2

25 0 0
                                    

Panibagong araw na naman. Yung pagod na nalilikom ko araw-araw hindi ko na maipaliwanag kung gaano kabigat. Pero sa tuwing naiisip ko ang dahilan kung bakit ako patuloy na lumalaban, lahat ng pawis, iyak at pagod nawawala.


Lahat nagiging magaan.


Sabi nga, ang mga problema dapat pinagdadaanan lang, huwag ka dapat manatili sa isang lugar, lakad lang pasulong, mabagal man pero atleast sumusulong.


Kaya sa bawat araw na aking sinisimulan, lagi kong pinapaalala sa sarili ko na, laban lang! Kayod lang!



"Goodevening sir, I received 200 pesos."


I'm at worked now. Actually, kakagaling ko lang sa school then right after dumaretso na agad ako dito. Medyo na-late kasi ng tapos yung emergency meeting namin sa org kaya hindi ko na nagawang umuwi muna sa bahay. But since ilang linggo na ako sa bagong trabaho ko, nasanay na ako.


"Thank you mam, I received exactly 141 pesos." nagsalubong ang kilay ko at naguguluhan kong tinignan ang customer na nasa harapan ko ng sabihin niya iyon.


"Hehe, practice lang." maloko itong tumawa bago siya umalis at dumaretso sa office ni Mr. Reyes. Now, I wonder why.


Pinagsawalang bahala ko na lang ang nangyari at tinuon ko na ulit ang atensyon ko pabalik sa trabaho ko.


"Hi, Darrence nga pala." gulat at nagtataka akong napatingin sa customer kanina na ngayon ay may suot-suot na ng uniform katulad ng suot ko. Inilahad nito ang kamay niya, sabay namin tinitigan ito.


"Nice to meet you, Zsa." nang mapansin nito na nakatigtig lang ako sa kamay niya, siya na mismo ang kusang umabot sa kamay ko.



"Ginagawa mo?" nagtatakang tanong ko.


"Shaking hands? Holding hands? Nakikipag-kaibigan?" napailing ako sa mga sagot niya. Halatang ginagago lang ako nito sa mga naging tugon niya. 


Gets ko naman kasi yung ginagawa niya, ang hindi ko maintindihan yung purpose ng ginagawa niya. 


"Oh there you go, you met each other already." nadako ang tingin ko kay Mr. Reyes na kalalabas lang galing sa kanyang opisina. "Zsa, he's new, obviously. He's Darrence by the way, your new workmate starting today."


Tinanguan ko si Mr. Reyes bago siya bumalik sa loob ng opisina niya. Hinabilin din nito sa akin na i-train ko daw ang bago kong kasamahan.


Tinignan ko ang lalaking prenteng nakatayo at nakangiti sa tabi ko.


"Saya mo naman." bulong ko, pero sapat na para marinig niya at mapalingon sa gawi ko.


"Good evening ma'am." bati ko sa customer na nasa harap ko.


"First day eh." sagot niya, sabay baling ulit sa customer niya.


Kaya pala naging dalawa yung cashier dito. The last time kasi ng pagpunta ko, isa lang. Yung babaeng nagwelcome sakin na naging katrabaho ko for the past weeks ay cashier, minsan nagsasalitan kami sa trabaho.


Pero according kay Mr. Reyes, dinagdagan niya daw ng tig-isa ang bawat duty. Bali dalawahan per duty. Para kapag oras na ng inventory checking hindi masyado mabigat ang trabaho. And plus, dumadami na rin kasi ang dagsa ng mga mamimili gawa ng nagbukas na yung bagong dormitory malapit sa pinagta-trabuhan ko ngayon.


REMEMBEREDWhere stories live. Discover now