Kinabukasan, hindi na kami nagulat sa mga itsura naming nakatulog sa kung saan man kami madatnan ng antok kanina.
Kami ni Madie, magkatabi kaming nakatulog sa kinauupuan namin kagabi, komportable gawa ng pagkagising namin ay nakakumot at may unan pa kami.
Si Minson naman ayon nakatulog habang nakaupo sa sahig at nakasandal sa upuan nito, samantalang si Clarence ayon kaunting usog na lang at mahuhulog na ito sa swimming pool.
Para-pareho naming hindi alam paano kami nakatulog at kung kailan kami dinatnan ng antok.
Ako ang huling naaalala ko ay ang pagsuka ni Minson gawa ng nakailan itong straight ng inom ng drinks na may halo-halong alak at kung ano anong mix ang pinaglalagay doon ni Clarence. Pinlano ata talaga nitong lasingin ang pinsan nito, pero sa mga itsura namin ngayon mas mukha siyang wasted sa aming apat.
Tulog pa silang tatlo at ako ang naunang nagising sa aming apat. Kinumutan ko muna sila isa isa bago ko napagpasiyahang pumasok at magluto ng makakain namin.
Feeling ko maya maya pa ang gising ng mga iyon.
Dahan dahan akong umalis sa pwesto namin para pumasok at makapagsimula na ako sa pagluluto. Mahangin na lang ngayon at hindi na umuulan, gayun pa man makulimlim pa rin at hindi pa rin sumisikat ang araw.
Pagpasok ko sa bahay nasalubong ko si Tita na may dala dalang kape.
"Ikaw pa lang ang gising? You want coffee, nak?" imbis na tuloy tumuloy ito sa paglabas ay naglakad ito pabalik sa kusina habang ako ay nakasunod lamang sa likod nito.
"Hot or cold one?" tanong nito ng makarating na kami sa kusina.
"Iced coffee na lang po." mahinang sagot ko. Ngumiti lang ito sa akin at iniabot ang isang baso ng tubig bago ito nagsimula sa pagtimpla ng kape.
"Anong oras na kayo nakatulog? Hindi ko na kayo nahintay at baka para-parehas pa tayong tulog sa mga oras na ito kung hinintay ko kayong natapos." mahina pa itong natawa tila alam na nito ang kahahantungan ng mga pangyayari kagabi.
"Mag aalasingko na po ata iyon." hindi ko rin alam bakit kami humantong sa ganoong oras, baka ganoon na karami ang mga hinanakit namin sa buhay para umabot ng umaga sa paguusap usap.
"Alas otso pa lang, bakit ang aga mo naman gumising?" napatingin din tuloy ako sa orasan na tinitignan ni Tita.
"Sanay na po siguro ang body clock." sagot ko habang nakatingin pa rin sa orasan.
Iniabot na sa akin ni Tita ang bagong timplang kape, magsasalita pa lamang sana ako ng biglang nakarinig kami ng mga yapak. Sabay kaming napatingin sa bagong gising na si Minson.
"Good morning po." bati nito kay Tita, ngumiti lang si Tita at iniabot ang pitcher at baso kay Minson bago ito lumabas para tignan ang kanyang mga tanim at baka nasira raw ng hangin dulot ng bagyo.
Napatingin kami sa isa't isa ng maiwan kaming dalawang nakatayo sa kusina.
"Good morning / Morning." sabay na bati namin sa isa't isa.
Bakit sa amin dalawa mas mukha ata ako yung nalasing? Sa itsura nito ngayon parang hindi 'to nagwala kakasuka kanina ah.
Hindi ko alam pero ng lumabas ito sa kusina at bumalik sa pwesto namin kanina ay parang automatic na kailangan kong sumunod.
"Okay ka lang?" hindi ko na napigilang itanong. Paano ba naman kasi bigla niyang binuhat sa likod si Clarence.
Tinignan lang ako nito na para bagang may mali sa tanong ko.

YOU ARE READING
REMEMBERED
FanfictionHindi ko man maintindihan, hindi ko man mahanap ang kasagutan ngunit panghahawakan ko ang katanungang, sa paglisan anong marka ang nais kong iwanan?