"Kuya?" sabay kaming napatingin sa batang papalapit sa amin habang kinukusot nito ang kanyang mga mata.
Tumayo si Minson upang salubungin nito ang kanyang nakababatang kapatid. Kinarga nito si Ston na halatang inaantok pa mula sa pagkakagising.
"Kuya, I'm gutom." malambing na sabi nito habang karga karga ng kanyang kuya.
Napangiti ako sa tono ng boses ni Ston, tila naglalambing ito sa kanyang nakatatandang kapatid.
Habang nag-uusap ang dalawa, minabuti kong iligpit na ang mga gamit naming nagkalat, halos mga gamit ko pala ang nakakalat sa lamesa. Kaunting ayos na lang at matatapos na namin ang project ko.
Tinignan ko ang orasan, pasado alas-dose na pala. At hindi pa kami nag-ddinner.
Nanatili si Minson sa hospital para matapos na namin ang project, sakto siya naman daw ang magbabantay sa mama niya ngayong araw na nasa ICU din.
Ilang oras na rin pala kaming nakatutok sa laptop, at hindi na namin namalayan na nalipasan na pala kami ng gutom. Kung hindi lang nagising si Ston, hindi pa namin mapapansin ang oras.
Tumayo ako sa pagkakaupo, "Ako na bibili ng makakain natin." napatingin sa akin si Ston ng bigla nitong marinig ang boses.
Halata sa mata nito ang gulat, naguguluhan siguro kung bakit kasama nila ako.
"Ate," banggit nito. Nginitian ko ito at ngumiti naman ito pabalik. Sa pagkakangiti nito tila nawala ang antok na nakabakas pa sa mukha nito.
"Anong gusto niyong dinner?" tanong ko, nagpasiya ako na ililibre ko na ito ng dinner, pasasalamat ko na rin sa tulong nito.
"Sama na kami," at nagpauna na itong lumakad. Nagkibit balikat na lamang ako at sumunod na sa kanila.
Nang mapadaan kami sa nurse station, hinabilin ko sa mga ito na tawagan agad ako kung sakaling may mangyari kay Lola at hinabilin ko rin sa mga ito ang Mama nina Minson.
Nasa labas kami ngayon ng isang fast food chain, dito na lang namin napagdesisyonan kumain dahil ito naman ang pinaka-malapit sa hospital. Pinili din namin maupo sa labas, at nang makalanghap na rin ng sariwang hangin.
Tanging ang tunog lang ng simoy ng hangin ang maririnig mo at iilang mga sasakyan na napapadaan. Tahimik at nakakapanatag sa pakiramdam, ibang iba sa pakiramdam sa loob ng kwarto ni Lola, na tanging katahimikan at madalas tunog ng makina ang umaakap sa'yo.
Pinikit ko ang aking mga mata nang humampas sa mukha ko ang malamig na simoy ng hangin. Napangiti ako, ibang kapanatagan ang naidulot nito sa akin.
Tinignan ko ang dalawang kasama ko, tahimik ang mga ito habang kumakain. Paminsan minsan sinusulyapan ng kuya ang kapatid nito na ingat na ingat sa pagkain. Napangiti ako ng biglang dumako ang tingin ni Ston sa akin, binigyan ako nito ng ngiting abot sa mga mata nito.
Natawa ako dahil sinimangutan nito ang kuya niya, binawalan kasi ito nang magtangkang kausapin ako habang puno ng pagkain ang bibig nito.
Pinagpatuloy namin ang pagkain, at napagdedisyunang bumalik na sa hospital nang matapos kami.
Habang naglalakad kami, bigla kong naalala ang Mama nito.
"Kamusta pala Mama mo?" maingat na tanong ko. Hindi ko ito tinignan ng tanungin ko ito, nakatingin lang ako sa paa kong sinisipa pasulong ang batong nakita ko sa dinadaan namin kanina.
YOU ARE READING
REMEMBERED
FanfictionHindi ko man maintindihan, hindi ko man mahanap ang kasagutan ngunit panghahawakan ko ang katanungang, sa paglisan anong marka ang nais kong iwanan?