at sobrang lapit sa isa't isa, na para bang may pinaplanong hindi maganda.
"Archi student is the key, and I got that one." kumindat pa ito sa amin bago tumawa ng malakas.
Naiiling na lang ako habang pabalik sa upuan ko.
Pero sa sitwasyon namin ngayon malaking tulong nga ang isang architect student, na mas may alam patungkol sa bagay na iyon at tiyak na mas bihasa sa larangan na iyon kumpara sa amin.
"After class, sa The Coffee Shop tayo magkita-kita."
Kakatapos lang ng last subject namin. Tinignan ko ang orasan ko, 4pm pa lang ngayon, maaga kaming pinauwi ni Mrs. Parungao para mapagplanuhan daw namin ng maayos yung 3D Modeling ng mga business namin.
Bali nakasakay kami ngayon ng jeep papunta sa The Coffee Shop o TCS, yung coffee shop kung saan kami nagstay ni Rence nung isang araw.
"Ayoko nang magtrabaho, pagod na ako." pagmamaktol ni Madie.
"Bakit kaba kasi nagttrabaho eh hindi mo naman kasi kailangan gawin." si Rence na ang sumagot sa pagmamaktol ni Madie.
May kaya naman kasi si Madie sa buhay, hindi ko nga alam bakit niya pa pinilit na magtrabaho.
Inisnob lang nito ang sinabi ni Rence. Sinandal nito ang ulo niya balikat ko at pumikit.
Bakas sa mukha nito ang pagod.
Napailing na lang si Rence ng mapansin na nakatulog na ang kaibigan niya.
Saktong kadarating lang namin sa TCS ng biglang may tumawag kay Rence.

YOU ARE READING
REMEMBERED
FanficHindi ko man maintindihan, hindi ko man mahanap ang kasagutan ngunit panghahawakan ko ang katanungang, sa paglisan anong marka ang nais kong iwanan?