"Para sa paggawa ng SWOT analysis natin, I will assign myself together with Zsa to work on it. And the rest of you will be assigned to do our Budget Plan. And then after that, we will discuss it with each other para alam natin yung scope ng bawat part."
Kung hindi nagtatrabaho, bilang estudyante ko sinisimulan ang araw ko. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero-
"Teka sandali, bakit kayo lang dalawa ni Zsa, dapat kasama ako!" napailing na lamang ako ng magsimula na naman magtalo ang dalawa. Wala talagang araw na hindi nag-aaway 'tong dalawang ito. Never naging tahimik yung paggawa namin sa business plan namin dahil never silang nag-agree sa idea ng isa't isa.
"Magkaduty kami this week, magkalapit yung bahay namin, tyaka close naman kami, ano pa bang kailangan mong dahilan Ms. Madison." ewan ko ba sa lalaking ito bakit niya pa kasi pinapatulan si Madie ayan tuloy hindi kami makauwi-uwi.
"Close din naman kami ah," tumayo ito at lumapit sa tabi ko para kumapit sa braso ko habang nakasimangot na parang batang iniwan ng nanay para mamalengke, "Diba, Zsaph."
"At talagang sa lahat ng sinabi ko ayan lang talaga ang naintindihan mo no," hinila ni Darrence paalis si Madie at iginaya papunta sa tabi niya kung saan talaga ito nakaupo kanina, hinawakan niya ito sa mukha at pinitik ang noo dahil ayaw makinig ni Madie sa sinasabi nito.
"Iba yung duty time mo sa duty schedule naming dalawa, which means malabong magwork ang schedule nating tatlo, okay?" pagpapaliwanag pa rin nito. Nang wala ng magawa si madie, inirapan na lamang nito si Rence at umayos ng upo para makinig sa sasabihin ng leader namin. Pinagpatuloy na ni Rence ang pag-aassign sa mga magiging trabaho namin this weekend.
"That's all for our weekend task. And if you have any inquiries about your parts, you can freely ask sa group chat natin. Anyways, yun lang for this week, ingat kayo sa pag-uwi!" luckily, ayos yung grupong kinabilangan ko, lahat productive and pansin mong seryoso at gusto din nila yung ginagawa nila.
Not to mention na matalino at magaling talaga kasi mag-handle yung leader namin.
"Zsaph, bakit hindi ikaw kaduty ko next week, ayoko talaga yung kaduty ko." palabas na kami ng room ngayon. Sabi sa inyo hindi talaga niya makakalimutan sabihin yan tuwing magkikita kami. At hanggang ngayon ayan pa rin ang minamaktol niya, simula kasi nung matanggap ako sa trabaho isang beses pa lang kami naduty na magkasama sa iisang shift, after nung duty namin magkasama hindi na naulit.
"Sige palit tayo." pag-alok ko. Lagi kasi niyang nirereklamo sa tuwing magkikita kami yung kaduty niya for the past weeks.
"Ayoko nga." madiing sabi nito habang umiiling. Nang makita nito ang oras, dali dali itong nagpaalam para umuwi na. Napailing na lang ako at natawa sa ginawa niya.
Ibang klase talaga init ng dugo nito sa kay Rence. Actually, magbestfriend si Darrence at Madison, natural na sa kanilang dalawa ang laging nag-aaway. Hindi nga ako makapaniwala nung sinabi nito na magbestfriend na sila since grade school.
"Si Madison?" napatingin ako sa bagong dating na tumayo at tumigil sa tabi ko. Sa baba ng building na kasi kami naghiwalay ni Maddie. Siya para umuwi, ako para hintayin itong leader namin.
"Nauna na, duty niya mamaya." nagsimula na kami maglakad palabas ng building. Bali kaninang umaga yung duty namin ni Rence, set c naman duty ni Maddie ngayong araw. Kaya yung minamaktol niya kaninang isama namin siya sa part namin ay malabo talaga.

YOU ARE READING
REMEMBERED
FanfictionHindi ko man maintindihan, hindi ko man mahanap ang kasagutan ngunit panghahawakan ko ang katanungang, sa paglisan anong marka ang nais kong iwanan?